Naty, hindi maituturing na estafa ang iyong sitwasyon


Kgg. na Chief Acosta,

Tama po ba na napakalaki ng interes na pinapatong sa akin ng aking pinagkakautangan? May tatlong (3) taon ko na pong hindi ito nababayaran at ang sabi po ay 5% po kasi kada buwan ang interes na pinapatong nila sa aking utang. Makukulong po kaya ako kung hindi ko ito mabayaran?


Lubos na gumagalang,

Naty


Dear Naty,

Hindi malinaw sa amin kung ikaw ay mayroong pinirmahang kontrata hinggil sa inyong pagkakautang. Maaaring mayroong nakasulat doon hinggil sa pagtaas ng interes pagdating ng takdang panahon na hindi nababayaran ang pagkakautang.

Halimbawang walang nakasulat hinggil sa pagtaas ng interes, maaari mong linawin kung bakit nila nagawang itaas ang interes ng walang sapat na batayan o paglilinaw man lang. Hindi tama na agad ka nilang pagbayarin ng utang lalo na kung hindi malinaw kung ano ang naging batayan nila upang itaas ang interes at singilin ito.

Sa kasamaang-palad, halimbawang nakasulat sa inyong kontrata ang tungkol sa pagtataas ng interes sa pagdaan ng panahon ay kailangan ninyo itong bayaran. Ito ay sa kadahilanang ang kontrata ang siyang batas na gagabay sa inyong relasyon sang-ayon sa prinsipyo na contracts are law between the parties, and they are bound by its stipulations (Spouses Faustino and Josefina Garcia et. al. v. Court of Appeals, G.R. No. 172036, 23 April 2010).

Ang hindi ninyo pagbabayad ng simpleng utang at pagsampa ng kasong sibil sa hukuman ay hindi sapat na dahilan upang kayo ay makulong. Malinaw sa 1987 na Saligang Batas na, “No person shall be imprisoned for debt or non payment of a poll tax” (Section 20, Article III of the Bill of Rights, 1987 Philippine Constitution).

Hindi maituturing na estafa ang inyong sitwasyon dahil sa wala namang deceit o panloloko at hindi naman ninyo nais takbuhan ang inyong obligasyon. Sa katunayan, sinusubukan mo naman itong bayaran kasabay ng pakisuyo na bawasan ang malaking interes na ipinataw dito.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. 


Ang inyo pong lingkod- bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan


Paunawa:

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.    

Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.

Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni”  tuwing Huwebes ng gabi, sa TV5, before “Aksyon Journalismo”. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC