ILANG tulog na lang at mag-uumpisa na ang Coronavela sa Senado -- ang ‘impeachment case’ laban kay Chief Justice Renato Corona.
Asahan na ring maglalabasan pa sa mga darating na araw ang iba’t ibang ‘baho’ ni CJ Corona bunga na rin ng pagmamatigas nito na hindi magbitiw sa puwesto.
Kaya nga nang lumabas ang ulat na may pag-aaring dalawang mamahaling condo unit sa The Fort si Corona, hindi na tayo nagtaka dahil marami pa talagang mga ‘interesting details’ ang maglalabasan para lamang basagin nang husto ang kredibilidad ng mama.
Kung tutuusin, pasakalye pa lang ang pagkakabunyag na may condo unit si Corona sa Bonifacio Ridge at Belagio Towers sa The Fort dahil marami pang hawak na ‘alas’ ang prosekusyon para patunayan kung gaano na kayaman ang kontrobersiyal na Chief Justice.
Sa pagkakaalam ko, bukod sa Bonifacio Ridge at Belagio Towers, anim na ari-arian pa ang namonitor na ng Aquino administration. Ilan sa mga ito ay ang 513.8 square meters na mansiyon sa Loyola Heights, Quezon City; isang 460 square meters sa Ayala Heights sa Quezon City; isa pang 631.6 square meters sa Loyola Heights; isa pang condo unit sa The Columns sa Ayala Avenue, Gil Puyat, Makati City; isang 1,200 square meters na mansiyon sa La Vista, Quezon City at isa ulit na condo unit sa Burgundy Plaza sa Katipunan, Quezon City.
Alam ng lahat na may bahay ang dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo sa La Vista, Quezon City. Pero bukod sa La Vista, magkapitbahay din sina CJ Corona at CGMA sa One Burgundy Plaza. Kasi kung nasa Unit 21B ang pamilya Corona, sina CGMA naman ay may penthouse suite sa One Burgundy Plaza.
Maliban sa bahay sa Loyola Heights, Quezon City, na nabili noon pang 1975; ang pitong ari-arian ni Corona ay nabili noong 1993 hanggang taong 2003.
So abangan n’yo pa sa mga susunod na kabanata ang paglalantad sa mga ari-arian ni Corona.
* * *
Kung tuwid na landas ang pag-uusapan, isa sa tingin kong nangunguna sa pagtupad nito si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.
Pinatunayan ng 37-anyos na alkalde ang dedikasyon sa kanyang tungkulin sa mga programang ipinatutupad sa lungsod kaya’t hindi kataka-takang nanguna ang Valenzuela City sa Department of the Interior and Local Government’s Local Governance Performance Management System (LGPMS) noong isang taon.
Pumailanlang ang lungsod sa iba’t ibang kategorya kabilang ang local legislation, revenue generation, resource allocation and utilization, environmental governance, transparency, participation, financial accountability at delivery of basic social services tulad ng health, housing at peace and order.
Hindi rin maikakaila na si Mayor Win ang nasa likod ng tagumpay ng mga estudyante sa lungsod na nanguna sa National Achievement Test for Elementary Schools para sa Grade 6 students matapos nitong tutukan ang mga programa para sa edukasyon.
Sa latest report ng Valenzuela City, ang student-to-classroom ratio ay nasa 43:1 sa elementary schools at 45:1 sa secondary schools na lagpas sa ideal ratio na 45:1 at 50:1.
Isa pang patunay sa kanyang mabuting paglilingkod ang pagkakabilang sa 2011TOYM (The Outstanding Young Men) awardee for public service.
Pinarangalan din ito ng Department of the Interior and Local Government bilang No. 1 city mayor for good governance sa Pilipinas.
Bago pumasok sa mundo ng pulitika, abala si Gatchalian sa sarili nitong negosyo subalit naramdaman ang panawagan ng taumbayan kaya’t naisipang pumasok sa paglilingkod kahit alam nitong may kaakibat na sakripisyo.
Batay sa pahayag ng marami, maituturing na kahalintulad ng pagpapatakbo sa isang pribadong korporasyon ang palakad ng alkalde sa Valenzuela City.
Pinakikita anila ng alkalde na sa kanyang pamahalaan, ang mga lokal na empleyado ang prime assets habang ang mamamayan ang valued assets at ang Valenzuela City ang trusted brand name.
Bilang isang negosyante at pulitiko, tinitiyak din ni Gatchalian na palagi siyang nakasunod sa gabay ng pananampalataya.
***
Attention Sr. Supt. Alex Gutierrez, ang magiting na director ng Manila Police District.
Pakipasadahan naman sa mga tao mo iyong peryahan sa Pasig Line at Onyx Zobel. Bukod kasi sa talamak ang sugalan na mga bata ang kalimitang mananaya, talamak din daw ang ipinagbabawal na gamot.
Ang booker daw ng peryahan na ’to ay isang alyas Maganto at ang may-ari ay sina Arnold Pilay at Bert.
Baka puwede mo silang ipaaresto, Gen. Gutierrez.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more