‘Kapalmuks’ at anti-epal bill


Hindi ko lang alam kung gaano magiging ‘ika nga’y kasikip ang schedule ngayon ng Senado  ngayong ito’y isa nang impeachment court. Hindi ko rin alam kung matatalakay pa nila ang mga panukalang batas tulad ng anti-epal  ‘pag nagsimula na ang pagdinig sa impeachment ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Masasabi kong hindi lang ako ang matagal nang nagtitiis sa mga nakalambitin o nakapako sa mga puno na mga “epal” ng mga pulitiko o ‘yung mga taong naghahanda pa lang maging pulitiko. Sa taong ito na tinatawag na simula na nang “lagnat ng eleksyon” para sa 2013, tiyak na marami nang “epal” sa kapaligiran.

Nasabi kong hindi lang ako ang nagtitiis dahil kahit tumigil ako pansamantala sa pagpapahayag ng damdamin ko sa pagtutol sa mga nakalambitin na propaganda material ng mga “epal” kahit na ang mga public projects ay natural na nanggaling sa kaban ng yaman o mula sa buwis ng mga Pilipino, marami akong naririnig sa mga kababayan nating pagtutol sa mga ganitong gawain ng mga “epal.” Kung tatakbo nga lang daw muli si Sen. Miriam Santiago, tiyak na namang panalo siya kahit ang anti epal bill lang ang ulit-ulitin niyang sabihin sa entablado.

Ibig sabiihi’y ayaw talaga ng mga Pinoy ang gawain ng mga “epal” at naging popular lalo si Sen. Miriam. Kung maraming Pinoy ang may ayaw sa ginagawa ng mga “epal” palagay ko’y makatwiran lang na palahukin sa pagdinig ang iba’t ibang sektor hinggil sa naturang panukalang batas.

Paano nga lang kung ang mga celebrity na mas madalas kaysa hindi ay nasa mga billboard sa kahabaan ng EDSA at nageendorso ng isang produkto? O kaya’y dati o talunang pulitiko ang nasa mga higanteng billboard sa mga highway, Nlex o Slex? Ang tawag dito ay exposure. Kasama ba sila sa anti epal bill?

Sa palagay ko’y dapat na maipasa ang anti epal bill upang matigil na ‘tong ilang dekada nang paglustay sa salapi ng bayan para lamang iepal ang  mga pampulitikang interes ng mga “epal.”

Dapat pa ngang maging malaki sa epal bill ang kaparusahan sa mga “epal” tulad nang walang piyansa at habangbuhay na pagkakulong. Bakit? Sa palagay ko’y malapit na sa kasong plunder o pandarambong ang ginagawang paglustay sa salapi ng bayan ng mga “epal” na ‘to! Kung sa bawat eleksyon ay ginagawa nila ito at sa bawat proyekto nila ay nagpapalambitin sila ng mga propaganda materials nila gamit ang pera ng bayan, ‘di ba’t pandarambong na rin ito?

Ang isang nakagagalit ng ginagawa ng mga “epal” ‘di lang dito sa Kamaynilaan kundi sa mga lalawigan na nakita ko ay ang pagpapako ng kanilang mga propaganda, pasasalamat at kung ano pang materyales sa mga puno!

Sa Mindanao lang ay nakita ko noon ang isang billboard na nagsasaad ng “welcome” sa isang  pulitikong lokal. Ikinuwento sa akin ng mga tagaroon na naging speaker ang pulitiko sa isang Unibersidad sa Mindanao. Ilang buwan na ang nakalipas sa speaking engagement ng pulitiko, nakapako pa rin ang billboard sa mga puno! Nanalo naman ang pulitikong 'yon at national figure na siya ngayon.

Sinasabi ng mga eksperto na nagiging sagka sa maayos na daloy ng hangin sa kapaligiran lalo na kung sunod-sunod o sandamakmak ang mga billboard sa isang highway tulad ng EDSA, Nlez at Slex. Dagdag pa nga rito ang mga billboard ng mga “seksing lalake at babae” na nageendorso ng mga kani-kaniyang produkto.

Ayon sa kanila ay nabubulag ang mga ibon na lumilipad sa gabi dahil sa sobrang liwanag ng mga ilaw na nakapalibot sa mga billboard. Hindi nga lang mga ibon ang nasisilaw at napapagod sa matinding liwanag ng mga ilaw ng billboard kundi maging mga tao rin. Sa halip na marelax sa gabi habang nagmamaneho pauwi ng bahay ang pagod na empleyado, mapapipikit ito sa silaw kapag dumaan sa kahabaan ng EDSA. Nagliliwanag sa matatalim, matatalas na liwanag ng mga ilaw ang billboard. Kung trapik pa, tiyak na nakababad ang mga mata sa liwanag kahit di tumingin sa sandamakmak na “nagbabagang” ilaw.

Palagay ko’y kailangan pa ng isang bill na kahawig ng anti epal bill para mapangalagaan din ang kapaligiran, kalikasan at kalusugan ng mga tao. Ang puwedeng itawag dito ay “anti-kapalmuks bill.”



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC