Magtiwala sa Diyos at maging mapaghintay


Ang buhay ng tao ay puno ng mga oportunidad. Ang tamang paghawak ng bawat oportunidad ay lubhang napakahalaga. Ang maling paghawak nito’y sumisira ng buhay ngunit ang tamang paghawak naman nito’y nagdudulot ng labis na kaginhawaan. Tandaan, hindi lahat ng oportunidad ay maganda. At hindi lahat ng magandang oportunidad ay galing sa Diyos. Mayroong tila magandang oportunidad na galing sa demonyo. Ang unang plano ng demonyo ay piliin mo ang maling oportunidad. Ngunit kapag siya’y nabigo na ito’y gawin mo, mayroon siyang pangalawang plano. Ang kanyang backup plan ay aalukin ka niya ng seemingly ‘good opportunity’ so that you will miss out the ‘best opportunity’ that God has prepared for you. Ito’y mistulang patibong ng demonyo upang hindi mong makuha ang pinakamainam na plano ng Diyos para sa iyong buhay. Maging matalino! Huwag palinlang sa taktika o maneobra ng demonyo. Ang wika ni Apostol Pablo, “Upang hindi tayo malinlang ni Satanas at hindi naman lingid sa atin ang gusto niyang mangyari.” (2 Cor. 2:11)

Ano ba ang oportunidad? Ang oportunidad ay kumbinasyon ng mga pangyayari paborable sa gusto mong resulta. Ano naman ang oportunidad na mula sa Diyos? Ito ay ang pagsasa-ayos ng mga planadong pangyayari paborable sa resultang nais ng Diyos para sa iyong buhay. Ang Diyos ay mayroong magandang plano para sa atin. Ang sabi ng Diyos, “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” (Jer. 29:11) At dahil likas na maganda ang plano ng Diyos para sa atin, paano natin hahawakan ang mga oportunidad na dumarating sa ating buhay? 

Kailangan natin maging mapaghintay. Ang Diyos ay hindi mabagal o nahuhuli sa panahon. Mayroong sariling panahon ang Diyos sa bawat bagay. Ang sabi ni Solomon, “Sa bawat bagay ay may kapanahunan, at panahon sa bawat bagay sa silong ng langit.” (Eccl. 3:1) At ang Diyos ay nasa ibabaw ng bawat pangyayari. Hindi siya nadadaig ng mga pangyayari, kontrolado niya ang bawat pangyayari at ginagawa niya itong maganda sa kanyang panahon. (Eccl. 3:11) 

Ang Diyos ay hindi nagmamadali. Ang bawat oportunidad ay pinakikitunguhan ng Diyos mula sa walang hanggang konsekwensya at hindi sa dagliang pangyayari. Ito’y patuloy niyang ginagawa upang isakatuparan ang kabuan ng kanyang plano at layunin. Halimbawa, si Jesus ay hindi maaaring ipanganak ng kahit anong panahon. Kailangang hintayin ng Diyos ang ang tamang kapanahunan para dito. Ganito ang paliwanag ni Apostol Pablo, “Subalit nang dumating ang ganap na kapanahunan, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak, na ipinanganak ng isang babae, at ipinanganak sa ilalim ng kautusan, upang tubusin ang mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkupkop bilang mga anak.” (Gal. 4:4-5)

Ang Diyos ay partikular sa pagtatakda ng mga kapanahunan. Ang unang pagparito ni Jesus ay itinakda ng Diyos at ito’y natupad sa takdang kapanahunan. Ang muling niyang pagbabalik ay nakatakda rin ayon sa kanyang plano at ito’y matutupad sa takdang panahon. Ang sabi ng Diyos sa Mga Awit 75:2, “At sa aking piniling takdang panahon, may katarungan akong hahatol.” Ang Diyos ay kumikilos ayon sa kanyang takda at tamang kapanahunan. Maaaring nababagalan tayo sa kanyang pagkilos dahil sa ating pagkamainipin ngunit ang Diyos kailan man ay hindi nahuli sa panahon.

Ang pagkamainipin ay lubhang mapanganib. Ito ang panganib na sinuong ni haring Saul. Siya’y sinabihan ni propeta Samuel na maghintay sa Gilgal ng pitong araw. Nang tila nabalam ang pagdating ni Samuel, mabilis na nagpasya si Saul na gawin na lang niya ang pag-aalay ng handog.

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC