Home Opinion Nasa tambakan ang lahat ng uri ng basura
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

Banner
Nasa tambakan ang lahat ng uri ng basura PDF Print E-mail
Sunday, 31 January 2010 18:36
joey1Pinag-uusapan ngayon ang mga nakitang electronic at electrical wastes ng isang grupo mula sa EcoWaste Coalition sa Pier 18. Lumabas ito sa isang pahayagan at mabilis din itong ikinaila ng pamahalaang lungsod ng  Maynila.

Wala nga raw tambakan sa Pier 18!

Ang mayro’n daw sila ay transfer station. Ha? Bawal na rin ang transfer station sa ilalim ng Republic Act 9003. Ipinagbawal na ito noon pang 2006. Sabi ng  tagapagsalita ng lungsod Maynila, mula daw sa trak ng basura, diretso na raw ito sa may barges o guevarra na hindi na binanggit kung saan dinadala.

Ang matagal ko nang alam ay dinadala ito sa Navotas na may “sanitary landfill” o tambakan ng basura! Meron bang malinis na tambakan ng basura?

Kaya kawawa talaga ang Manila bay, habang bumibiyahe ang barges ay marami ring floating garbage na makikita sa karagatan. Maraming nahuhulog mula sa barge ‘ika nga.

Sa karanasan ng Bangon Kalikasan Movement, at kahit noong bata pa ako, lahat ng uri ng basura ay makikita sa tambakan ng basura. Kahit nga patay na tao, o mga bahagi ng katawan ng tao ay nakikita sa tambakan. May mga alahas, shabu, fetus, hiringgilya, mga duguang bulak at gasa at natatandaan kong ipinalabas noon sa Channnel 7 na sa isang bayan ng Pampanga ay nakita pa ang mga hospital waste o lamang loob ng tao na itinatapon sa tambakan ng basura.

Ngayong dinagsa tayo ng mga teknolohiiyang hind naman natin talaga kailangan tulad ng mga laptop, iPod, mumurahing printer at mga ilaw, at kung anu-ano pa, makikita na rin ito sa mga tambakan ng basura. Sumobra na ang mga kagamitang ito.

Sa halip na ipagkaila ito ng lungsod ng Maynila, dapat ay  ipatupad ni Manila Mayor Lim ang  RA 9003 o Ecological Solid Waste Management.

Noong minsang kinunan  ni Korina Sanchez ng Channel 2 mula sa isang chopper ang Pier 18, nagulat si Korina sa gabundok na tambakan ng basura ! Nauna rito ay ibinalita ni Ces Drilon sa TV Patrol na mismong nakatayo sa bundok ng basura sa Pier 18. Ngunit ilang araw lang ay mabilis na napatag ang bundok ng basura. Saan napunta ito?

Maraming nagtanong sa akin kung itinulak ng backhoe ang tambak ng basura at ang iba ay dinala sa Navotas dumpsite. ‘Kako malamang. Mahirap mangyari na sa loob lamang ng dalawa o tatlong araw ay parang bulang mawawala ang mga basura sa Pier 18!

* * *

Ingay at baho ng QC dump trucks

Ilang taon na kaming nagtitiis sa baho at ingay ng mga trak ng basura. Kahit tumira ka saan mang lugar sa Kamaynilaan. Maynila, QC, kahit saan, pag nariyan na ang trak ng basura, maaamoy mo ang amoy patay na dagang baho o bulok na gatas at usok ng diesel sa trak na hindi na ayos ang makina dahil matindi na ang ibinubugang usok-lason.

Ganito ang kalagayan ng mga naninirahan sa lungsod Quezon. Kasabay ng baho ng trak ng basura at usok-lason mula dito ay ang ingay ng sunud-sunod na pagbusina ng tsuper ng trak. Kahit maaga pa ay tutuligin ka ng businang parang dapat ay sa barko lamang ginagamit. “Ilabas ang mga basura n’yo para mabayaran ang kontraktor ng trak,” galit na sigaw ng isang retired teacher. “Kailangang may maitapon sila sa Payatas dumpsite!” dugtong pa ng isang senior citizen.

“Ok sa QC! May air pollution ka na, may noise pollution ka pa!” habol ng isang kabataang babae.

At habang naghihintay ang trak ng basura, kumakapit na sa mga kurtina at nakasampay na damit ang mabahong amoy ng basura sa trak na hindi nililinis!

At may libreng mikrobyo ka pa galing sa trak ng basura! Pagkaraan noon ay lilibot pa ang trak sa mga komunidad ng QC! Magtataka pa kayo ngayon kung bakit ‘di nawawala ang mga sipon, ubo at lagnat n’yo?

( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it )
 
Banner

Most Commented Articles...

Journal Online Content Archives

Who's Online

We have 3,178 guests online