Sa tuwing tayo’y nananalangin…


Sa mga Pulong-Panalangin o Prayer Meeting ay palaging tinatanong ng mga tagapanguna kung ang mga tao ba’y may mga kahilingan sa panalangin o prayer requests. Minsan ay tinanong ng bata ang kanyang nanay sa loob ng simbahan. “Nanay, hindi po ba alam ng Diyos ang ating mga kahilingan?” “Bakit mo naman naitanong iyan, anak?” ang tanong ng nanay. “Kasi po kung alam ng Diyos ang ating mga kahilingan eh bakit pa po natin ito sinasabi sa kanya.” Oo nga naman, kung alam ng Diyos ang lahat ng bagay pati na ang ating mga pangangailangan, bakit kailangan pa nating sabihin ito sa kanya sa panalangin? 

If we’re going to impact our families, our nation, and our world in these critical days, prayer is where it begins. Ano ang unang ginawa ng mga mananampalataya matapos umakyat ni Jesus sa langit? Sila’y nagbalik sa Jerusalem, pumasok sa silid sa itaas at namalagi sila doon ng 10 araw upang manalangin. (Mga Gawa 1:12-14)

Naitala sa aklat ng Mga Gawa ang pagiging mapanalanginin ng mga unang mananamplataya. Hindi sila kumikilos ng hindi sila nananalangin. Ang panalangin ay naging napakahalagang bahagi ng kanilang buhay Kristiyano. Nanatili silang matibay sa turo ng mga apostol at sa pagsasama-sama, sa pagpuputul-putol ng tinapay at sa mga pananalangin. (Mga Gawa 2:42) Sina Pedro at Juan ay regular na pumupunta sa templo sa oras ng panalangin. (Mga Gawa 3:1) Nang magkaroon ng krisis sa loob ng Simbahan, ang kanilang naging tugon ay huwag pabayaan ang panalangin. (Mga Gawa 6:4) Ang unang Simbahan ay naging mataimtim sa pananalangin maging sa panahon ng maigting na pag-uusig at pagsubok. (Mga Gawa 12:5)

Kung ang mga unang alagad at mga mananampalataya ay sumandig sa panalangin at naging mapanalanginin, higit dapat tayo? Isang malaking pagkakamali ang maging pabaya sa panalangin. Ang wika ni Jesus, “At isinalaysay ni Jesus sa kanila ang isang talinghaga kung paanong sila’y dapat laging manalangin at huwag manlupaypay.” (Lucas 18:1)

We do not pray to impress God. Hindi tayo nananalangin upang yabangan ang Diyos. Hindi kailangan magaling mag Ingles o mabulaklak ang pananalita. Kung paano ang isang anak ay nakikipag-usap sa kanyang ama, maari natin kausapin ang Diyos bilang ating Amang sumasalangit. Ang wika ni Apostol Pablo, “… ibinigay sa inyo ang Espiritu upang kayo’y gawing mga anak ng Diyos, kaya nakatatawag tayo sa kanya ng “Ama, Ama ko!” (Roma 8:15)

We do not pray to inform God. Hindi tayo nananalangin upang ipagbigay alam sa Diyos ang mga bagay-bagay na alam na niya. Alam ng Diyos ang lahat ng bagay. (1 Juan 3:20) Walang bagay na hindi alam ng Diyos. Sa theology ang tawag dito’y the omniscience of God.

We pray to invite God. Ang panalangin ay isang paanyaya sa Diyos. Sa tuwing tayo’y nananalangin ating inaanyayahan ang Diyos sa ating mga buhay.

Una, ito’y paanyaya na ang Kanyang Kalooban ay maganap sa ating buhay. “Our Father in heaven, hallowed be your name, your kingdom come, your will be done on earth as it is in heaven.” (Matt. 6:9-10)

Pangalawa, ito’y paanyaya na ang Kanyang Probisyon ay maranasan sa ating buhay. “Give us today our daily bread.” (Matt. 6:11)

Pangatlo, ito’y paanyaya na ang Kanyang Kapatawaran ay matanggap at maibahagi sa iba. “Forgive us our debts, as we also have forgiven our debtors.” (Matt. 6:12)

Pang-apat, ito’y paanyaya na ang Kanyang Pag-iingat ay maranasan araw-araw ng ating buhay. “And lead us not into temptation but deliver us from the evil one.” (Matt. 6:13)

Tandaan, sa tuwing tayo’y nananalangin ating pinapahalagahan at inaasahan ang Kanyang Kalooban, Probisyon, Kapatawaran at Pag-iingat.

Ang pananalangin ay isang pribilehiyo. Ito’y pribilehiyo na ang Diyos ay maging aktibong bahagi ng ating pang-araw-araw ng buhay. Tandaan, sa tuwing tinitiklop natin ang ating mga kamay sa panalangin binubuksan naman ng Diyos ang Kanyang kamay upang tayo’y pagpalain.

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook. emi.ph



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 50

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC