NABIGO ang mithiin ng Department of Transportation and Communications sa kanilang programang “Oplan: Ligtas Krismas” nang mabahiran ng dugo ang pagpasok ng 2012 matapos mamatay ang isang bus driver at masugatan ang 39 iba pang pasahero nang magbanggaan ang Eagle Star Bus Line at AB Liner Bus noong Miyerkules ng umaga sa Barangay San Agustin, Alaminos, Laguna.
Sa official report ng Laguna PNP sa ilalim ni Senior Supt. Gilbert Cruz, hindi ordinaryong aksidente lamang ang pangyayari kaya’t masusing iniimbestigahan ito ng traffic unit ng Laguna PNP.
Layun sana ng programa ni Sec. Mar Roxas II ng DOTC ang “zero” casualty o fatality, pero nabahiran pa rin ito ng dugo.
Marami ang nagtatanong ngayon kung ano raw ba ang nangyari sa ginawang random drug testing, medical, roadworthiness at physical checkup ng DOTC-Land Transportation Office-Land Transportation Franchising and Regulatory Board . Bakit nangyari pa ang head-on collision sa dalawang bus?
Dapat daw siguro eh doblehin pa ng inter-government agencies sa ilalim ng DOTC ang efforts nito upang tuluyang maiwasan ang mga ganitong grabeng aksidente.
Sa panig ng mga may-ari ng bus, ano raw ang pananagutan nito upang makatulong ng gobyerno upang hindi na mangyari ang mga ganitong aksidente sa hinaharap.
Speaking of Sec. Roxas, Sir, nais pong iparating ng mga kliyente ng LTO sa pamamagitan ng On the Beat: Ano na raw po ba ang nangyari sa programa ng LTO tungkol sa Request System Update?
Sa kaalaman po ng publiko, ang RSU ay ang ginagawang pagtatama ng altered information sa Certificate of Registration (CR) ng isang sasakyan na ’di sinasadya o dahil sa human error.
Sa reklamong tinanggap ng On the Beat, inaabot ng halos buwan ang isang simpleng transaction ng RSU.
Umaasa ang mga kliyente ng LTO, once and for all, na solusyunan agad ito ni Sec. Roxas dahil bukod sa magastos, abala sa panahon sa pag- follow-up sa mga opisina ng LTO.
Reminder lang, Mr. Secretary, nakakabawas sa magandang imahe ng inyong leadership ang mga ganitong negative feedback dahil nasa ilalim ninyo ang LTO.
* * * * *
Nakausap natin ang hepe ng LTO-Motor Vehicle Inspection Center na si Engineer Joel Donato. Sinabi niya na kahit na anong sasakyan sa kapag lumabas sa kanilang opisina ay tiyak na 100% roadworthy ito.
Ngayon 2012, marami raw programa ang DOTC-LTO-MVIC upang lalo pang mapaigting ang inspection sa mga sasakyan na dadaan sa kanila lalo na sa mga public utility vehicles (bus, taxi, jeep, school bus, AUV, FX, at tourist bus).
Tulad daw ng utos ni Sec. Roxas, safety ang pangunahing layun ng mga programang gagawin ng LTO-MVIC.
* * * * *
Sa pagpasok ng 2012, dalawang transport groups ang militant Pagkakaisa ng Tsuper at Opereytor Nationwide at Alliance of Concerned Transport Organizations (PISTON-ACTO) ang hiwalay na nagpahayag ng isang malawakang transport protest o strike bilang sagot sa ginawang oil hike na pasalubong ng mga giant oil companies sa taumbayan.
Iginigiit ni George San Mateo, presidente ng PISTON, susunud-sunurin nila ang transport caravans at transport protests bago nila isagawa ang isang malawakang transport strike bilang tugon sa kawalang silbi ng administration sa walang humpay na oil hike na ginagawa ng mga oil companies.
* * * * *
Para sa mga reactions, pwede po kayong tumawag o mag-text sa 09209208049 o mag e-mail
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more