Dalawampu’t limang tao ang patay, 15 ang sugatan, at hinihinalang 100 tao pa ang nawawala habang isinulat ito sa naganap na landslide sa Barangay Napnanapan, bayan ng Pantukan, Compostela Valley sa Mindanao.
Ang pagguho ng lupang kabundukan sa mga bayan ng Pantukan at Monkayo ang lugar na pinagsasagawaan ng small-scale mining sa lalawigang ito ay nasa danger zone. Naganap ito sa gitna ng tuloy-tuloy na pag-ulan sa lalawigan.
Noong Abril nang nakaraang taon, gumuho rin ang lugar na ito at may ilang tao ang natabunan umano ng buhay. Matagal na umanong may babala ang Department of Environment and Natural Resources sa mga lugar na minimina sa ComVal dahil sa pagiging mapanganib na lugar na ito. Ngunit nagpatuloy pa rin ang pagmimina nang walang habas na nakadagdag sa pagiging malambot ng lupa na pinalala pa ng madalas na pag-ulan. Ginto ang hanap nila sa ComVal ngunit kamatayan ang natagpuan nila.
Kailangang kumilos ang mga opisyal ng pamahalaang lokal at DENR. Nakausap ko kamakailan lang ang ilang responsableng residente ng Antipolo City at Rodriguez, Rizal at sinabi nila sa akin ang malaking pangamba nila ng isang malaking pagguho o landslide dahil sa wala ring tigil na quarrying sa mga lugar na ito na bahagi ng Marikina Watershed. Hindi malayong mangyari ang pagguho dahil ang lupa ng Rizal ay erodible o guhuiin, malambot, ayon sa isang pag-aaral ng National Institute of Geological Sciences ng University of the Phillipines may ilang taon na ang nakararaan. Sinabi naman ni Secretary Ramon Paje na batay sa rekomendasyon niya sa Pangulong Aquino noong 2011, ideneklara nang protected area ang Marikina Watershed.
Sa matagal ko nang paglilibot sa lalawigan ng Rizal, talagang nakalulungkot at nakagagalit, na makita ang mga kabundukan ng lalawigang ito na halos malapit nang mapatag. Kapag binabaybay ng mga sasakyan ang kahabaan ng lunsod ng Antipolo pataas hanggang bayan ng Teresa, at tinamaan ng araw ang bundok na lasog-lasog na, kikislap ang salamiin ng sasakyan dahil sa kintab ng bundok na waring laging hinahasa ng mga kagamitan sa quarrying site. Isang residente ng Teresa ang nakita ko may apat na taon na ang nakararaan na hindi na makapasok sa trabaho dahil sa isang malaking tipak ng bato ang lumusot sa bubong ng bahay nila at tumama sa kanyang hita. Halos nadurog ang buto ng kanyang hita na naging dahilan ng kanyang pagiging baldado. Ang dahilan— nagpasabog ng dinamita ang nagkwa-quarry at sumabog, kumalat sa mga kabahayan ang malalaking tipak ng bato.
Hindi kaya ng matitinong kawani at opisyal ng DENR ang pagpipigil sa mga paglabag sa batas ng mga kumpanya o indibidiwal, mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas. Hindi ito kayang mag-isa ni Secretary Paje at hindi rin kaya ito ng mga non-government organizations. Kailangang magsasama ang mga may malasakit sa Inang Kalikasan upang tuluyang maglaho ang paglapastangan sa kalikasan at bayan.
Sa isang Memorandum Order na nilagdaan ni SecretaryPaje noong Jan. 18, 2011, isinaad dito na “ To ensure that the ongoing cleansing of mining applications shall be successfully implemented pursuant to existing DENR guidelines, the acceptance and processing of new mining applications by all Regional Offices of the Mines and Geosciences Bureau is hereby suspended…. mining applications shall mean any and all applications for Exploration, Permit, Mineral Production-Sharing Agreement, Financial or Techinical Assistance Agreement, and Industrial Sand and Gravel Permit.”
Noong Abril 11, 2011, makaraan ang pagguho sa ComVal, nagbigay ng atas si P-Noy sa DENR na suspindihin ang pagbibigay ng Environmental Compliance Certificate sa lahat ng may kinalaman sa small-scale mining projects. Pati ang nakabimbin na aplikasyon sa ECC ay supindido rin.
Kamakailan lang ay ni-reappoint muli ni P-Noy si Secretary Paje bilang kalihim ng DENR dahil nag-recess ang Kongreso nitong kapaskuhan. Nasa balikat pa rin ni Paje ang pangunguna sa pamahalaan upang matigil na ang pagsira sa kalikasan. Kailangan marahil tawagan niya ng pansin si Kalihim Jessie Robredo ng Department of Interior and Local Government para sa mahusay na pagtatanggol sa kalikasan ng mga opisyal ng local government units.
Kung tutulong lamang sa pagpapatupad ang mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan at “hindi magtetangang kawali” katulad ng ginagawa ng maraming opisyal ng LGUs na nagmamahal sa Inang Kalikasan, hindi magugunaw ang Inang Kalikasan. Nag-iisa lang si Paje laban sa mga puwersang malalaki ang interes sa likas na yaman ng ating bayan. Isang sama-sama, malaki at malawak na kilusan ng mamamayan o “mass movement” ang kailangan upang tunay na maipagtanggol ang kalikasan sa lahat ng larangan nito.
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more