Bagong taon, bagong ‘mukha’ sa NBI at BI


BAGO ang lahat, isa munang mainit, kahit belated na happy birthday kay Jorge Paul (JP) Reyes ng Las Piñas City, sa kanyang kaarawan noong Martes. Harinawang maging maganda na ang ikot ng “kapalaran” sa iyo at sa pamilya ngayong ‘Year of the Dragon.’

Kudos din sa ating kapulisan sa pangunguna ni Chief PNP Nick Bartolome at sa ating militar sa pangunguna ni Chief of Staff, Lt. General Jessie Dellosa, dahil sa mahusay na pagganap ng buong kasapian ng AFP/PNP sa kanilang tungkulin kaya naging mapayapa at masaya ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon ng buong bayan ni Juan.

“Hebigat” naman ang “pasalubong” ni P-Noy sa atin ngayong 2012 --ang patuloy at walang humpay na pagtaas ng halaga ng mga serbisyo, produktong petrolyo, tubig, kuryente, etc.

Pruweba ito, mga kabayan, na kahit isang taon at kalahati na si P-Noy sa puwesto, patuloy pa rin ang kanyang pagbabayad ng utang  na loob sa kanyang mga kapwa elitista, malalaking kapitalista at iba pang mayayamang sektor sa ating pulitika at ekonomiya na nagbuhos sa kanya ng kuwarta, ehek, suporta, noong 2010 elections.

Sa 2012 budget ay tanggal na rin ang subsidy sa pasahe sa MRT/LRT kaya kung inaasahan ng mga mamamayan sa Metro Manila na tapos na ang “parusang” inaabot nila sa kamay ng Malacañang eh, asa pa kayo? Aguy, aguy, aguy!

Mr. President, sa ikalawang taon ng iyong termino, baka naman puwede mong sabihin sa iyong mga big-time campaign contributors noong halalan na tapos na ang iyong “political payback” sa kanila at ang mahihirap naman ang gusto mong bigyan ng prayoridad? Harinawa!

* * *

“Nabitin” sa espasyo ang aking istorya dito sa           People’s Tonight noong Miyerkules (exclusive pa naman) hinggil sa napipintong “balasahan” sa NBI at BI ngayong buwan dahil sa eskandalong “sinabitan” ng mga ahensiyang ito noong nakaraang taon.

Sa buod ng istorya, mga kabayan -- Si CIDG Director Samuel Pagdilao ang “on top of the list” ni P-Noy na pumalit kay NBI Dir. Magtanggol Gatdula na “nakabakasyon” pa rin hanggang Enero 15.

Nakaladkad kasi ang pangalan ni Dir. Gatdula sa nangyaring ‘kidnapping’ ng mga tulisan, ehek, tahiran, oops, beteranong mga operatiba ng ahensiya, sa isang Japanese national noong nakaraang Oktubre kung saan P15 milyon umano ang binayarang “ransom.”

“On the way out” na rin ngayong buwan si BI chief, Ricardo David, dahil sa mga serye ng eskapo ng mga wanted foreign nationals na nahuli ng BI, pinakahuli ang misteryosong pagtakas ng Koreanong si Kim Tae Dong noong Disyembre 23.

“Napikon” daw si P-Noy dahil sa iba pang tao niya nalaman ang kahiya-hiyang insidente.

Bagaman, Malil “Lily” Aspiras ng Baguio City, sumasakit ang tiyan sa pagtawa ng ilang “insiders” sa mga “press release” nitong sina NBI Central Luzon director, Atty. Ric Diaz at ex-Marinduque Rep. Edmund Reyes, na “sila” na ang papalit kina Gatdula at David. Sila na ba? Hehehe!

Sabagay, tila nga “malakas” itong si Atty. Diaz kay DOJ Sec. Leila de Lima, na lagi umanong ipinagyayabang nito.

Hanggang ngayon kasi dedma lang ang DOJ-Task Force 211 sa isinampang reklamo ng National Press Club (NPC) hinggil sa abusong  inabot ni kasamang Bernard Galang, PJI Central Luzon correspondent, sa kamay ng mga mababangis, ehek, masisipag na operatiba ni Diaz noong Nobyembre 11, sa Angeles City.

Tsk, tsk. Talaga yatang naging inutil na itong TF 211 sapul nang umalis si  Usec. Ricardo Blancaflor sa DOJ.

Aber, DOJ Usec. Francisco Baraan III, current               TF 211 head, bakit nga ba ayaw mo pang simulan ang imbestigasyon sa kaso ni kasamang Bernard, sampu ng pagbusisi sa iba pang insidente ng media killings at harassment? Mahiya, err, gumalaw-galaw ka naman, Usec. Baraan, please!

At any rate, kulang, Pres. Noy, ang isang edisyon ng People’s Tonight kung hihimayin ang mga dahilan kung bakit isang Atty. Samuel Pagdilao ang dapat maging kapalit ni Dir. Gatdula.

But to be brief and precise: It would be the first correct decision you can make this year!

Kung paanong “napatino” ni Dir. Sammy ang lahat ng kumand na kanyang nahawakan sa PNP, kasama na ang mga notoryus d’yan sa CIDG, natitiyak nating iisa lang ang mensahe niya sa mga corrupt at tiwali sakaling siya ang magtimon sa NBI -- they better shape up or ship out!

At kung babalikan naman ni P-Noy sa kasaysayan, sinibak ng kanyang mahal na ina, si Tita Cory, ang erpat ni Reyes, si ex-BI commissioner, Edmundo Reyes, matapos ang EDSA Uno.

Sa buong panahon ng Marcos administration, ito lang yatang mga Reyes ang may “prangkisa” sa isang puwesto sa gobyerno -- d’yan sa BI -- sa haba ng panahong nakasalpak (1967 – 1986) bilang BI chief ang matandang Reyes. May naging pagbabago ba?

It would be “history turning over its head” sakaling italaga naman ni P-Noy ang anak nito sa BI. Sabagay, “what are partymates for,” ‘di ba, presidential troubleshooter, Mar Roxas? 

Nagpapasalamat din tayo dito kay POM Customs Police chief, Major Ramon Policarpio.

Kahit kasi binalewala niya ang aking pagiging “assigned reporter” sa BOC at diretso niyang ibinigay sa “desk” ang kanyang reaksyon sa aking artikulo noong Disyembre 26, nailabas ang kanyang panig  noong Lunes.

Gusto ko lang ituwid ang impresyon, BOC Comm. Ruffy Biazon, na walang batayan ang nasabing istorya batay sa palusot, ehek, kuwento sa iyo, ni Major Policarpio. Dangan kasi, marami ang nagtatanong kung totoo bang may reklamo akong nakuha o wala?

Excuse me, major. Sa mga sensitibong istorya na lumalabas dito sa People’s Tonight, mayroon itong batayan, partikular ang reklamo sa iyo na natanggap ng Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Office noong Nobyembre 17, 2011. May kopya rin ako ng reklamo sa iyo sa piskalya ng Olongapo City, na may petsang Oktubre 15, 2008, hinggil sa isa pang kaso ng sexual harassment noong nasa Subic collection district ka pa.

Sa madaling salita, mataas ang kredibilidad ng aming dyaryo dahil BAWAL dito ang mga “kuwentong barbero” ‘di ba, Mommy Tess?

Sablay din ang intriga ninyo d’yan sa ESS, na “nagpapagamit” ako sa mga “galit” sa iyo, hane? Foul ‘yan, major!

Finally, huwag mong “gasgasin” ang pangalan ni Sen. Miriam Defensor Santiago. Sigurado kasing hindi niya magugustuhan ‘yan, partikular kung mababasa niya ang mga reklamo laban sa iyo.

(For reaction, text at 09274711475 or email at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC