Kgg. na Hepe ng PAO,
Ako ay nagsimulang magtrabaho para sa aking employer noong 31 August 1999 bilang cashier sa arcade. May panahon na nagsara ang arcade ng ilang linggo ngunit patuloy pa rin ang aking sweldo. Pagkatapos nito ay nagsilbi ako bilang staff ng warehouse ng nasabing arcade. Sa ngayon ay caretaker po ako ng isang gusali. Bagama’t nag-iba-iba ang uri ng aking trabaho ay hindi nagbago ang aking employer o boss. Noong Hunyo 2011 ay nabenta ang binabantayan kong gusali. Kaugnay nito, noong ika-12 ng Hulyo 2011, tinanong ako ng aking boss kung nais kong lumipat sa pabrika niya sa Bulacan. Sa parehong araw ay inalok din ako ng nakabili ng nasabing gusali na magtrabaho sa kanya bilang caretaker nito. Mas gusto ko pong manatili bilang caretaker ng building. Kaugnay nito, nais ko pong malaman kung may karapatan akong tumanggap ng separation pay.
Sana po ay mapayuhan at matulungan ninyo ako sa suliranin kong ito. Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Coolit
Dear Coolit,
Ang separation pay ay tumutukoy sa “amount that an employee receives at the time of his severance from service and is designed to provide the employee with the wherewithal during the period that he is looking for another employment” (A’ Prime Security Services, Inc. c. NLRC, G.R. No. 93476, March 19, 1993, 220 SCRA 142). Ang pagbibigay nito sa isang empleyado ay hindi mandatory. Ito ay nakasalalay sa dahilan ng kanyang pagkahiwalay sa kanyang trabaho o severance from service.
Ayon sa Labor Code of the Philippines, ang separation pay ay karaniwang ibinibigay kapag ang isang illegally dismissed employee ay hindi na maaaring maibalik sa dating trabaho o posisyon niya o bilang kapalit ng reinstatement. Maaari rin itong ipagkaloob sa mga empleyadong validly terminated bilang resulta ng retrenchment, closure of business, o disease. Bukod sa mga nabanggit, ayon sa isang desisyon ng ating Korte Suprema: “It is also settled that separation pay may be awarded as a measure of social justice in those instances where the employee is validly dismissed but for causes other than serious misconduct of those involving moral turpitude” (Ibid.).
Malinaw sa mga nabanggit, na ang separation pay ay ibinibigay lamang kung wala na sa serbisyo ang isang empleyado. Ayon sa iyong liham, hanggang ngayon ay empleyado ka pa ng iyong boss bagama’t ibinenta na ang gusali na iyong inaalagaan o binabantayan. Ibig sabihin nito, ikaw ay hindi pa tinatanggal sa trabaho kaya’t sa kasamaang-palad ay wala kang karapatang tumanggap ng separation pay sa kasalukuyan.
Gayunpaman, sakaling tanggalin ka dahil sa pagkabenta ng nasabing gusali ay maaari kang maituring na natanggal sa trabaho dahil sa closure of business. Sa iyong sitwasyon, ang pagbebentang nabanggit ay maihahalintulad sa closure of business. Ayon sa Artikulo 283 Labor Code, ang pagsasara ng isang kumpanya ay pinahihintulutan ng batas. Subalit sa kabila ng pahintulot na ito, iniuutos pa din ng nasabing batas ang pagbibigay ng kumpanya ng separation pay sa mga maaapektuhang manggagawa nito. Nakasaad din sa parehong batas kung paano kwentahin ang separation pay na dapat ibigay sa mga matatanggal na empleyado:
“ART. 283. Closure of establishment and reduction of personnel. - The employer may also terminate the employment of any employee due to the installation of labor-saving devices, redundancy, retrenchment to prevent losses or the closing or cessation of operation of the establishment or undertaking unless the closing is for the purpose of circumventing the provisions of this Title, by serving a written notice on the workers and the Ministry of Labor and Employment at least one (1) month before the intended date thereof. In case of termination due to the installation of labor-saving devices or redundancy, the worker affected thereby shall be entitled to a separation pay equivalent to at least his one (1) month pay or to at least one (1) month pay for every year of service, whichever is higher. In case of retrenchment to prevent losses and in cases of closures or cessation of operations of establishment or undertaking not due to serious business losses or financial reverses, the separation pay shall be equivalent
to one (1) month pay or at least one-half (1/2) month pay for every year of service, whichever is higher. A fraction of at least six (6) months shall be considered one (1) whole year (emphasis supplied).
Ayon sa nabanggit na batas, ang inyong separation pay ay maaaring katumbas ng: (1) inyong sweldo sa loob ng isang buwan o (2) kalahati ng inyong sweldo sa loob ng isang buwan sa bawat taon ng inyong pagtatrabaho, alinman sa dalawa ang mas malaki. Ang pagkakaroon ninyo ng utang sa inyong employer ay hindi sapat na dahilan upang ipagkait sa inyo ang inyong separation pay sapagkat ito ay karapatang ipinagkakaloob ng batas.
Nais lamang naming malaman ninyo na sakaling piliin ninyo ang patuloy na pagiging caretaker ng gusali na ngayon ay iba na ang nagmamay-ari nang hindi naman kayo tinatanggal sa trabaho ng iyong kasalukuyang employer at kusa kayong umalis dito, kayo ay hindi makatatanggap ng separation pay.
Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan.
Ang inyo pong lingkod-bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more