ANG isa daw sa sukatan ng isang mapagkalingang lipunan ay kung paano tratuhin ng mga mamamayan ang kanyang mga maliliit at minorya kagaya ng may mga kapansanang pisikal, mental at learning disabilities.
Ayon sa talaan ng WHO, umaabot diumano sa 10% ng populasyon sa isang komunidad ang may iba-ibang uri at antas ng disability. Sapat ba ang ating pagkalinga sa kanila? Sa Pilipinas na halos umabot na sa 100 milyon ang populasyon, meron lang tayong 153 na secondary Special Education centers at umaaabot sa 278 na elementary SPED centers sa mga pampublikong paaralan.
Marami pa nga tayong kakaining bigas kung ikukumpara sa subsidiyang ibinibigay ng ibang bansa sa kanilang may mga kapansanan. Kung magkakaroon lang sana tayo ng awareness o kabatiran na sila mang may mga kapansanan ay may pantay na karapatan. At kung meron sana tayong pantustos upang ilabas ang kanilang kakayahan at maging kapaki-pakinabang na bahagi ng lipunan. Hindi lang ang gobyerno kundi ang mga pribadong negosyo at ordinaryong mamamayan.
Ambag sa pagbabago
Sa YouTube, may binibisita tayo na “ Did You Know” serye tungkol sa edukasyon at nakakamangha ang mga impormasyon dito. Sinasabi din ng may akda nito na may mga pagbabagong nagaganap sa mundo. Ang tanong: ano ang papel natin dito o sa mas deretsong salita: ano ang ambag natin sa mga pagbabagong ito?
Halimbawa, sa Mercer University may kakaiba silang insentibo upang makapagpatapos ng de-kalidad na graduate sa kolehiyo. Gumagawa sila ng kasunduan sa mga undergraduate nilang estudyante na kapag natapos nila ang kurso sa loob ng apat na taon, ibabalik ng buo ang kanilang tuition fee. Ang galing ’di ba? Ibig sabihin walang sasayangin na pagod at oras ang estudyante at ang unibersidad. At sa mas malawak na pananaw, mas malaki ang natitipid ng unibersidad at lipunan at mas malaki ang babalik sa kanilang inilabas na puhunan. Tunay na matapang at malikhaing paraan ng pagbabago sa sistema ng edukasyon at paghubog ng bagong kaisipan. May maglalakas-loob kaya sa Pilipinas na gawin din ito?
Talo ang superpower?
Darating daw ang panahon na ang China ang magiging number 1 English-speaking country sa buong mundo. Hindi malayo lalo pa at ito ang may pinakamalaking populasyon. Pero ano ang implikasyon nito? ’Pag tinalo mo ang isang kakumpetensiya gamit mismo ang kanyang armas, saang iba pang arena mo siya pwedeng talunin?
Ayon pa rin sa Did You Know series, ang 25% ng populasyon ng India na may pinakamataas na Intelligence Quotient ay mas madami pa sa buong populasyon ng US mismo. Aray! O pwede ring “wow!!!” At ito pa, mas madami ang mga batang honor students sa India kaysa sa kabuoang bilang ng mga batang Amerikano. Aray na naman! O wow naman!
Nasa Asia ang sangkap ng pag-angat
At kagaya nga ng nabanggit natin sa mga nakalipas nating kolum, nagsisimula nang umangat ang silangan (East) sabay sa paglubog ng kanluran (West). At nandito na ang lahat ng senyales at sangkap ng pag-angat. Nasa silangan ngayon ang disiplina ng estudyante at sipag ng manggagawa, ang utak-kumpetisyon, ang laganap na teknolohiya at mga imbensyon, ang kapital at human resources.
Pero para sa atin sa Pilipinas, hindi automatic na darating ang paglutang natin bilang bansa. Ito ay pinag-iisipan, pinaghahandaan, pinaghihirapan at pinagtutulungan ng gobyerno, media, negosyante at mga mamamayan.
’Di dapat mapurnada
Halimbawa, paano natin pakikitunguhan ang investors na siguradong malagkit na ang tingin sa Asia kasi nga ay lumalamig na ang init ng negosyo at kumpetisyon sa North America at Europa?
Palagay ko, dapat nating bantayan na hindi sila dapat mapurnada. Kung sa Singapore at Hongkong ay araw lang ang binibilang upang makapagsimula ng negosyo, dito kaya sa atin, ilang siyam-siyam sila aabutin?
Kung hindi natin napapansin, meron tayong masamang ugali na mag self-destruct o guluhin ang ’di naman dapat ginugulo.
Binabaril ang sarili
Kunyari investor ka at laging bangayan, eskandalo at anomalya ang binibigyang importansiya ng media, gaganahan ka ba? Hindi na ba talaga tayo magkakaroon ng iisang boses bilang nagkakaisang Pilipino?
Alalahanin natin, hindi lang ang Pilipinas ang Asia. Kung hindi maganda ang klima para sa kalakalan dito, aba ay madaling lumipat sa kalapit-bansa na mas kaaya-aya ang sitwasyon sa pagnenegosyo.
Paano nga kasi kung walang political stability, laging isyu ang safety at peace and order, mahal ang cost ng doing business kasi may mga humihingi ng lagay, at nagbabago ang patakaran kahit nasa gitna na ng pagpapatupad nito.
Kung naghahanap tayo ng investors at ganito ang dadatnan nila, magtataka pa ba tayo kung lalampas-lampasan lang tayo ng negosyo at progreso?
Nandiyan na ang pagkakataon, kailangan na lang nating pumili ng tamang direksyon at magdesisyon.
At sana naman huwag na nating pairalin ang ugaling gustong laging barilin ang sarili.
Email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more