KAMANGHA-MANGHA ang kakayahan ng mga tirador sa pelikulang Wanted, naibabalandra sa kung saan-saang singit at sulok ang punglo para masapol ang pakay iligpit… iisa lang ang alam ng inyong imbing lingkod na ganoon ang kakayahan sa .45, si Mang Nano o Mariano Niñonuevo, dating pulis-Maynila. Isinasabak ng bansa noong dekada 1960 sa Olympic shooting events…
Punglo na ibabalandra natin sa tudling ang dapat matudla.
Kalaboso si Jeffrey Abas sa Quezon City Jail—minalas na nasapol sa hita ng tingga mula 9mm sa kasagsagan ng putukan sa pagsalubong sa 2012.
Nagpapagaling siya ngayon sa East Avenue Medical Center. Ayon sa ilang preso doon, isang lasing na jail guard daw ang dapat managot, nagpaputok daw ng baril. Totoo ba ito, Supt. Joseph Vela? Missing in action ka raw sa QC Jail tuwing may aberya na nangyayari diyan, tulad nitong pagkakasaksak sa isang Randy Bautista bago magbagong taon. Alam kaya ni BJMP director Rosendo Dial na lagi kang hindi mahagilap tulad noong nag-riot ang mga preso sa iyong nasasakupan noong isang taon?
Kamangha-mangha din dahil parang magic na nawawala ang mga ulat o naaareglo ang anumang sumiklab na aberya.
Sa kaso nitong Jeffrey Abas, ligaw na bala daw ang tumama sa kanya? Aba’y matagal nang retirado ang kaibigan naming si Mang Nano na ganoon ang kakayahan sa .45… baka naman may part 2 ang Wanted… diyan kaya nag-ensayo si Angelina Jolie?
Bakit yata mukhang napakalakas ni Vela at nakakalusot ang ganitong mga insidente sa DILG? May kinalaman kaya dito ang sinasabing protektor niya na si Kuyang Beltran?
Malamang tinawagan na naman ni Kuyang si Tony Nuyda.
Pakisagot naman po DILG Secretary Jesse Robredo…
Sa hita lang ng preso may dumaplis na 9mm, sa pagitan ng hita naman daw naisasalaksak at nagpapaputok ang isang embahador ng kanyang de-sabog… sin verguenza!
Malaking kahihiyan ‘to sa mga nabibilang sa alta sociedad… hinagupit daw ng asunto (haay… hagupit po, hindi gupit na tila Lorena Bobbitt) ni Susana Madrigal Bayot Ortigas ang kanyang esposo na dating kinatawan ng bansa sa Mexico at ang kanyang diumano'y kabit na Marian L.
Sinampahan ng kasong pakikiapid ang magkalaguyo noong ika-16 ng Disyembre sa tagausig ng Pasig—ibinabahay na daw ni lalaki si babae. Parang telenovela ang pihit ng pangyayari: ang bilyonaryang heredera pa mismo ang nagpilit sa kanyang esposo na kuning alalay ang Marian L., na itinuring niyang pinakamatalik na kaibigan.
Pero hindi lang daw kaibigang matalik ang ginawang katalik ng esposong embahador na likas ang utog, pati kasambahay… pinapatungan, este, pinapatos…. madalas palang mapasubo ang mga kasambahay kay señor na mahilig daw sa, uh, … for he’s a jolly good fellatio…
Lumilitaw sa sinumpaang salaysay ng limang naging kasambahay ng mag-asawa na ilang ulit na nilang nasaksihan ang pakikipagdaupang-ari ng kanilang among lalaki sa iba’t ibang babae…
Iginiit ni misis na kahit mula sa mariwasa’t kilalang angkan si mister, NPA pala, Naging Palamuning Asungot… sagot ni misis lahat ng gastos, pati na personal.
Huwag magulantang kung suson-suson, patong-patong pang asunto ang ihahagupit ng maybahay at mga dating kasambahay sa esposong mahilig sa pagsasamantala at paglapastangan sa kababaihan.
There… money can’t buy honor and respectability… pero kung totoo kahit kalahati ng mga paratang laban kay sex, este, extant envoy, payo ng isang kapwa mahilig din sa butas… say, a good psychiatrist and a razor-sharp lawyer is needed pronto to handle the cases that are sure to come, come, come…
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more