Diskuwento sa buwis sa Bacoor


TAUN-TAON, maraming tao ang namamatay, nasusugatan at nawawala dahil sa malawakang pagbaha na dulot ng pagkakalbo ng ating mga kabundukan.

Maliban diyan, bilyun-bilyong piso na halaga ng ari-arian ang sinisira ng baha at pagguho ng lupa sa ibat ibang lugar.

Matatandaan na nagmistulang  “missiles” ang mga trosong kasama ng rumaragasang tubig-baha na pumatay ng marami at sumira ng mga bahay, gusali at tulay sa Cagayan de Oro at Iligan City noong Dec. 16-17.

Kaya maraming natuwa nang ipasa sa third and final reading ang isang panukalang batas na nagpapataw ng life imprisonment sa illegal loggers.

Ang panukalang batas, House Bill 5485, ay akda nina Aurora Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara at Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez.

Kagaya nina Angara at Rodriguez, naniniwala tayo na malaki ang maitutulong ng HB 5485 sa pagpapaigting ng kampanya laban sa illegal loggers.

Sa ilalim ng HB 5485, o Sustainable Forest Management Act of 2011, ang harvesting, gathering, o collecting ng timber at iba pang forest products na nagkakahalaga ng mahigit P500,000 na walang permiso ng DENR ay iligal  at may kaparusahang life imprisonment.

Dahil sa illegal logging, maraming lugar ngayon sa buong bansa ang binabaha kahit sandali lang na umulan ng malakas.

Kasama rin sa mapaparusahan ng kaparehong pagkabilanggo ang mga bibili ng logs, flitches at lumber sa mga economic saboteurs at gagamitin sa pagpapagawa ng government infrastructure projects.

Sa totoo lang, ang talagang pumatay sa mahigit 1,000 katao nang hagupitin ng Bagyong Sendong ang Mindanao at Visayas ay mga illegal loggers.

Kung may masasabing magandang dulot ng trahedya sa Cagayan de Oro at Iligan, ito ang nagsilbing hudyat para mabilis na maipasa ng mga kongresista ang HB 5485.

Sana bilisan rin ng Senado ang pagpasa ng kaparehong bill para madagdagan ng ngipin ang kampanya laban sa illegal logging.

Tama ba, Pangulong Aquino at DENR Secretary Paje?

* * *

Nananawagan ang  lokal na pamahalaan ng Bacoor, Cavite, sa lahat ng real estate property owners, administrators at executors sa nasabing bayan na maagang bayaran ang kanilang mga buwis.

Hindi lang ’yan. Kung magbabayad sa January 20 o mas maaga pa ay mabibigyan kayo ng 20 percent discount at 10 porsiyentong diskuwento naman sa mga magbabayad mula January 21 hanggang March 31.

Ito ay para maiwasan ang pagsisiksikan sa munisipyo pagdating ng deadline sa pagbabayad ng nasabing buwis.

Kaya nga dapat lang na magbayad tayo ng buwis dahil dito kinukuha ang ipinapasahod sa mga lingkod-bayan at ginagastos ng estado para matugunan ang iba’t ibang pangangailangan ng taumbayan, lalo na ang mahihirap.

Ang pagbibigay ng discount ay isang pag-ingganyo sa taxpayers para magbayad ng maaga at huwag hintayin ang deadline.

Sa mga magbabayad ng RPT,  pumunta lamang sa Municipal Treasurer’s Office (MTO) sa ground floor ng municipal hall.

At para malaman kung magkano ang babayarang buwis, magtungo  sa Assessor’s Office na nasa ground floor din ng munisipyo.

Bayad na kayo, sayang naman ang diskuwento.

MGA REKLAMO AT REAKSIYON

Unang hearing ng kaso ng dalawang UP students sa RTC, Malolos, Bulacan, noong Jan. 2, 2012. Hindi sumuko si Palparan kaya hindi pinagbigyan ng judge ang kahilingan ng kanyang abogado. Napansin ko na hindi nakaposas ang dalawang sundalo sa loob ng korte. Bakit kapag sibilyan, hindi inaalis ang posas?         Dahil sa maraming kahilingan ang mga akusado, ni-reset ang hearing sa Feb. 6, 2012. Pinuprotesta din ng aming abogado ang paglipat ng dalawang sundalo sa Fort Bonifacio Army detention center. Dapat kasi ay sa sibilyan sila nakakulong. Doon hindi natin tiyak kung talaga bang ikukulong sila o hindi -- ASHER CADAPAN (ama ni           Sherlyn) ng Laguna.

Dapat  huwag munang magpatupad ng pagtaas ng tuition sa loob ng dalawang taon dahil sa hirap ng buhay ngayon, gawa ng pagtaas ng lahat ng bilihin at serbisyo. Marami ang matitigil ng pag-aaral dahil hindi na kaya ang taas ng matrikula -- CC ng Manila.

MWSS, hanggang ngayon hindi pa rin nire-repair ang gutter dito sa Galaxy St., Marikina, partikular sa harap ng 35 Galaxy. Mabaho at maraming kiti-kiti. Ang            contractor ay GACULA --  JUDITH  REVILLA  ng  Marikina.

Paki-sabi naman kay Cong. Tupas at iba pang kongresista na tigilan na nila ang pagsasabi na walang basbas ni P-Noy ang impeachement ni SC Corona dahil nagsalita na ang iba nilang kapartido. Hindi tanga ang taumbayan! -- ED SOTTO ng QC.

Salamat sa text nina CYNTHIA ABESAMIS ng Nueva Ecija, RIC CABUSAO ng Manila, ADREA PANGANIBAN ng Marikina, SOL MANLAPAZ ng Pasig, ARLENE SANCHEZ ng Las Piñas, OLIVE CERILO  ng Obando, BETH CRUZ ng Bulacan, FLOR HERNANDEZ ng Laguna at EDDIE GOMEZ ng QC.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC