LTO exec sa bahay itinatago ang daang milyong kinita?


NAIS kong pukawin ang mga pinuno ng Department of Health (DOH), Bureau of Food and Drugs Administration (BFAD), Department of Labor and Employment (DOLE) at Domestic Trade ng Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay ng ‘poor working condition’, sanitasyon at mga paglabag sa mga alintuntunin ng pabrika ng patis at sardinas sa Navotas.

Ayon sa mga manggagawa, hindi masisikmura ng kahit sinong tao ang masangsang at nakapandidiring amoy at tanawin ng mga wala nilang pintong palikuran para sa mga babae at lalaking trabahador sa kanilang pagawaan.

Katabi ng maduming palikuran ay ang imbakan o imburnal ng ‘disposal waste’ ng factory na kung saan kadikit o nasa likod lang nito ang imbakan naman ng mga ‘frozen fish’ na ginagawang sardinas.

Nasabi din sa akin ng mga manggagawa doon na ang mga ulo ng isda na ginagawang patis mula sa mga pinutol na katawn ng isda na gagawing sardinas ay inilalalagay sa isang malaking imbudo na puro kalawang at kasama ang kalawang na pinatutulo sa isang malaking lalagyan ang mga katas ng ulo ng isda.

Hindi umano nagsasagawa ng pag-iinspeksyon ang  mga lokal na awtoridad at maging ng mga taga DOH-BFAD, DOLE at DTI sa nasabing pagawaan ng patis at sardinas na pag-aari ng isang umano’y Chinese national.

Hindi rin nakasisiguro ang mga bumibili ng produkto ng nasabing kumpanya kung malinis ba o hindi ang kanilang mga patis at sardinas na ikinakalat sa buong Metro Manila at buong kapuluan.

Kaya ang panawagan ng mga manggagawa sa nasabing kumpanya ay agad na magsagawa ng regular na pag-iinspeksyon ang mga awtoridad  sa iba ring pagawaan ng patis at sardinas sa lugar na maaaring lumalabag sa mga alintuntunin at regulasyon kaugnay ng maayos na paggawa at sanitasyon.

’Di naman lingid sa atin na maraming mga kababayan natin ang nalalason bunga ng marumi at kontaminadong mga pagkaing de-lata, kagaya ng nangyaring ‘food poisoning’ sa iba’t ibang mga lugar at malalaking restaurant.

*****

Ibig kong paalalahanan ang ating Pangulong Benigno Aquino III  kaugnay ng maayos at maganda niyang pamamalakad sa kanyang administrasyon na sinisira naman ng mga naka-ukyabit pa rin sa poder na mga dating mga pinagkakatiwalaan ng naka-detain na  dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

Tulad na lang nitong isang executive sa Land Transportation Office (LTO)  na walang alinlangang itinalaga sa maraming ‘juicy’ at maimpluwensyang pwesto itong isang babaing pinagtiwalaan noon ng trusted na pinuno ni PGMA sa LTO na si dating  LTO chief, Asec.  Aneli Lontok.

Ang nasabing babaing kawani na pinagtiwalaan noon ni Lontok, ang isa sa mga utak sa pagbebenta noon at ngayon ng mga ‘special plate’, ‘personal plate’ at ‘vanity plate’ na pinagkakitaan ng may P10 bilyun humigit-kumulang sa loob ng walong taong pamamayagpag ng PGMA administration.

At alam mo ba, Ginoong Pangulo, ni isang kusing ay wala pong pumasok sa kaban ng LTO sa P10 bilyung kinita sa mga ibinentang vanity, personal at special plate, dahil hindi ginamit sa mga ito ang mga ‘computerized receipt’ ng LTO kundi ang mga manual receipt na walang tatak ng LTO na umano’y ipinaimprenta sa Recto.

Isa pang karaketan ng nakaukyabit pa ring tauhan ng pinagtitiwalaan noon ni PGMA sa LTO ay ang pagpupuslit nito kasama ang isang Atty. Alex ng Bureau of Customs sa Subic Free Port ng mahigit sa 2,000 unit ng imported na sasakyan na kung saan inisyuhan nito ng mga  plaka kahit hindi rehistrado.

Ang nasabing babae na nakaukyabit pa rin sa pwesto sa kabila ng pagiging ‘trusted’ na tauhan ito ng PGMA administration ay utak din sa decentralization ng pag-iisyu ng Certificate of Stock Report (CSR) sa lahat ng regional offices ng LTO sa buong bansa na naging dahilan ng paglaganap ng car smuggling sa bansa.

At higit sa lahat, kumukulekta din ito ng limpak-limpak na halaga ng salapi hanggang sa kasalukuyan mula naman sa mga pinaboran niyang may-ari ng  maraming mga ‘emission testing center’, ‘drug testing centers’ at  medical practioners’ na nag-iisyu naman ng ‘medical certificate’ para sa mga  kumukuha ng  driver’s license.

Hinihinala tuloy ng maraming kawani ng LTO na nasuhulan umano si Asec. Torres ng malaking  bahagi ng kinitang P10 bilyuin mula sa mga vanity, special at personalized plate na ang salapi ay hindi nga pumasok sa LTO.

*****

At sino naman itong mataas na opisyal sa LTO na nakabili ng malaking mansion diyan  malapit sa dating Capitol Hills Golf Club na halos ang lahat ng kaanak niya sa Central Luzon ay doon pinatira upang magbantay ng kanyang limpak-limpak at milyung-milyung halaga ng salapi na ayaw nitong ideposito sa mga banko?

Pinayuhan pa umano si LTO official na bumili na lang o magpagawa ng lampas taong  ‘kaha de yero’ upang doon na lang itago o itabi ang limpak-limpak niyang salapi na dumarating sa kanyang mga palad simula nang maging isa siya sa mataas na pinuno ng LTO.

Ikaw din, Sir/Madam, baka matulad ka sa isang dating mataas na pinuno ng Department of Public Works and Highways(DPWH) noon na ayaw magsubi ng kinitang limpak-limpak na salapi mula sa mga ‘shady deals’ niya sa DPWH.

Sising-sisi  si Sir, dahil nang pasukin ang kanyang tahanan sa Marikina ng mga masasamang loob na  ‘heavily armed men’ ay wala siyang nagawa kundi pabuksan ang kanyang kaha-de-yero, upang  di barilin at patayin  ng mga ‘suspects’ ang mga mahal niya sa buhay na nasa kanyang bahay nang mga oras na iyon. Tskkk. tskkk.tskkk



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC