Climate change kagagawan ng tao


MAGTATAPOS na ang taon nang humagupit sa Kamindanaoan si Typhoon Sendong. Ang mga probinsya ng Cagayan de Oro at Iligan ay bihirang binabagyo at kung bagyuhin man ay mahihina lamang. Ngunit iba na ngayon dahil sa nagaganap na pagbabago sa klima o kung tawagin ay climate change.

Wala pang final death toll figures dahil araw-araw ay mayroon pang natatagpuan na typhoon casualties subalit mayroong nagsasabi na posible itong umabot sa 3,000 katao o higit pa.

Bumibilis na po ang pagbabago sa pandaigdigang weather patterns at ang mga pagbabagong ito ay ramdam na sa lahat          ng bansa. Ayon sa mga scientists, ang climate change ay nagpapatuloy kaya’t asahan natin ang kakaibang klima ngayong 2012.

Mayroon tayong aral na mapupulot sa pagbabago sa klima. Ito kasi ay hindi kagagawan ng kalikasan. Ang climate change ay kagagawan ng tao!

Ang nararamdaman natin na pag-aalburoto ng panahon ay resulta lamang ng deka-dekadang pagsunog natin ng fossil fuels at carbon emissions na unti-unting nadeposito sa ating atmosphere.

Dekada otsenta pa lamang natuklasan na ang butas sa Ozone Layer subalit hindi ito sineryoso ng gobyerno at industriya. Kung kumilos na sana tayo noon pa lamang 1980s  ay baka hindi ganito kalala ang tinatamasa natin na  tsunami, tag-lamig at tag-tuyot na kung sabihin ng mga matatanda ay parang delubyo. Marahil ay dahil  puro ang kasalukuyan ang ating inisip at kinalimutan natin na mayroon pang kinabukasan!

’Eto na ang kinabukasan! Isang kinabukasan na minsan ay napakainit at minsan ay napaka-lamig... minsan ay sobrang tuyo at minsan naman ay nilulubog ang mga siyudad! Malungkot isipin subalit ganito na ang naghihintay sa atin sa bawat pagpapalit ng taon.

Gayunpaman, naniniwala ako na hindi pa huli ang lahat. Umaasa ako na mayroon pang panahon para ituwid ang mga pagkakamali ng sangkatauhan. Ang pagtaguyod ng bio fuels technology ng Petron, Shell, Caltex at mga independent oil firms ay isang magandang simula.

Ang pagbabawas sa paggamit at pagtapon ng plastic bags at iba pang synthetic containers ay isang magandang proyekto ng Philippine Association of Supermarkets, Inc. (PASI) at Philippine Amalgamated Groceries and Supermarkets Assn. (PAGASA). Nakapanghihinayang lang at hindi natin ito ipinatupad noon pa.

Ano ang leksyon na ating mapupulot? Hindi natin matatakasan ang consequences ng ating mga aksyon! Hahabulin tayo nito! Totoo ito para sa environment. Totoo ito para sa mga kawatan sa gobyerno. At totoo din ito para sa mga drug users!!

* * *

Umaapila po tayo sa Muslim community elders at youth leaders na makipagtulungan sa atin sa kampanya kontra sa iligal na droga. Hindi na maitatago na lumalala ang problema sa droga sa mga Muslim communities sa buong kapuluan. Marahil ilan sa ating mga kapatid na Muslim ang nasisilaw sa “easy money” mula sa pagtutulak ng drugs at ang iba ay nalululong naman sa masamang bisyo.

Alam ko na malakas ang impluwensya ng mga community leaders, kaya’t malaki ang magagawa nila upang mahinto ang kalakalan ng droga sa kanilang nasasakupan. Kailangan igiit nila na kung bawal sa Islam ang alak, mas lalong dapat ipagbawal ang drugs! Dapat itanim sa kaisipan ng kabataang Muslim na ang droga ay instrumento ng demonyo para maghatid ng kasawian sa lahat.

Parang wala pa akong naririnig na mga malalaking personalidad sa Muslim community na hayagang nagsalita kontra sa droga! Madalas puro ang kaguluhan lamang sa Mindanao ang kanilang pinagtutuunan ng pansin.

Subalit ako’y naniniwala na mas seryosong banta sa kanilang kinabukasan bilang isang minority group ang drug menace! Sana makarinig po tayo ng tahasang pag-kondena sa droga mula sa mga taong tinitingala sa kanilang komunidad.

* * *

Sinabi ko na dati na hindi tayo sang-ayon sa racial o religious profiling. Subali’t sa harap ng nakaka-bahalang problema sa droga sa Muslim-dominated areas, panahon na marahil upang palakasin ng mga awtoridad ang kanilang presensya sa mga lugar na ito.

Kung kinakailangan magsagawa ng zoning operations, dapat isagawa na ito sa lalong madaling panahon. Kailangan talagang matukoy natin kung sinu-sino ang mga drug pushers at drug users sa lahat ng barangay. At malinaw na ang ilang Muslim barangays dito sa siyudad ay maituturing na pugad na ng mga sindikato ng droga.

Dapat imobilisa ng DILG ang lahat ng LGU’s hanggang sa barangay level upang aktibong magsikalap ng impormasyon tungkol sa operasyon ng mga drug syndicates sa kanilang hurisdiksyon. Madali kasi malaman sa mga barangay ang kilalang gumagamit at tulak ng droga pero parang hindi nakikita!

* * *

Hamon natin kay PNP Chief Nicanor Bartolome at Sec. Jesse Robredo na gamitin ang malawak na poder ng kani-kanilang tanggapan laban sa paglaganap ng iligal na droga at pagdami ng mga buwayang kapulisan at hindi puro jueteng lang ang nakikita.

Tulad na lamang ng provincial director ng Pangasinan na kamag-anak ni Lolong! Sa halip na peace and order situation ang asikasuhin, pag-iipon ng koleksyon sa jueteng ang inaatupag!

Kawawang mga kubrador na apektado ang kinikita sa kanilang kubransa! Sila ang mga taong umaasa ng ikinabubuhay sa jueteng para kumain ang pamilya at makapag-patapos ng pag-aaral ng mga anak na pinaliliit naman ng kamag-anak ni Lolong dahil sa kanyang papataas na demand ng parte nya!

Siguro kung hindi na itutuloy ang Loterya ng Bayan, gawin na lang ligal ang jueteng nang sa ganun sa gobyerno at sa taong mahihirap mapupunta ang kita at hindi sa mga buwayang walang kabusugan.

Alam nating lahat na malaking tulong ang jueteng sa nakararami kung kaya’t malaki rin ang inaasahan natin kung matuloy ang Loterya ng Bayan para sa mga mamamayan.   

Wala kasing reaksyon sina Gen. Bartolome at Sec. Robredo dito mula nang ito ay ating talakayin.  Sa inyo-inyong lugar ay talamak rin ang jueteng ngunit sadya yatang kayo ay nagbubulag-bulagan o puro pa-pogi lamang?

Kasi po hindi nakatutulong ang inyong pang-de-deadma sa isyu sa tuwid na daan ng Pangulo! Magsalita na kayo. Ang alam ng tao ay iligal ang jueteng ngunit baligtad sa katotohanan ang nangyayari!

Kung alam lang ni P-Noy ang nangyayaring ito, tiyak na hindi s’ya matutuwa. Maliwanag kasing kasiraan sa kanyang tuwid na daan ang pagkukunwaring hindi alam na may jueteng ngunit kalat na kalat sa buong Luzon!

Bakit nga ba sa tagal ng pagtalakay dito ay tila walang naririnig ang dalawang mamang tinutukoy ko? Baka naman namamantikaan na nga talaga ang mga nguso nila???

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o ’di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC