PUNUNG-PUNO ng pag-asa ang mga kapwa nating Pilipino sa pagsalubong ng 2012.
Makikita ito sa mga reaksyon at pagbati sa pamamagitan ng text messaging, Facebook chat, e-mails at personal na kwentuhan ng magkakamag-anak, magkakakilala at magka-kaibigan habang hinihintay ang pagsapit ng bagong taon.
Sa kabila ng mga malalaking pagsubok na dinaanan ng mga Pinoy sa nakaraang taon, ugali na natin na harapin ang bukas na puno pa rin ng paniniwala at pag-asa. ’Yan ang isang katangian natin na hinahangaan ng ilang banyaga.
Think positive, ’ika nga. Tuloy ang pag-ikot ng mundo dahil para sa isang determinadong tao, habang may buhay, may pag-asa.
Sabi nga sa report, siyam sa 10 Pilipino ay puno ng pag-asa sa kabila ng mga kahirapan sa ekonomiya na nakakaapekto sa mundo.
Ito ay base sa inilabas na report sa isang poll survey nitong nakaraang buwan…. Bahagi ng report na ito ang nagsabing, “Optimism is the majority sentiment as regards the coming New Year, with 88 percent of Filipinos saying they will face 2012 with hope. Overwhelming majorities in every geographic area (80 percent to 93 percent) and socio-economic class (85 percent to 89 percent) express this sentiment.” ’Yan ang sabi ni Pulse Asia President Ronald Holmes sa isang inilabas na pahayag.
Dagdag pa sa report na ito ang nagsabing anim na porsyento lamang ng mga Pinoy ang haharap sa 2012 na may pangamba o walang pag-asa.
May mga iba pang survey na ginawa ng mga reputable firms pero ganun din ang ibig sabihin: Matibay talaga ang paniniwala ng mga Pinoy na bubuti ang ating buhay sa 2012.
Maski mga Pinoy na nasa ibang bansa ay matatag din ang paniniwala.
Ito ang kagandahan kapag sa kabila ng mga bangayan sa pulitika, sa kabila ng mga kalamidad na sumira sa bilyun-bilyong halaga ng mga public infrastructure at personal na kagamitan at kumitil sa buhay ng ilan ay may ngiti pa rin maski papaano na sasalubungin ang bagong taon.
Malakas ang kapit natin sa Nasa Itaas sa kabila ng lahat.
Malakas din ang paniniwala ng mga Pinoy na dadalhin tayo ng liderato ni Pangulong Benigno Aquino III o P-Noy sa tama at tuwid na daan.
Walang duda naman ang sinseridad ng ating Pangulo sa bagay na ’yan. Ang kaso nga lang, gaya ng parati nating binabanggit sa kolum na ito, ay may ilang bulok na kasama si P-Noy na sumisira sa dakilang hangarin nito para sa maganda at maayos na Pilipinas.
Hindi superman si P-Noy. Kailangang suportahan s’ya ng bawat isang galamay n’ya at ng sambayanang Pilipino upang makamtan natin ang minimithi natin para sa bansa -- isang bansang ikararangal kanino man.
* * *
Hindi naman imposible ang pagbabago. Kapag ang bawat isa ay may pagkaka-isa at kooperasyon, kayang-kaya nating abutin ito.
Sa personal kong nais, isantabi muna sana ng mga lider natin ang bangayan, away-pulitika at pampersonal na interes at ituon sana ang atensyon at aksyon sa mas mahalagang isyu na hinaharap ng bansa.
Batid natin na mapalad tayo na may Pangulong hindi umaabuso sa kanyang pwesto. Pinangako n’ya ‘yan noong s’ya ay nangangampanya pa lamang at mukhang natutupad naman. Ewan lang sa ibang kasama n’ya kung ganun din ang praktis nila.
Sa dako naman ng simbahang Katoliko, may panawagan din ang mga obispo natin na kailangan maging “optimistic” tayo sa 2012, sa kabila ng mga dinanas nating hirap at pagsubok.
Mas matinding panalangin ang kailangan sa ganitong panahon.
* * *
Nais kong ibahagi sa mga masugid nating tagasubaybay ang mensahe ng ating Pangulo.
Mensahe ng Kagalang-galang Benigno S. Aquino III, Pangulo ng Pilipinas Para sa Bagong Taon [December 28, 2011]
Sa mahigit isa’t kalahating taon nang pagbagtas natin sa tuwid na landas, nakikita na natin ang pagbangon ng bansa, mula sa malubhang katiwalian at kahirapan. Unti-unti na po tayong nagtatagumpay laban sa mga problemang ating dinatnan.
Ikumpara po natin ang kasalukuyan sa mga panahong lumipas.
Gaano man po katindi ang pagpipilit na magtanim ng agam-agam sa ating isipan, wala naman po sigurong makakapag-dudang nagbago na talaga ang Pilipinas.
Ngayon po, ibinabalik na natin ang piring ng katarungan. Ang kaunlaran ay natatamasa hindi lamang ng mayaman at makapangyarihan, ramdam na rin ng mas nakakarami nating kababayan.
Nakikita naman po natin ang bunga ng ating ipinunlang mga reporma: may maalab na sigla at pag-asa, mataas na kumpiyansa, at malawak at mas maraming mga oportunidad sa bansa. Ang taon na papasok ay hindi lamang pagpapatuloy ng ating naumpisahang mga reporma, ngunit ng mas mabilis pang pagbabago.
Salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta at pagtitiwala. Manalig po kayong hindi kailanman kukupas ang matingkad nating hangarin na umasenso ang Pilipinas at ang mga Pilipino.
Hindi tayo patitisod sa nais pa ring umagrabyado sa mga Pilipino. Sa bayanihan ng ating pamahalaan at mamamayan, wala pong makakahadlang sa ating pag-angat at sa tuloy-tuloy na katuparan ng ating mga pangarap. Magpasalamat at bigyang-halaga po sana natin ang mga grasya ng Panginoon ngayong taon.
Hangad ko pong makatamasa pa ng maraming biyaya at tagumpay ang mas nakakaraming pamilyang Pilipino.
Isang masaganang Bagong Taon po sa ating lahat.
* * *
Wala tayong mapapala kung magmumukmok tayo sa kaka-isip sa mga kabiguan na ating dinanas noong nakaraang taon. Ang mga kasawian na dumaan sa ating buhay ay dapat pag-pulutan natin ng leksyon subalit hindi dapat maging hadlang sa ating pag-usad. Ang pagiging optimistic ang ating pinakamabisang sandata laban sa mga pagsubok na maaaring ipukol sa atin ngayong taon.
* * *
Cautiously optimistic. Iyan ay salitang madalas na ginagamit ng mga stock market analysts sa pagsisimula ng bagong taon. Ito’y nangangahulugan na abot-kamay na ang pag-asenso ngunit mayroon din nakaumang na mga banta na kailangan munang malampasan. Para sa mga negosyante, ito’y senyales na malaki ang tsansa nilang kumita sa merkado basta’t huwag lamang sila bara-bara sa kanilang investments.
Ganyan ang aming attitude sa Dangerous Drugs Board (DDB) at sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagsisimula ng 2012. Kami ay cautiously optimistic!
Kami ay cautious o maingat na nakikiramdam dahil hindi birong kalaban ang mga drug syndicates. Ang aming mga kalaban ay maraming pera at maraming mga galamay na corrupt government officials.
At sa harap ng dumaraming bilang ng adik sa ating lipunan, tayo ay nananatiling optimistic dahil tiwala kami na ang kabutihan ay laging nagwawagi laban sa kasamaan! Kami ay mayroon tiwala sa angking husay, tapang at determinasyon ng mga taong bumubuo ng DDB at PDEA.
Sa kabila ng ilang kakulangan, maraming mga drug traffickers ang ating napakukulong at maraming addicts ang naipasok sa rehab dahil sa pagsusumikap ng ating tanggapan nitong nakaraang 2011.
* * *
Nabanggit ko na rin ang mga taong gobyerno na nakikipagsabwatan sa mga sindikato ng droga at mga alagad ng batas na involved sa mga gawaing ilegal tulad ng jueteng.
Ang mga alagad ng batas kasi ay mga tao rin na kung minsan ay natutukso. Mayroon mga pulis na nasisilaw sa pera ng mga drug syndicates. Mayroon din nalululong sa mga ipinagbabawal na gamot at pangongotong!
Kaya’t sinusuportahan natin ang random drug testing na isinasagawa ng PNP. Sinusuportahan din natin ang lifestyle checks na isinasagawa ng Office of the Ombudsman sa mga government officials na mayroon hindi maipaliwanag na yaman.
Pero sana naman, sa pagpasok ng bagong taon na ito, maliwanagan na rin tayo sa problema ng PNP sa probinsiya ng Pangasinan partikular ang provincial director na nakatalaga dito.
Bigyang-pansin na sana ni PNP Chief Bartolome at Sec. Robredo ang isyung ito sapagkat ito ay nakasisira sa imahe ng kanilang ahensya at maging ang mga inosenteng kapulisan ay nadadamay dahil sa kabuktotan ng provincial director na ito.
Nagtataka lang tayo kasi nga ay walang aksyon sa isyung ito ang PNP o ang DILG??? Nakarating na rin kaya kay P-Noy ang balitang ito??? Baka naman legal na ang operasyon ng jueteng???
Teka, sino ba ang nagbibigay ng permit to operate jueteng? Sa mayors lang ba nanggagaling ang permit para makapag-operate ng jueteng? Kalat na kalat kasi sa buong Luzon ang jueteng kaya’t tayo ay nagtatanong kung saan at sino ang nagbibigay ng permit dito?
Ang akala ko ay Loterya ng Bayan ang i-ooperate, bakit hanggang ngayon ay hindi na natuloy at jueteng na lang ang namamayagpag??? Dito kasi sa jueteng na ito nag-uumpisa ang kurapsyon tulad na lamang ng pinag-gagagawa ni PD Ricaforte ng Pangasinan!
Siguro isa ito sa mga maraming isyu na dapat mapaimbestigahan ng DILG at PNP. Parang mahigpit kasi ang pagtatakip sa iyung ito, ngunit ganun pa man ay kusang umaamoy dahil sa baho!
Sana rin ay makarating ang isyung ito sa Ombudsman at isang araw ay makasama sa listahan ng kanilang paiimbestigahan!
Sa ganang atin, malaman lang natin na tunay nang legal ang jueteng, tatahimik na tayo!
Lumipas man ang 2011, nasa sa atin pa rin ang maigting na pagnanais na malaman ang katotohanan dito at para na rin sa ating suporta sa Tuwid na Daan na tinatahak ni P-Noy para sa pag-unlad ng ating bansa.
Hindi dapat masayang ang magandang naumpisahan ni P-Noy. Kooperasyon at katapatan lamang ang talagang kailangan upang makapagsagawa ng tunay at nararapat na aksyon.
Ikatlong araw pa lamang naman ng bagong taon kung kaya’t tayo ay “optimistic” na ang isyung ito ay mabibigyan ng sapat na atensyon at tugon.
Hangad natin ang isang masagana at pinag-palang Bagong Taon para sa ating lahat!
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o ’di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more