TUMAAS ang bilang ng mga kaso ng ‘food poisoning’ sa taong 2011, batay na rin sa talaan ng mga nabiktima na umabot sa mahigit 200 katao, na karamihan ay mga paslit o kabataan.
Ang mga biktima ay nakaranas ng matinding pananakit ng tiyan at dibdib, diarrhea at pagsusuka, na sanhi umano ng mga pagkaing hindi nailuto o naihanda ng maayos.
Sa isang pagdiriwang sa Calumpit, Bulacan, 200 katao ang nalason at naospital sanhi ng ‘food poisoning’ habang sa Larion Bajo Elementary School naman sa Tuguegarao City, Cagayan, ay dalawang bata ang nasawi dahil na rin sa pagkakalason sa pagkain.
Ganito na rin ang nangyari sa isang ‘five-star hotel’ sa Mandaluyong City na kung saan isang pamilya ang nalason din sa pagkain sa isa sa mga restawran doon.
Ayon sa reklamong isinampa ng pamilya Racoma sa Regional Trial Court ng Lungsod Quezon, nakaranas sila ng matinding pagkahilo at pagsusuka matapos na kumain sa Heat Restaurant ng EDSA Shangria-La Hotel.
Agad na isinugod ang mga biktima sa St. Luke’s Medical Center na kung saan natuklasang sila ay biktima ng ‘food poisoning’ mula sa pagkain na umano’y may ecoli at staphylococcus bacteria.
Ayon naman sa mga dalubhasa, ang nasabing uri ng bacteria ay nakukuha sa mga maruming tubig-gripo na iniinom ng mga tao, mga ‘frozen meat and fish’ na hindi wastong nailuto, mga lutong pagkain na dinapuan ng mga langaw at ’di maayos at mababang kalidad na preparasyon ng pagkain.
At sa mga dalubhasa sa University of the Philipines (UP), natuklasan nila na ilang bayan sa lalawigan ng Bulacan ay may mga sira o butas na tubo ng tubig na sumisipsip ng maruming tubig-ilog na umaapaw sa mga lugar na kung saan nakabaon ang mga sirang tubo.
Kontaminado umano ng ecoli bacteria ang mga tubig-gripo sa ilang bayan sa Bulacan bunga ng mga sirang tubo.
Ang mga ‘water purifier’ ng iba’t ibang binibil han ng mineral o purified water sa lalawigan ay hindi rin nakakasiguro na malinis ang tubig na ipinagbibili nila dahil karamihan sa mga ito ay walang ‘chloronator machine at chemical’ na siya lang pwedeng pumatay sa ecoli bacteria.
Kaya para sa mga nagnanais na masigurong malinis ang tubig na kanilang iniinom at kinakain, pakuluin at lutuing mabuti ang mga ito para sa inyong kapakanan at kaligtasan.
At sa mga restaurant owner, siguruhing may takip at nilutong mabuti ang mga pagkaing isisilbi n’yo sa inyong mga parukyano upang matiyak na ligtas sila sa pagkaing inyong isinisilbi at wala itong ecoli at staphylococcus bacteria.
* * * * *
Marahil ay panahon na para seryosohin ng ating mga awtoridad lalo na ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Philippine National Police, partikular sa kanilang Firearms and Explosive Office (FEO), Bureau of Customs at maging mga lokal na pamahalaan ang paghihigpit sa mga nagpapasok sa bansa at gumagawa ng nakakadisgrasyang mga paputok.
Bago pa man natin ipagdiwang ang Bagong Taon ay marami na ang nadisgrasya sa ’di ligtas na mga paputok.
Mga whistle bomb na pumuputok nang walang huni, mga mabibilis na mitsa ng paputok at marami pang iba ang dahilan ng pagkakadisgrasya ng nagpapaputok.
Marahil sa simula pa lang ng taon ay rebisahin natin kung sino ba ang mga lehitimo at sino ang ’di dapat bigyang ng permiso para gumawa ng paputok.
Higpitan din ang pagpasok ng mga imported na paputok dahil karamihan dito ay gawang ‘backyard’ lang sa ibang bansa tulad ng Taiwan at Tsina na walang kiber sa ating kaligtasan.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more