Warning o warming?


Hanggang ngayon, realidad na ang global warming at climate change, na ipinakita na ng maraming kalamidad tulad ng malalakas na bagyo at matataas na tubig-baha, kakulangan pa rin sa warning ang pinagtatalunan pagkaraan ng hagupit ng bagyong Sendong.

Matagal nang sinabi naming mga environmental advocates tulad ng Ecowaste Coaliton at Greenpeace ang lumalalang global warming at climate change. ‘Ika nga, matagal na kaming nagwawarniiinnggg!

Hindi lang lagnat ang dinaranas ng mundo ngayon kundi pagdidiliryo na. Mainit na talaga ang temperatura ng mundo kung kaya patuloy ang pagkatunaw ng mga yelo sa malalamig na bansa. Makatutulong sana ang mapunong kagubatan sa mainit na panahon bilang carbonk sink at ang mga ugat nito na sisipsip ng malalakas na buhos ng tubig-ulan.         Pangsangga naman sa hagupit ng bagyo ang kabundukan na patuloy namang walang habas na pinapatag ng mining at quarrying.

Ilang ulit na tayong “binatukan” ng Inang Kalikasan para magising? Marami nang malulupit na bagyo ang sumalanta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino ngunit ‘di pa rin tumitigil ang pagsira sa kalikasan at kapaligiran.

Ang idinulot ng bagyong Sendong ay isang mariing dagok na para sa atin. Nakalulungkot na marami laging mahihirap na Pilipino ang kasama sa mga namamatay o napipinsala. Nagtuturuan pa ang mga ahensya ng pamahalaan sa nangyaring kalamidad sa bagyong Sendong.

Una sa lahat, matagal nang inilahad ng mga siyentista, Pilipino man o dayuhan na nagaganap na ang global warming at climate change. Idineklara na ito ng United Nations Intergovernmental Panel on climate change noong 2007 at sinabing kailangan ang dramatic, significant at drastic na pagbabawas ng carbon emission sa mundo. Mayroon na tayong warning ‘ika nga. Nauna pa rito ay ang pagkilala na sa pag-init ng temperatura ng mundo bago pa man maganap ang kalamidad sa Ormoc at lalawigan ng Quezon kung saan libong Pilipino ang namatay.

Idagdag pa ang warning na ibinigay ng mga bagyong tulad ng Frank, Milenyo, Ondoy at Pepeng, Pedring at Quiel, at ngayon ay Sendong. Hindi pa ba sapat ang mga warning na ito para sa mga lokal na pamahalaan? Hindi pa ba sapat ang mga babalang laging sinasabi ni Dr Graciano Yumul, Undersecretary ng Department of Science and Technology (DOST), mga geohazard maps mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR)?

Hindi na kailangan ng warning kung wala nang mapipinsala sa daraanan ng rumaragasang tubig-baha mula sa kinalbong gubat. Ang kailangan ay kilalanin ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ang global warming at climate change para ilipat na ang mga residente sa higit na ligtas na komunidad para mabuhuay sila nang matiwasay. Alisin na ang ekta-ektaryang fishpond na humaharang sa mga daanan ng mga tubig-baha patungong karagatan.

Itigil na muna ang lahat, ligal man ang logging, mining at quarrying. Kaunti na lang ang puno at bundok kaya makatutulong kahit na ang mga secondary growth o mga tree plantations sa kagubatan para masangga ang mga paparating pang mga bagyo. Kailangang manguna rito ang DENR. Umisip ang DENR ng mga alternatibo at katutubong materyales para sa konstruksyon para hindi laging gawin itong dahilan sa quarrying.

Tigilan na ang mga palusot! Marami nang nangangamba sa taon ngayong 2012. Magugunaw na raw ang mundo na ipinakita ng mga matitinding kalamidad. Sino ba’ng gumugunaw sa mundo? Sino ba’ng gumagawa ng kalamidad?

Ang siste, diumano’y ayaw alisin ng mga LGUs ang mga botante kahit nakatira ang mga ito sa ‘di ligtas na lugar  tulad ng  tabi ng ilog, tabi ng dagat, tabi ng tambakan ng basura, tabi ng bundok. Umiiral pa rin ang kalakarang pampulitika na addition at hindi subtraction. Mas maraming residente, mas maraming boto.

Panahon nang dapat tingnan ni P-Noy ang bulok na kalakarang ito. Palala na nang palala ang masamang lagay ng kalikasan. Kung kailangang ilikas ang mga tao sa ligtas na lugar hanggang wala pang mga paparating na bagyo, ay gawin na agad ito- NGAYON DIN. Ang nangyayari kasi, saka pa lang nag-eeskrimahan ang mga dila sa pagdedebate pagkatapos ng delubyo! Wala na, patay na ang mahigit isang libong tao tulad nang naganap sa bagyong Sendong.

Kailangang repasuhin ni P-Noy ang trabaho ni Secretary Jessie Robredo ng Department of Interior and  Local Government (DILG) at kung naniniwala ba ang kalihim na ito sa Global Warming at climate change. At kung naniniwala siya, isakatuparan na ang paglikas ng mga residenteng nasa lugar geohazard maps.

Ano pang warning ang hihintayin na naman natin? Di pa ba alam ng lahat na ang Pilipinas ay nasa typhoon belt, earthquake belt, nasa mga faulty lines, at isang bansang maraming isla?. Ibig sabihi’y mala-waterworld tayo! Napapalibutan ang Pilipinas ng katubigan na tiyak na tataas ang dagat sa paligid ng bayan natin at lalamunin ang mabababang lugar. Kailangan pa bang imemorize ‘yan?

( This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 44
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC