Determinasyon ang kailangan


KAGAYA ng marami, naniniwala tayo na may pag-asa pa ang mga Pinoy na bumangon sa kanilang pagkakalugmok dahil sa kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa.

Sa kabila ng patung-patong na problemang dumating noong 2011, kabilang na ang paghagupit ng ilang malalakas na bagyo, buo pa rin ang paniniwala ng iba nating kababayan na makahon ngayon 2012.

Ang kailangan lang ay deteminasyon.

Sa pagpasok ng 2012, ibaon na natin sa limot ang iba pang bagay na nagpahirap sa atin noong nakaraang taon.

Ito ang kurapsyon, sobrang pamumulitika, palakasan at walang malasakit sa kapwa.

Ngayong  nakatakda nang dinggin sa Senado ang impeachment case laban kay CJ Renato Corona at nakakulong na sina dating Pangulong Gloria Arroyo at dating Comelec Chairman Ben Abalos, ituon naman na sana ng Malakanyang ang kanilang atensyon sa pangunahing problema ng mga kababayan nating mahihirap. Napakaraming naging problema noong nakaraang taon, kabilang na ang walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.  

Sa mga opisina naman ng gobyerno, kabilang na ang Department of Trade and Industry at Department of Education, sana public interest at hindi personal interest ang mangibabaw sa taong ito.

Ito ang susi para makaahon  tayo sa kahirapan. Kasi habang inuuna ng mga lingkod-bayan ang sariling kapakanan ay patuloy lang itong  magpapahirap sa bayan at mamamayan.

Kapag nagpatuloy ang ganitong kalakaran ay lalong babagsak ang ekonomiya, samantalang lalo namang yayaman ang iilang mayayaman.

Sa aduana, naniniwala rin tayo sa sinseridad nina Commissioner Ruffy Biazon at Depcom Danny Lim sa BOC.

Kahit mga bago sa pantalan, naipamalas na nina Biazon at Lim ang kanilang galing upang tugunan ang napakaraming  problemang minana nila mula sa mga nakalipas na namuno.

Suhestyon nga ng iba,  kailangan daw  siguro ay  ikonsulta  nina Biazon at Lim sa  ibat-ibang grupo, kabilang na ang mga lehitimong mamamamahayag ang mga iniisip nilang reporma na nais nilang ipatupad para mawala ang katarantaduhan sa pier.

At dapat walisin na ang mga namedropper na walang ginawa kundi takutin ang mga taga-BOC, importer at Broker.

Dapat iparating rin nila kay  P-Noy ang mga pinaggagagawa ng mga namedropper.

Sigurado namang susuportahan ni Pangulong Aquino ang mga pagbabagong isinusulong ni Biazon dahil ang hangad niya’y tumahak  sa matuwid na landas.

Sa DTI naman, panahon na para bumilis ang trabaho sa nasabing ahensiya, lalo na sa Bureau of Products Standard ( BPS).

Dito kasi sa opisinang ito natutulog ang mga papeles na nilalakad ng mga importer na nangangailangan ng product testing para sa kanilang importasyon.

Sa kabagalan ng trabaho sa BPS, maraming importer ang nalugi at marami pang maliliit na broker ang nawalan ng kliyente.

May mga pagkakataon kasi na inaabot ng taon bago matapos ang product testing at ma-isyuhan  ng ICC  at kaukulang sticker ang isang shipment.

Dagdag gastos ito at malaking abala sa mga kawawang negosyante at broker.

Sa DepEd naman, sana mabigyang solusyon na ang problema sa sector ng edukasyon na siyang dahilan kung bakit sumasama ang kalidad ng mga college graduate natin.

Kahit alam ni Secretary Armin Luistro ang problema na tulad ng kawalan ng mahuhusay na guro, kakulangan sa libro at silid-aralan,   ginawa pa niyang mandatory ang kindergarten at Grade 7 sa lahat ng paaralan sa bansa.

Pagdating ng opening ng klase sa Hunyo, lalong magkakagulo sa mga pampublikong paaralan. Maraming estudhante ang magka-klase na naman sa silong ng mga punongkahoy.

Resulta? Walang matututunan ang mga bata.

Wala nang magaling na titser at libro. Wala pang silid-aralan. Kawawang Pilipino!

Ganyan kalupit si Luistro!

* * *

MGA REKLAMO AT REAKSIYON

Sana imbestigahan ng mga otoridad na nabibigyan daw ng special treatment ang dalawang sundalong sumuko na sina Lt. Anotado at M/Sgt Osorio, mga kasama ni Palparan, na sangkot sa pagdukot sa aking anak na si Sherlyn Cadapan at Karen Empeno,  mga estudyante ng UP. Dapat nilang pagdusahin ang ginawa nilang kawalanghiyaan -- ASHER CADAPAN ng Laguna.

Dapat ihinto na ang pagputol sa mga puno sa mga bundok para maiwasan ang pagbaha. Grabe ang nangyari sa Mindanao -- RIC CABUSAO ng Manila.

Salamat sa text nina TEDDY SANTOS ng Pasig, EDITH MANDAP ng Pangasinan, LITA POLARE ng Las Piñas, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, ELLIE SANTIAGO ng Muntinlupa; ARIES M. ng Parañaque, BETH CRUZ ng Bulacan at ORLY PIMENTEL ng Marikina.

* **

(Para sa inyong komento at suhesiyon, tumawag o mag-text sa #0915-94562777/email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. . Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 44
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC