Antonia, may karapatan ka rin sa ari-arian ng ina


Kgg. na Atty. Acosta,

Mapagpalang araw po sa inyo.

Ako po ay isang illegitimate child na ang ina ay ikinasal  noong 1981.  Ipinanganak ang aking half-brother noong 1988 at noong 2008 ay namatay ang aming ina. Noong 2010 ay nag-asawa ulit ang step-father ko ng isang babaing may tatlong (3) anak at sa kasalukuyan ay wala pa silang anak.

Sa kasalukuyan ay nagkakagulo kami ng aking stepfather at noong huling sagutan namin ay sinabi niya na wala kaming (ako at stepbrother ko) karapatan sa bahay dahil patay na ang aming ina. Ang bahay na binabanggit ay binili ng aking ina at stepfather noong kasal sila.

May karapatan ba kami ng kapatid ko sa mga ari-ariang naiwan ng aming ina?


Lubos na gumagalang,

Antonia


Dear Antonia,

Bilang mag-asawa, ang naging property relations ng inyong ina at stepfather ay isang regime of conjugal partnership of gains dahil sila ay ikinasal bago maging epektibo ang Family Code of the Philippines sa ating bansa o bago sumapit ang ika-03 ng Agosto 1988. Sa nasabing property regime, nakasaad na:

“Article 106. Under the regime of conjugal partnership of gains, the husband and wife place in a common fund the proceeds, products, fruits and income from their separate properties and those acquired by either or both spouses through their efforts or by chance, and, upon dissolution of the marriage or of the partnership, the net gains or benefits obtained by either or both spouses shall be divided equally between them, unless otherwise agreed in the marriage settlements.” xxx

Upang malaman kung papaano ang magiging hatian sa naiwang exclusive property ng inyong ina ay partikular ninyong magagamit ang probisyon ng Artikulo 999 ng ating Kodigo Sibil. Ayon sa nasabing artikulo, kung ang namatay ay may naiwan na asawa, lehitimo at hindi lehitimong anak, ang parte ng biyudo sa mamanahin ay kapareho ng sa lehitimong anak,viz: 

xxx “Article 999. If a widow or widower survives with legitimate children or their descendants and illegitimate children or their descendants, whether legitimate or illegitimate, such widow or widower shall be entitled  to the same share  as that of a legitimate child.” xxx

Ayon naman sa Artikulo 176 ng Family Code of the Philippines ang parte ng illegitimate na anak ay kalahati lamang ng legitimate na anak,viz :

xxx “Article 176.  Illegitimate children shall use the surname and be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.” xxx

Sa inyong sitwasyon, ang parte ng inyong ina na kalahati ng conjugal property ay ang magiging basehan ng mamanahin ninyong tatlo. At ayon sa batas, dahil kayo ay illegitimate na anak, ang magiging parte ninyo rito ay kalahati ng sa inyong kapatid na isang legitimate na anak.

Ang mga ari-arian ng inyong yumaong ina ay hahatiin sa limang (5) parte na nagrerepresenta sa shares ninyong tatlo (3). Kayo ay magkakaroon ng isang (1) parte habang ang inyong kapatid at stepfather ay tig-dalawang (2) parte.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham at aming interpretasyon dito. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni o bumisita sa aming tanggapan upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayon ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.


Ang inyo pong lingkod bayan

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan


Paunawa:

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.

Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.

Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m.mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni”  tuwing Huwebes ng gabi, sa TV5, before “Aksyon Journalismo”. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.







Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 44
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 49

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC