IBANG klase ang pagiging hunyango ng bagman ng jueteng diyan sa Quezon City. Aba, nakapagpatayo pala ito ng sariling simbahan mula mismo sa perang nakukulimbat dahil sa pa-jueteng ni Don Ramon at iba pang sugal-lupa sa lungsod.
Ang tinutukoy nating bagman ay walang iba kundi si Gilbert dela Peste na dismissed police official ngunit hayagan kung gamitin ang pangalan ni Chief Supt. George Regis ng QC Police District.
Nagtataka naman ako kay Gen. Regis kung bakit wala itong ginagawang aksiyon para hulihin unang-una ang pasugalan ni Don Ramon at ipaaresto at paposasan si Gilbert dela Peste.
Dahil sa parang walang aksyong ginagawa si Regis para supilin ang pasugalan ni Don Ramon at kayabangan ni Gilbert dela Peste, parang gusto ko nang maniwala na ‘patong’ ang heneral sa sindikato ng dalawa.
Talaga bang masarap mamantikaan ng pera mula sa jueteng, Mr. Boy George? Mas masarap ba sa mantikang pinanggisa sa handa noong Media Noche?
Ilang percent kaya ito sa daily gross income ng pa-jueteng ni Don Ramon?
Attention PNP chief Director General Nick Bartolome.
Sir Nick, kailangan pa bang manawagan ng Journal Group sa inyo para mapakilos nang husto si Gen. Regis?
Mukha kasing garapalan na ang ‘pambababoy’ sa order n’yo na bawal ang illegal gambling, samantalang ang pa-jueteng ni Don Ramon ay tatlong beses pa binobola araw-araw sa Quezon City.
Ang matindi rito, isang dismissed police official pa ang protektor at nagpapakilalang bagman ni Gen. Regis.
Ang klasik din dito, si Mr. Bagman, alyas Gilbert dela Peste, ay may sarili pang simbahan ngayon sa Don Antonio Heights.
Ibig sabihin, ginagamit nitong ‘front’ ang kinaanibang relihiyon sa kanyang illegal na gawain. Nagtatago kunwari sa mga salita ng Diyos pero iyon pala, puro kademonyuhan ang laman ng utak at katawan.
’Eto iyong mga tinatawag na buhay pa, pero sinusunog na ang kaluluwa sa impiyerno.
Siyanga pala, ang balitang padrino ni Gen. Regis ay ang ginagalang at nirerespeto nating Iglesia Ni Cristo. Ano kaya ang magiging ‘comment’ nila kapag nalaman na parang may ibang ‘sinusuportahang’ relihiyon si Boy George?
Iyon ay kung totoong bagman nga niya si Gilbert dela Peste na hanggang ngayon ay patuloy na gumagamit sa pangalan ni Mr. General.
Kilos na kasi, Gen. Regis, nang hindi napagdududahang ‘patong’ ka talaga kay Don Ramon.
Para sa impormasyon ni Gen. Regis, ang hoodlum na si Boyet Bakulaw ang handler ni Don Ramon sa pa-lotteng nito, samantalang isa pang nagngangalang Jun Albaran naman ang tagapamahala ng jueteng ni Don Ramon na kung bolahin ay tatlong beses isang araw.
Nabunyag ang multi-million kinikita ni Don Ramon sa jueteng dahil kung dati’y may quota na sila ng P1.5 million hanggang P2 million total gross collection araw-araw, ngayo’y tumataginting na P2.5 million na ito bunsod na rin sa karamihan sa mananaya ngayon ay may pera dahil na rin sa araw ng Kapaskuhan.
Ang area ng pa-jueteng at pa-lotteng ni Don Ramon ay mula District 1 hanggang District 6.
Lintek na ’yan, talagang organisado na ang sindikato ng hinayupak na si Don Pepot, este Don Ramon!
Sa susunod, iisa-isahin pa natin ang pa-jueteng naman ni Don Ramon sa Occidental Mindoro.
Tingnan natin tigas n’yo, mga kamote!
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 44
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 45
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 49

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more