Paano magdahan-dahan sa mabilis na mundo?


HAPPY NEW YEAR! Malugod po namin kayong inaanyayahan na dumalo ngayon, ika-1, ng Enero – Decision 2012 - Anointing Oil Service sa mga oras na alas-6:30 ng umaga, alas-8:30 ng umaga, alas-10:30 umaga, alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi sa EMI Center – NLEX Valenzuela Exit, Paso de Blas, Valenzuela City. Tumawag sa 4444-777.

TAYO’Y nabubuhay sa mundong pabilis ng pabilis. Sa patuloy na pag-unlad ng mundo kasabay nito’y ang walang humpay na paggawa. Kaalinsabay ng pag-unlad, ang mundo’y naging mas maliit, mas mabilis at mas kumplikado. Tayo’y nabubuhay sa panahong higit na mabilis kaysa sa panahon ng ating mga magulang. Ang ating mga anak ay mabubuhay sa panahong higit na mabilis kaysa ngayon.

Paano magdahan-dahan sa mabilis na mundo? Ang pagmamadali kadalasa’y nagdudulot ng negatibong epekto sa kabuan ng ating pagkatao. May ilang mga biblikal at praktikal na prinsipyo na maari nating maipamuhay upang sa gitna ng nakakalulang bilis ng mundo tayo’y magdahan-dahan.

Ang unang prinsipyo ay “Matutong Mamuhay ng may Kasapatan.” Ito ay nagsisimula sa kalagayan ng puso. Ang wika ni Apostol Pablo, “I have learned the secret of being content in any and every situation.” (Philippians 4:12) Ang tunay na kasapan ay hindi likas sa ating pagkatao. Ang nais nati’y maging kakaiba at mas maganda ang ating buhay. Kung kaya’t ang ganitong likas ang patuloy na naguudyok sa tao na huwag tumigil at higit na magtumulin sa anumang gawain. Hindi natin matututunan ang magdahan-dahan hanggang hindi natin natututunan ang magkaroon ng kasapatan o contentment. Ang kasapatan ay hindi nangangahulugang ayaw mong umunlad at gumanda ang kalagayan sa buhay. Ang ibig sabihin lang ay wala sa pag-unlad ng iyong kalagayan ang tunay na kasiyahan. Ang tunay mong kasiyahan ay nasa iyong kaugnayan kay Cristo anumang kalagayan.

Ang pangalawang prinsipyo ay “Matutong Mamahinga.” Dinisenyo ng Diyos na ang tao’y dapat mamahinga. Ang sabi ng Diyos, “Six days a week are set apart for your daily duties and regular work, but the seventh day is a day of rest dedicated to the LORD your God.” (Exodus 20:9) Ang kabiguang ipamuhay ang ikaapat na utos ay matuling paraan ng pagkawasak ng sarili. Kailangan natin tumigil sa anumang gawaing sekular upang magbigay daan sa gawaing espirituwal. Ang wika nga ni Jesus, “Man does not live on bread alone, but on every word that comes from the mouth of God.” (Matthew 4:4) Dinagdag pa Niya, “You shouldn’t be so concerned about perishable things like food. Spend your energy seeking the eternal life that I, the Son of Man, can give you.” (John 6:27) Kailangan nating pansa-mantalang tumigil sa anumang kaabalahan ng mundo upang magbigay panahon sa mga bagay na patungkol sa Diyos. Ang paalala ni Apostol Pablo, “Let us not neglect our church meetings, as some people do, but encourage and warn each other, especially now that the day of his coming back again is drawing near.” (Hebrews 10:25)

Ang pangatlong prinsipyo ay “Matutong Tumanggi.” Sa totoo lang mahirap talagang tumanggi. Sapagkat pilit nating pinapaganda ang ating imahen sa pamamagitan ng pagiging abala sa maraming bagay. Hindi maaring patuloy tayong nagdadagdag ng mga gawain ng hindi tayo nagbabawas ng ilan. Tandaan, sa tuwing nagdaragdag ka ng bago sa iyong schedule kailangan mong magbawas. Ang bawat tao’y mayroong limitasyon. Ang kabiguang ito’y gawin ay dahandahang pagpapakamatay. Ang sabi ni Peter Drucker, isang kilalang manunulat, “Don’t tell me what new thing you’re doing. Tell me what you’ve stopped doing.” May mga oportunidad at mga gawain na kailangang tanggihan sapagkat talagang di na kaya ng schedule. At kung ito nama’y higit na mahalaga, alisin sa iyong schedule ang mga di gaanong mahalaga. Tandaan, sa ibabaw ng lahat ng ito, tiyaking palaging may panahon para sa Diyos.

Ang pang-apat na prinsipyo ay “Matutong Maghintay sa Tamang Panahon.” Ang pagkabagot at pagkainip ay kadalasang dahilan ng pagmamadali. Ang damdamin ng pagmamadali ay ekspresyon ng kawalan ng tiwala sa Diyos. Ang Diyos ay may takdang panahon sa lahat ng bagay. Ang kabiguang magdahan-dahan ay hahantong sa maling kapasyahan na madalas ay pinagsisihan sa bandang huli. Matutong magdahan-dahan at maghintay sa tamang panahon. Ang sabi nga ni Solomon, “There is a time for everything, and a season for every activity under heaven.” (Ecclesiastes 3:1) Ang matutong maghintay ay para din sa ating kapakinabangan. Ang wika pa niya, “God has made everything beautiful for its own time.” (Ecclesiastes 3:11)

Matutong magdahan-dahan pagkat may panahon sa lahat ng bagay!

***

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 44
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 44
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 45
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 48

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC