Mother disapproves Alex-Kean relationship


Kahit si Toni Gonzaga ang favorite daughter ni Mommy Pinky, kay Alex siya bantay-sarado ngayon. Magkasama na naman kasi sina Alex  at Kean Cip-riano sa teleseryeng P.S. I Love You ng TV5. Nag-click naman kasi ang una nilang pagtatambal sa sitcom ng TV5. At ‘naging sila’ we-ther they admit it or not.

Magaling mag-alaga ng artista ang Kapatid Network. Hindi nila pinababa-yaan ang kanilang ‘prinse-sa.’ Kahit parami nang pa-rami ang mga ‘kapatid’ ni Alex sa TV5, siya pa rin ang may pinakamaraming pro-jects at pawang mga higanteng teleserye ang ginagawa niya.

Hindi rin nagkokontrabida si Mommy Pinky. Ka-hit talagang ayaw na ayaw talaga niya si Kean para kay Alex, hindi pa rin siya tumatanggi sa pagsasama ng anak at ni Kean sa P.S. I Love You. Panay-panay lang ang pangaral niya kay Alex at minu-minuto ay pinaaalalahanan niyang maghintay-hintay muna at darating din ang tamang lalaki para sa kanya.

Iyon na nga lang, baka habang naghihintay ay baka naman tumino na si Kean at maging tapat na sa iisang ba-baing kanyang iibigin.

Kitang-kita kasi ng mem-bers ng cast na patuloy na binabakuran ng Calla Lily lead singer ang dalaga ni Mommy Pinky. Hindi lihim ang pagsusumbong ng mga ito kay Mommy Pinky, kundi hayagan.

Napaka-precious nga naman ni Alex at blooming na blooming pa. Napakagandang bata pa naman. Hindi talaga magsisisi si Kean, kung patuloy niya itong ma-mahalin at hahandugan ng kinompose niyang songs na hit na hit sa madlang music listeners.

*  *  *

SA presscon ng P.S. I Love You, ibinuking-buking ni Gabby Concepcion itong si AJ  Muhlach na nagbu-beautiful eyes naman o nagpapa-cute kay Nadine Ilustre.

“Pero, hindi naman tulad  ni Kean na tutok na tu-tok talaga kay Alex,” birong pahayag ni Gabby na gumaganap bilang dakilang Papa ni AJ.

By the way, mas tinututukan ni  Gabby si AJ sa mga eksena sa P.S. I Love You kung saan magksama sila.

“Totoo po ‘yan,” wika ng half-brother ni Aga Muh-lach. “Inalalayan po ako ni tito Gabby lalo na sa ekse-nang sinapak niya ako sa mukha. Gusto niyang lumutang ako. Gusto po niyang mapansin ako at rumihistro ang sakit sa sobrang lakas ng sapak niya. Itinuring po niya akong  parang tunay na anak na. Pinagmamalasakitan. Kung noong una po, ay ninenerbiyos ako sa mga  eksena namin, ngayon, gusto kong patunayan kay tito Gabby na hindi masasa-yang ang pag-aalalay niya sa akin.  Sobrang grateful po ako.

“Sa totoo lang po, nag-handa ako sa unang taping namin. Pero, mas nakatulong si tito Gabby. Higit pa sa workshop ang natutuhan ko sa kanya.”

Bago ang bonggang pro-ject na P.S. I Love You ay isinalang na ng Viva Films si AJ sa pagkanta.

“Kasama po ako sa bandang XLR8 na napapanood sa Party Pilipinas ng Kapuso Network. Kasama ko po roon sina Aki, MM, MJ, Ca-leb, Carlo, Kiko,  Arkin. Pero, kailangan kaming alisin ni Aki dahil ilalagay na kami sa Bagets ng TV5. Paminsan-minsan, nagkakasama pa rin namin ang buong gru-po dahil, nakakontrata ka-mi sa ini-endorse naming My Phone.

“Aside from Bagets, isinama rin po kami sa mala-ASAP na Saberday. Dito pa rin po sa TV5. ‘Yung Ba-gets  po ay palabas pa rin po ngayon, kaya, ina-adjust  ni-la ang sked ko para sa P.S. I Love You.”

Feel na ba niyang papa-sikat na siya?

“Mas feel ko po na ma-rami akong dapat patuna-yan. ‘Yung feeling sikat ay hindi po maramdaman, dahil, may takot ako. May mga dakilang Muhlach sa showbiz  na dapat kong isa-utak. Ayokong mapahiya. Kaya, huwag na po muna ‘yung feeling sikat-sikat na ‘yan.     Paghuhusayin ko na po muna ang talent ko at siyempre, health ko para  po hindi magkasakit at maging cause of delay.”

Kailan uumpisahan ni AJ ang panliligaw kay Nadine Ilustre para maging solid din ang una nilang tambalan at matulad sila kina Gabby at Sharon Cuneta o Gabby-Di-na Bonnevie sa Katorse.

Babantayan ko po lagi si Kuya Kean para matuto ako ng diskarte sa babae. Sa totoo lang, swabeng-swabe po si kuya Kean. Tulad ng pag-arte, gustung-gusto ko pong tingnan si kuya Kean kapag lumalapit na po siya kay Alex.

“Kay tito Gabby naman po ako naka-focus kapag acting ang pag-uusapan. Kung noong una, puro nerbiyos ang nararamdaman ko, ngayon po ay para akong estudyante na natututo sa mga professors ko,” saad ni AJ.

Sa kuya Aga Muhlach niya, wala ba siyang gustong matutuhan?

“Pinaghahandaan ko po iyan. At ‘pag dumating ang pagkakataong magka-sama kami sa project, ma-sayang-masaya  po ako.”

Opinion

Honest mistakes too many

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 33
By : Willie S. Baun

Honest mistakes too many

WAS it a senator-judge or a defense counsel in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona who, in what seemed a half-cooked bid to sound philosophical, said the CJ could have committed only honest mistakes in computing some amounts in his statement of assets, liabilities, and net worth? ... Read more

A coup for the prosecution

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 30
By : Dennis F. Fetalino

A coup for the prosecution

Augmentation and rebate. That’s what this ruthlessly taxed fixed-income earner signed on for. But Ped Xing heard it wrong. It turned out that the call was for argumentation and debate. Well, if that’s the case, then let’s have more of them. Maybe something good would come out of the discourse. ... Read more

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 33
By : Vic Reyes

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan. Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila  ay nakukulong... Read more

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 30
By : Jess V. Antiporda

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa  killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan. Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t... Read more

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 27
By : Sec. Antonio 'Bebot' A. Villar, Jr.

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu! Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC