Gustong kunin para gumanap na ama nina Lovi Poe, Heart Evangelista at Alessandra de Rossi sa Legacy ang magaling na Kapuso actor.
Worried lang ang gustong kumuha sa aktor na baka hindi nito tanggapin ang role dahil maagang mawawala ang kanyang karakter.
Mamamatay agad after ilang episodes ang karakter ng aktor at magiging rason ng conflict ng story ang pagkamatay niya.
In fairness, puwedeng-puwede pang maging leading man ng tatlong aktres ang aktor at sa age factor siguro worried ang staff na gustong isama ang aktor sa cast ng soap.
Hindi pa nakakausap ang aktor ng staff at sabi ng kampo nito, wala pang offer na dumarating sa kanila.
Baka ang mangyari, sa ibang aktor na lang ibigay ang role.
* * *
Ang still photo mula sa The Road ang avatar ni Alden Richards sa Twitter, patunay na proud ang actor sa movie at sa role niya rito.
Kahit hindi nag-audition (dahil minimal ang lines niya sa pelikula), si Alden pa rin ang napili ni Direk Yam Laranas sa role ni Luis at big factor na magkakamukha sila nina Renz Valerio at TJ Trinidad.
Magkasama sa suspense-thriller movie na showing sa November 30 si Alden at ang ka-loveteam niyang si Louise delos Santos, pero wala silang sweet moments together.
Ang meron sila ay bugbugan at iba’t ibang klase ng pananakit na ginawa ni Alden kay Louise.
Talagang challenging ang role ni Alden sa The Road at ang payo ni Direk Yam sa kanya ay ’wag manood ng suspense-thriller movies para hindi niya magaya, pero ginawa pa rin niyang peg si Anthony Hopskin sa Silence of the Lambs.
Pretty boy si Alden at bagay din sa kanya ang rom-com movies, right partner lang ang kailangan niya para tanggapin sa ganitong klaseng pelikula.
* * *
Sa presscon ng P.S. I Love You, ikinuwento ni Gabby Concepcion kung paano siya napunta sa TV5.
“Ngayon lang ako nagtrabaho sa kanila at bago ang projects nila. Gustung-gusto kong mag-explore.
“Akala ko, remake ng Katorse ang gagawin namin ni Dina (Bonnevie). Big factor din na I’m with Viva, sa Viva ako pumirma ng kontrata at project nila ito sa TV5,” paliwanag ni Gabby.
Enjoy si Gabby sa project at sa kanyang role na simula pa lang ay dark na at excited siya to be working with Dina again.
Nangako siya sa viewers na magugustuhan ang sequel ng P.S. I Love You dahil pagagandahin.
Ang feeling lang nito, bumalik sa ’90s ang career niya dahil that time, maraming offbeat at kontrabida roles siyang ginawa.
* * *
Graduating sa high school sa March next year si Joshua Dionisio, pero malungkot ito dahil hindi agad makakapag-college.
Bukod sa hirap siya sa schedule, gusto muna niyang mag-ipon dahil given the chance, gusto niyang sa Canada mag-aral ng chiropractor.
Tantiya niya, 15 years aabutin ang gustong kurso, malaki ang gagastusin, kaya nag-iisip na rin ng ibang kurso.
“Gusto kong maging doctor, pero ayoko ng pediatrician at surgeon dahil ayoko ng dugo ng ibang tao.
“Makakatulong na hindi muna ako mag-college para pag-isipan kung anong course talaga ang gusto ko,” wika ni Joshua.
Sa kanyang career muna ang focus ni Joshua at natutuwa na lagi siyang may project sa GMA-7.
May Tweenhearts at Ikaw Lang ang Mamahalin siya na extended up to January 2012.
Challenge sa kanya na ngayon pa lang, different characters na ang ginagampanan niya, paghahanda sa more mature roles na gustong gampanan.
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 30
By : Willie S. Baun

WAS it a senator-judge or a defense counsel in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona who, in what seemed a half-cooked bid to sound philosophical, said the CJ could have committed only honest mistakes in computing some amounts in his statement of assets, liabilities, and net worth? ... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 28
By : Dennis F. Fetalino

Augmentation and rebate. That’s what this ruthlessly taxed fixed-income earner signed on for. But Ped Xing heard it wrong. It turned out that the call was for argumentation and debate. Well, if that’s the case, then let’s have more of them. Maybe something good would come out of the discourse. ... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 31
By : Vic Reyes

SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan. Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila ay nakukulong... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 29
By : Jess V. Antiporda

MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan. Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t... Read more
Published : Thursday February 09, 2012 | Category : Opinion | Views : 26
By : Sec. Antonio 'Bebot' A. Villar, Jr.

SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu! Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition... Read more