Ang Penomena ng OFW, Sanhi ng Ating Pagluluksa

 

Nagkalat ang mga Pilipino sa buong mundo. Karamihan sa ating mga kababayan ay naroon sa mga bansa na kadalasang kinatatakutan puntahan.

 

Ang nagbabagong komposisyon ng ating mga OFW kumpara sa pangangailangan ng mga manggagawa sa pandaigdigang merkado ay nagpapamalas ng ilang nakakabagabag na kontradiksyon. Ang panlabas na sitwasyon ay ganito: pabilis nang pabilis ang industriyalisasyon. Ang pangangailangan ng mga manggagawa sa international labor market ay nagiging mas masalimuot sa sukatan ng galing at kakayahan.

 

Nitong mga nakaraang tatlo o apat na dekada, sa atin na nanggagaling ang mga pangangailangan ng mga kapitbahay nating bansa para sa masinop at mahusay na mga manggagawa tulad ng mga inhinyero, guro, nars, duktor, agricultural scientists, urban planners, maging ang mga public administrators para sa kanilang mga gobyerno. Ngayon, ang mga bansang dating nag-aangkat sa atin ng mga bihasang manggagawa ay hindi na gaanong kumukuha sa atin ng mga teknikal na manggagawa dahil nakapaglinang na sila ng sarili nilang mga taong may kakayahan, pati na ng teknolohiya, at merkado para rito. Samantalang ang karamihan ng bansa sa mundo ay umabante na, partikular na sa rehiyon ng Asya, tayo ay napako na sa ating katayuan. Sa totoo lang, tayo ay paurong, kung ikukumpara sa ating mga kapitbahay sa Asya. Ang pwede man lang sana nating nagawa ay mapanatili ang ating imahe bilang isang bansa na mayaman sa mga manggagawang may mataas na kalidad ng kakayahan sa mga teknikal na trabaho.

 

Sa halip, nakilala tayo bilang bansang taga-supply ng mga domestic helper. Dahil dito, ang salitang “Filipina” ay binigyang-kahulugan ng Annals of World Records na “domestic helper”. Hindi naman ito upang pababain ang pagiging domestic helper. Hindi ang domestic helper o ang tao ang pinupuna dito kundi ang dahilan ng kanilang pagiging domestic helper—ang mga sirkunstanya na kinapapalooban nila kung bakit kinakailangan nila itong gawin. Tulad na lamang ng katotohanan na ang ating mga domestic helper ay hindi mga pangkaraniwang manggagawa. Ang kanilang mga katangian ay overqualified para sa trabahong ito. Mga propesyunal sila sa ating bayan. Dahil hindi sila makakuha sa atin ng trabahong may disenteng sweldo, napipilitan silang mamasukan sa ibang bayan. Ito ay dapat na maging sanhi ng pagdadalamhati natin bilang isang bansa. Nasadlak tayo dito hindi dahil sa tayo ay pinaparusahan ng kung anumang kasalanang ginawa natin, kundi dahil sa mga bagay na dapat na ginawa natin na hindi natin ginawa.

 

Ang pagkababa ng tingin nating ito sa ating mga sarili ang dahilan kung bakit ang saya-saya ng buong bayan tuwing nananalo si Pacman sa boksing. Itinataas kasi nito ang ating pagiging mga Pilipino.

 

Bilang mga Pilipino, kasali tayong lahat  sa kinasadlakan ng ating mga OFW. Ang nakalulungkot dito, tanging ang mga OFW at ang kanilang mga pamilya ang pumapasan ng ganitong klaseng pagdurusa at paghihirap. Sa huli, dito nakabatay ang kanilang pagiging bayani: sila ang naging mga alipin sa makabagong panahong para sa bayang Pilipinas. Sila ang nagbabayad ng karampatang bayarin para sa kasalanan ng lahat, lalo na ng isang gobyernong nakasandig sa labor export bilang pangunahing patakaran sa pag-e-empleyo. Sila rin ang nagbabayad ng pawis at dugo para sa kapabayaan ng mga opisyal ng labor at mga diplomat na hindi man lang magarantyahan ang kanilang kaligtasan sa panahon ng kagipitan.

 

Ang pinaka-nakakalungkot dito, ang mga sakripisyong ito ay para lamang sa ekonomiya. Kailangan kasi natin ng pera para ipambayad sa ating mga bilyun-bilyong dolyar na utang sa labas ng bansa.

 

Sa ganang amin, ang kailangan ay lumikha tayo ng mga trabaho para sa ating mga manggagawa na sobra-sobra sa dami. Nang sa gayun, hindi na nila kailangan pang mangibang-bayan at tiisin na napapabayaan ang kanilang sariling mga pamilya habang nagpapaalipin sila sa ibang bansa at nag-aalaga ng ibang pamilya.

 

Ang editoryal na ito ay hinalaw mula sa panulat ni Lucy Arboleda para sa ISACC, sa pakikipagtulungan ng DZAS at AP Media.

 

Opinion

Honest mistakes too many

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 31
By : Willie S. Baun

Honest mistakes too many

WAS it a senator-judge or a defense counsel in the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona who, in what seemed a half-cooked bid to sound philosophical, said the CJ could have committed only honest mistakes in computing some amounts in his statement of assets, liabilities, and net worth? ... Read more

A coup for the prosecution

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 29
By : Dennis F. Fetalino

A coup for the prosecution

Augmentation and rebate. That’s what this ruthlessly taxed fixed-income earner signed on for. But Ped Xing heard it wrong. It turned out that the call was for argumentation and debate. Well, if that’s the case, then let’s have more of them. Maybe something good would come out of the discourse. ... Read more

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 32
By : Vic Reyes

Senate Bill No. 83 ni Sen. Jinggoy, suportahan

SA isang demokratikong bansa na kagaya ng Pilipinas, napakahalaga ang papel na ginagampanan ng mga mamamahayag. Sa kanilang pagganap ng tungkulin ay madalas na nasasagasaan nila ang mga makapangyarihan sa lipunan. Sila’y tinatakot, pinapapatay at madalas ay kinakasuhan ng libelo para lang perhuwisyuhin at patahimikin. Kung minsan, sila  ay nakukulong... Read more

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 29
By : Jess V. Antiporda

P-Noy tiwala kina Biazon, Lim

MUKHANG hindi na masyadong pinapansin ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) traffic enforcers ang mga reckless bus drivers dyan sa  killer highway o Commonwealth Avenue at maging sa Quirino Highway, Macapagal Ave., EDSA. Quezon Ave., at iba pang malalaking daan. Rumaragasa at walang kiber sa pag-swerve kaliwa’t... Read more

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

Published : Thursday February 09, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 26
By : Sec. Antonio 'Bebot' A. Villar, Jr.

Melvin Sia, bakit pinayagang magpiyansa?

SANA hindi tuluyang makaiwas sa hustisya si Melvin Sia, ang Tsinoy businessman na inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pag-angkat ng walong kilo ng shabu! Dismayado ako dahil pinahintulutan ng korte ang pansamantalang paglaya ng suspect nitong February 3 batay sa inihaing writ of habeas corpus petition... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC