FINALLY, pumili na ng TV station si Megastar Sharon Cuneta -- TV5 ba o mananatili sa ABS-CBN.
Totoo raw na muling pumirma si Sharon ng kontrata sa ABS-CBN, pero hindi raw ’yun kontrata as talent ulit ng Kapamilya Network, kundi kontrata ni Sharon sa isang movie na gagawin under ABS-CBN’s Star Cinema.
Meaning, tuloy na nga ang paglipat ni Sharon sa TV5 kung saan bago raw mag-Pasko ay mapagkikita na ang Megastar sa bakuran ng Kapatid Network.
Ayon na rin sa aming source, hindi na nga raw sumipot si Sharon sa taping ng show niya sa ABS-CBN. Nangangahulugang madalian na nga ang paglipat niya sa TV5.
May nakakita na rin kay Sharon na kasama sa isang meeting sina Vic del Rosario at TV5 big boss Mr. Manny Pangilinan.
Ang issue naman tungkol sa Noranians, isinantabi na raw ni Sharon dahil iba naman daw ang show ni Nora at iba naman ang sa kanya.
Pero ayon naman sa mga Sharonians, huwag na huwag daw magkakamali ang mga Noranians na gawin nila kay Sharon ang ginawa ng mga Noranians kay Willie Revillame dahil maghahalo raw ang balat sa tinalupan.
Well, we hope, sana matuloy na nga talaga si Shawie sa Kapatid Network.
* * *
BAGONG ISDAAN RESTO NI ROD ONGPAUCO SA LAGUNA, ONE OF A KIND
OPEN na ang bagong Isdaan Restaurant ng sikat at kilalang restaurateur, songwriter at pilantropong si Rod Ongpauco sa Laguna.
Kung super-bongga nga raw ’yung Isdaan resto ni Rod sa may Tarlac, eh, mas bongga at napakaganda raw ng Isdaan sa Laguna.
Sabi nga ng kausap namin na nakarating sa Isdaan ni Rod sa Laguna, siguradong dadayuhin daw ito ng foreigners at OFWs dahil talagang one of a kind ang ganda at laki nito.
Noon pa sana namin ba-lak pumasyal doon pero nakatutok kami sa rami ng TV shows ng Reyna ng mga Intriga Cristy Fermin sa TV5.
Aside from that, may ginagawa rin akong project mula sa composer/musical direktor ni Manny Paquiao na si Lito Camo.
Pero, dahil miss na rin naming makatsikahan si Rod, one of these days, dadayuhin namin siya sa bago niyang Isdaan
* * *
HINDI naman nagpahuli si Lito Camo dahil talagang si-nuportahan niya ang kaibi-gang si Manny Pacquiao sa naging laban nito kay Juan Marquez sa Las Vegas noong nakaraang Linggo.
Hindi kasi makukumpleto ang laban ni Manny kung wala si Lito na siyang gumawa na naman ng bagong entrance song na ginamit ni Pacman.
Bonggang-bongga nga ang bagong komposisyong ’yun ni Lito para kay Pacquiao na nagsilbing hudyat pa ng pagiging mahusay ng Pinoy sa musika.
Pagkatapos kasi ng laban ni Pacquiao, magkakaroon sila ng tugtugan na naman na nakagawian nang gawin ng Team Pacquiao.
Kasama ni Lito patu-ngong Amerika ang tatlo ni-yang anak at asawa kung saan matapos ang work ni Lito sa Team Pacquiao, bonding na silang pamilya.
Masayang-masaya rin ang kaibigan kong si Lito dahil first time niyang nakasama ang mga anak sa Amerika. First time din ng kanyang mga anak sa Amerika kaya excited si Lito na maipasyal doon ang mga ito.
Sabi nga, bagaman naipapasyal ni Lito ang mga anak sa ibang bansa, eh, iba pa rin ang Amerika lalo pa at first time nila ang biyaheng ito.
Isa si Lito sa mga kaibigan ko na ubod nang lambing at sobrang maalalahanin kaya inilalantad ko ang aking sarili na makipaglaban para sa kanya.
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Opinion | Views : 121
By : Jonathan A. De La Cruz

Here’s what Sen. Chiz Escudero told the prosecution team headed by Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr. the first time they brought the matter of Chief Justice Renato Corona’s alleged ownership of a 300-square-meter unit at the Bellagio in Taguig City and some other real estate properties as well as other... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Opinion | Views : 67
By : Itchie G. Cabayan

MY good friend, the indefatigable and ever-reliable chief of the Department of Social Welfare in Manila, is confused and upset over what he termed as ‘inaction’ of certain police officers on his request for the apprehension of a known drug pusher in the area where he grew up, in Gagalangin,... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Opinion | Views : 68
By : Manny C. Calonzo

WHEN busted fluorescent lamps are improperly disposed of, mercury -- a potent neurotoxin -- is released into the environment, endangering the health of both workers in garbages sites as well as the general public. Environmental health groups aired this warning after conducting a “photo documentation” to find out how spent... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Opinion | Views : 66
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Mapagpalang araw po sa inyo. Nais ko po sanang idulog ang isang katanungan tungkol sa pag-upa ng bahay.Kapag po ba ang upa ay umabot na sa apat na libong piso (P 4,000.00) ay kailangan na ba ng resibo at iparehistro sa BIR? Kung mababa naman po... Read more
Published : Wednesday February 08, 2012 | Category : Opinion | Views : 103
By : Winston A. Marbella
DISPLAYING an uncanny understanding of intricate aerodynamics, the native Australians devised a wooden weapon that when thrown always came back. It is called a boomerang. Undoubtedly, the boomerang found immense usefulness in vanquishing prey and foe. The word has also enriched the English language and the political lexicon, as we... Read more