Susan: We must not lose hope


INALALA ni Susan Roces ang nangyari sa kanya nu'ng panahong namatay ang asawang si Fernando Poe Jr. sa una niyang pananalita sa presscon ng RiteMed kung saan siya ang napiling ambassador at may slogan na "Bawal ang mahal!"

"Magpipitong taon na rin ngayon mula nu'ng lumisan si Ronnie. Ahh the first few years na inilaan ko, bilang maybahay niya, na sinupin at asikasuhin ang lahat ng obligasyon tungkol sa ari-arian namin. Obligasyon namin sa gobyerno. Inheritance taxes at pagparte-parte sa mga naiwan niya.

"Ang aking panahon ay inilaan ko para ayusin, ilagay sa ayos ang lahat pati na ang pakikipaglaban, pagri-represent sa mga bagay na nauukol sa pinasok niya sa pulitika. Ni hindi ako nagkaroon ng panahon na lumuha at iiyak kung anuman ang aking kawalan!

"Naging mahirap pero sa isang banda, 'yun din ang nagpatibay at nagpalakas ng aking loob. Nakalimutan ko na babae rin pala ako. Na marunong din pala akong umiyak. Na marunong din pala akong malungkot. At magreklamo at dumaing!

"Pagkatapos kong maasikaso ang lahat ng obligasyon na 'yon, saka ako nagkaroon ng panahong makapag-isip-isip tungkol sa aking sarili. Ano ngayon ang gagawin ko. Madalas, kinakausap ko ang aking sarili. 'Saan ka patutungo? Ano ang gagawin mo?'

"Salamat naman at ang aking asawa ay naging masinop sa aming kabuhayan. At inaamin ko, komportable naman ako at magiging komportable sa mahabang panahon. Sapagkat meron na kaming inilaan sa aming retirement.

"However, ang isang na-realize ko kapag pala ang isang tao ay nauulila ng mahal niya sa buhay, hindi lamang ang ari-arian niya ang iyong minamana. Minamana rin ng naiwan ang kanyang mga kawanggawa. Ang kanyang mabubuting sinimulan. 'Yon ay minamana mo, minamana ng pamilya, ng asawa, ng mga anak na ipagpatuloy ang kanyang layunin.

"Minsan, naitanong ko sa aking sarili, sa edad kong ito at semi retired na ako, papano ko mapapalawig ang kabuhayang iniwan niya para sa akin at the same time, papano ko matutulungan ang mga tao na naglingkod sa kanya? Naglingkod sa amin. Ang mga kasamahan namin sa industriya.

"Medyo napaisip ako. Naniniwala ako na kahit na wala dito ang isa sa mahal natin sa buhay, na nauna sa atin, siya ang nagiging gabay natin. Nandiyan lang siya. Ino-observe kung ano ang ginagawa natin. Kung ano mga problema natin.

"Ramdam na ramdam ko! Katulad nga ng madalas na sabihin nila, sila, ang mga mahal natin sa buhay ang nagiging gabay, guardian angel natin. Kaya sa aking panalanging sa Diyos, sabi ko, 'Ron, ibulong mo naman kay God ituro sa akin kung paano ko maipagpapatuloy lahat ng nasimulan mo. Ang pagtulong sa aking kapwa!'

"This is an answered prayer and I claim it as a miracle! Yes, may milagro pang nangyayari sa panahon ito. Hindi lumipas ang ilang araw, inalok ako. Inanyayahan ako ng RiteMed na maging representative nila! Paanong hindi ko masasabi na hanggang ngayon hawak pa rin  ni Ronnie ang kamay ko.

"Hanggang ngayon, lahat tayo sa industriya at mga kaibigan at mga taong humanga sa kanya ay nasa puso rin niya at nasa diwa niya! At ipinagdarasal niya tayo. Kaya hand in hand magkasama kami ng RiteMed upang ipagpatuloy dahil iisa lang ang adhikain ng RiteMed at ng sinimulan ni Ronnie!

“Na dapat magpatuloy ang ating pag-asa. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa! At sama-sama tayo na nagdadamayan. Kaya kung may bibilhin kayong gamot, lalo na 'yung mahal, magtanong muna kayo if there's RiteMed! Bawal ang mahal!" mahabang pahayag ng Movie Queen ng Philippine Movies sa produktong ini-endorso.

Opinion

I pity Margie Juico’s successor

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 62

I pity Margie Juico’s successor

I honestly feel sorry to whoever will succeed Margie Juico sa Philippine Charity Sweepstakes Office  pagdating ng oras at binulabog na niya ang magandang set-up ng PCSO noon sa Quezon Institute Complex.  I pity the next PCSO Chairman for it would really be a tall, tall order to reorganize that... Read more

Day of reckoning comes fast for Tupas, Quimbo

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Winston Marbella

ITS patience stretched to the limit by the continuing disrespect of House prosecutors Reps. Niel Tupas and Romero Quimbo, the Senate impeachment court led by Senate President Juan Ponce Enrile and other irate senators lowered the boom on the prosecutors and served them stern warning to stop trying the case... Read more

Is what I am feeling love?

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 37

Is what I am feeling love?

LOVE is in the air as we begin this month of February, and one obvious phenomenon is how we see ourselves in the context of love.  Now-a-days saying “I LOVE YOU” seems to be so easy and ordinary that it is as if we were just saying “HI” or “HELLO”... Read more

‘Daang matuwid’ still not working

Published : Saturday February 04, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 73

‘Daang matuwid’ still not working

ANOTHER proof that the country’s partnership with U.S. Imperialism in the war against terrorism is working is the “air strike” launched by the AFP in the early hours of Thursday at an alleged “terrorist camp” in Sulu where at least 15 suspects were killed. Among those killed, according to my... Read more

Out with the SALNs and ITRs

Published : Friday February 03, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 105
By : Jonathan A. De La Cruz

Out with the SALNs and ITRs

Today is the 85th birth anniversary of our former boss and mentor, Ka Blas Ople. As we join his family and friends as they gather in Ka Blas’ grave at the Libingan ng Mga Bayani in the annual rite of prayers and remembering,  we look back at the fruitful years... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC