Related Articles...
We have 4,430 guests online
| ‘Truth or consequence’ |
|
|
|
| Thursday, 29 July 2010 18:01 |
ANIMO’Y Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang magiging papel ng Truth Commission -- ang pangangalap ng ebidensiya laban sa mga karumal-dumal na krimen ng administrasyong Arroyo.Pasisinayaan ang Truth Commission sa bisa ng maaaring unang Executive Order ni Presidente Noynoy sa mga susunod na araw at pamumunuan ito ni dating-Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. Kahindik-hindik ang magiging trabaho ng naturang komisyon base na rin sa litanya noong unang State-of-the-Nation Address (SONA) ni P-Noy. Inilahad ni P-Noy ang ilang mga malalaking anomalya sa iba’t ibang departamento at mga korporasyon ng gobyerno. Amen. Kabilang sa “preview” na inihandog ni P-Noy ay ang mga anomalya sa National Power Corp. o NAPOCOR. Bukod sa mismanagement ng mga balasubas sa NAPOCOR, katakut-takot na kuwarta ang ipinapasuweldo sa mga iilang opisyal at empleyado nito. May P470.8 bilyon na pasuweldo, night differentials at bonus ang isinama sa mga utang na iniatang sa publiko kaya’t gusto nilang itaas nang itaas ang presyo ng kuryente sa susunod na 17 taon. Kabilang sa mga binabayaran ng limpak-limpak na salapi ay mga “contractual employee” at “consultant” ng NAPOCOR at ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corp. (PSALM). At iyan ang mga papasanin ng susunod na henerasyon sa kabila ng madalas na brownouts. Sabihin pa, ang mga anomalyang kinasasangkutan ng bilyun-bilyong piso ay “simply beyond our imagination” at sana’y mabulgar ang mga krimeng iyan sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) at Metro Rail Transit (MRT), Department of Transportation and Communications (DOTC), etc. Hindi masisisi ang taumbayan kung sumisigaw sila ng katarungan. Dapat pakilusin kaagad ni P-Noy ang Truth Commission bago “malinis” ng mga mandarambong ang mga ebidensiya o bago sila umiskapo. In fact, dapat humakbang na ang administrasyong Aquino upang mabawi ang mga “nakaw na yaman” ng mga Arroyo at kanilang mga alipores. Tingnan natin kung gaano katotoo itong Truth Commission o baka naman pulos “pagtotorotot” lang ang tungkol sa komisyon na ito. Sana’y totoong-totoo na makatulong ang Truth Commission na mabulgar ang katotohanan, maalisan ng maskara ang mga mandarambong. Kung hindi, ang “consequence” niyan ay pagkapoot ng taumbayan na makitang nakakaalpas sa hustisya ang mga plunderer na yan. Tinatahak na ba natin ang “derechong daan” ng pagbabago tungo sa kinabukasan ng mabuti-buting pamumuhay para sa nakararaming Pilipino? * * * Dagsa ang mga kaso at problemang inilalapit sa Erwin Tulfo Action Center tulad ng mga kaso ng pinatay at hindi nagkamit ng hustisya. May mga biktima rin ng pambubugbog at pagpapahirap, karaniwa’y ang gawain ng mga abusadong awtoridad tulad ng mga pulis at mga “pulis-patola.” Mayroon ding kababaihang biktima ng human trafficking at mga na-onse ng hinayupak na illegal recruiters. Kalunus-lunos din ang kalagayan ng mga biktima ng panggagahasa o rape at domestic violence versus women and children. Huwag mawawalan ng pag-asa, iyan ang aming paninindigan. Idulog po ang inyong mga problema sa aming tanggapan sa 163-E Mother Ignacia St. near EDSA, South Triangle, Quezon City, tel. nos. 410-4478 o 410-4480. |
Most Popular Articles
- July 2010 Nursing Exam Results ( 402 views )
- COVER STORY: Ruffa’s New Beginnings ( 360 views )
- DALMACIO ARMAS ( 321 views )
- Ecija trader escapes ambush try; gunman falls ( 254 views )
- THIS WEEK'S TREATS ( 230 views )







ANIMO’Y Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang magiging papel ng Truth Commission -- ang pangangalap ng ebidensiya laban sa mga karumal-dumal na krimen ng administrasyong Arroyo.