Home Opinion Abandoned family
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner
Banner

Related Articles...

Banner

Featured Video

We have 5,369 guests online
Banner
Abandoned family PDF Print E-mail
Thursday, 29 July 2010 17:54
PersidaKagalang-galang na Chief Acosta,

Kami po ng aking tatlong anak ay inabandona ng aking asawa. Nais ko po sanang malaman kung anong kaso ang maaaring isampa laban sa aking asawa at kung gaano katagal ang proseso nito.

Gumagalang,

Riza


Dear Riza,

Hindi po malinaw sa inyong liham kung ano ang pakahulugan ninyo ng salitang “abandon” at ano ang mga partikular na bagay na ginawa ng inyong asawa upang masabi ninyo na inabandona na nga niya kayo.  Ito ay mahalaga sapagkat ang salitang “abandon” ay maaaring may ibang pakahulugan sa batas.

Gayunpaman, gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang mabigyan kayo ng angkop na opinyong legal.

Ang kasong “abandonment” at “abandoning a minor” ay nagpapataw ng kaparusahan sa sinumang nag-abandona sa isang bata na may edad na hindi tataas sa pitong taong gulang laban sa taong may tungkuling kupkupin ang nasabing bata ayon sa Artikulo 276 ng Revised Penal Code of the Philippines.  Ayon sa batas, ang mga taong may parental authority sa nasabing bata ayon sa Artikulo 211 ng Family Code ang maaaring kasuhan ng abandonment sapagkat sila ang may obligasyon na kupkupin ang bata at karapatan sa kustodiya ng kanilang mga anak.

Ang “abandonment” na tinutukoy sa nasabing probisyon ay hindi ang “momentary leaving of the child,” kundi ang “abandonment which deprives him of the care and protection from danger to his person” (People vs. Bandian, 63 Phil.590). Ito ay kailangang conscious and deliberate.

Maaari rin magsampa ng kaukulang demanda para sa paglabag sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2002.”

Kinikilala ng batas na ito ay isang uri ng pang-aabuso sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak ang pagtigil o hindi pagbibigay ng suporta ng inyong asawa sa  inyo at sa inyong mga anak. Ayon sa Seksyon 6(e) ng RA 9262, ang paglabag dito ay may kaparusahang pagkabilanggo ng anim na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkabilanggo alinsunod sa Seksyon 5(e)(2) ng RA 9262, na nagsasaad na: “The crime of violence against women and their children is committed through any of the following acts:

E.2) Depriving or threatening to deprive the woman or her children of financial support legally due her or her family, or deliberately providing the woman’s children insufficient financial support;”

Maaari rin po kayong maghain sa hukuman ng petition for support laban sa inyong asawa sapagkat ayon sa Artikulo 195 at 203 ng Family Code, obligasyon ng inyong asawa, bilang ama ng inyong mga anak, ang pagbibigay ng suporta sa inyong pamilya.

Alinsunod sa Artikulo 203 ng Family Code, ang obligasyon na magbigay ng suporta ay maaaring hingin sa inyong asawa sa oras na kinakailangan na ng inyong pamilya ang nasabing suporta, subalit hindi kinakailangang ibigay ng inyong asawa ang nasabing suporta kung walang judicial o extrajudicial demand mula sa inyo.  Dahil dito, mas mainam na magpadala muna kayo ng demand letter sa kanya. Kung ito ay kanyang balewalain, makabubuti na magsampa na kayo ng nasabing petisyon sa Regional Trial Court ng lugar kung saan kayo naninirahan alinsunod sa Rule 61 ng Rules of Court. Ang halaga ng suporta na ibibigay ng ama ay naaayon sa kanyang kakayahan o sa laki ng kanyang kinikita sa kanyang trabaho at sa mga pangangailangan ng inyong mga anak.

Ang pagsasampa ng petisyon upang humingi ng suporta ay maituturing na isang aksyong makakaapekto sa personal na kalagayan ng isang tao. Kaugnay nito, ang summons ay dapat niyang personal na tanggapin (Section 6, Rule 14, Rules of Civil Procedure).  Dahil dito, kailangan na nasa Pilipinas ang ama ng inyong anak bago siya mahainan ng summons.

Ang tungkol sa inyong tanong kung gaano tatagal ang kaso, ibig naming ipaalam na ang pagsasampa ng kaso ay may mga prosesong sinusunod. Kung kaya ang pag-usad ng kaso ay nakasalalay sa agarang pagtupad ng mga prosesong itinatadhana ng batas.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni sa isang abogado upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon nang sa gayon ay mapayuhan kayo ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.

Paunawa: Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad para sa kliyente ng PAO sang-ayon sa RA 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.

Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Ave., Diliman, Quezon City, 1104.

Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, simula 5:30-5:40 a.m. at “Abogado ng Bayan” sa Radyo Magazine” 1278 khz AM 6:45-6:55 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes.

Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming email address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it .
 

Add comment

Please observe courtesy and avoid posting obscene words...Authors with harmful comments will be blocked from this site permanently.


Security code
Refresh

Banner