Related Articles...
We have 3,860 guests online
| As SONA’s possible |
|
|
|
| Thursday, 29 July 2010 17:48 |
NAPANSIN n’yo ba ang bagong pangalan ng ating kolum? Ang mga pagbabago ay bahagi ng ating patuloy na journey. Mula sa edukasyon, dinala tayo sa kagawaran ng kalakalan at consumerism at ngayon nga sa mas malawak pang larangan sa labas ng pamahalaan kung saan maaari nating paksain ang samut-saring isyung kinakaharap ng ating lipunan.“Simple Lang ’Yan” ang napili nating column title dahil sa totoo lang, ang isyu sa pamahalaan, kabuhayan, ang responsibilidad ng bawa’t isang mamamayan sa kanyang komunidad, ang isyu sa environment, edukasyon, ekonomiya, politika ay maaaring himayin sa mas simpleng terms upang maiparating natin sa ating mga simpleng mamamayan. At sa dulo, gusto natin silang maging kabahagi sa pagbuo ng isang lipunang maaari nating ipagmalaki. Sa totoo rin lang, simple lang naman talaga ang pangarap ng ordinaryong Pinoy. Maayos na hanapbuhay, mapag-aral ang mga anak at payapang komunidad. Kaya kung kumplikado na para sa kanila ang mga isyu, tutulungan natin sila na gawing mas simple. Dahil kung masi-simplify ang problema, di na rin nalalayo ang solusyon. At upang mas maraming mamamayan ang ating makabahagi sa mga pinasimpleng isyu, inaanyayahan namin kayo na makinig sa lingguhang programa sa DZXL-RMN na pinamagatang “Simple Lang,” 558 sa inyong mga dial tuwing Sabado, 7:30-9 a.m. Kasama ko dito ang print at broadcast journalist na si Arlene de la Cruz. Dito tinatalakay natin ang mga kahanga-hangang kwento ng mga pagpupunyagi at tagumpay ng mga simpleng mamamayan. Pitong taon na kaming sumasahimpapawid upang dalhin sa inyo ang katangi-tanging kwento ng mga kapwa natin Pilipino. Maganda ang umpisa
May magandang pangako ang panimula ng pamahalaang Aquino. Kumpleto halos ang lahat ng sangkap upang maisakatuparan ng bagong gobyeno ang kanyang mga inilatag na plano sa bayan. Una na dito ang goodwill mula sa publiko na sinalamin ng pinakahuling survey result ng Pulse Asia kung saan pumalo sa 85% ang approval rating sa Pangulo. Nandiyan din ang mayorya ng mga mambabatas -- 227 kontra 29 -- na para bang sinasabi na nasa likod ng Pangulo ang Kongreso. At base sa ating karanasan bilang mambabatas, ang tunay na “power of the purse” ay nasa Palasyo at wala sa Kongreso. Pwede lang mag-allot ng pondo ang Kongreso o gumawa ng batas sa alokasyon pero ang disbursement ay nasa DBM pa rin na nasa ilalim ng saklaw ng Palasyo. At ngayon nga na nasa Pangulo ang malaking tiwala ng taumbayan, maaaring magamit ng Pangulo ang flexibility na ito upang bigyang pansin at solusyunan ang mga perennial problems ng bayan kagaya ng shortages sa education resources, health, job creation at pondong laan sa disaster. Kaya ba ng political will?
Umaasa din ang bayan na ii-exercise ng bagong pangulo ang political will upang makagawa ng maraming bagay na dati’y hindi nagagawa dahil sa kakulangan ng determinasyong political. Ano nga ba ang political will na tinatawag? Ito ay ang tapang ng isang nasa pwesto na ipatupad ang palagay niya ay nararapat upang iwasto ang mali o ituwid ang liko kahit sino pa ang masagasaan, kahit mahirap itong gawin. Pero dito mahalaga ang moral ascendancy ng taong nagpapatupad ng political will. Dapat merong moral na karapatan o matatag na legal basis ang bawat hakbang ng taong nagpapakita ng political will. Halimbawa, ang pagpapaalis ng tindero sa bangketa upang ibalik ito sa pedestrian ay malinaw na pagpapakita ng political will. Una hindi ito popular na aksyon dahil ang nasasagasaan mo ay masa na ang katwiran ay naghahanapbuhay lang. Tama rin pero kaninong mas mataas na interes ang dapat manaig? Sa dulo, ang batas ang dapat mamayani, dahil kung hindi ito ang susundin, meron tayo laging anarkiya o kaguluhan sa kalye. Halimbawa, ang pagpapaalis ng tindero sa bangketa upang ibalik ito sa pedestrian ay malinaw na pagpapakita ng political will. Una hindi ito popular na aksyon dahil ang nasasagasaan mo ay masa na ang katwiran ay naghahanapbuhay lang. Tama rin pero kaninong mas mataas na interes ang dapat manaig? Sa dulo, ang batas ang dapat mamayani, dahil kung hindi ito ang susundin, meron tayo laging anarkiya o kaguluhan sa kalye. Ano bang hakbang halimbawa ang pwedeng gamitan ng political will? Unahin na natin dito ang pagtugon sa shortages sa classroom sa pamamagitan ng tamang paggamit sa Special Education Fund ng mga LGU at sa CDF o pork barrel ng mga kongresista. Kaya ba ni Presidente Noy na kausapin at makapanaig ang mga congressmen, governor at mga mayor na mag-allign ng pondo para tustusan ang kailangang resources sa edukasyon at kalusugan sa kani-kanilang bayan at distrito? Dasal na magtagumpay
Binanggit din sa SONA ang pagbuwag sa cartel at monopolyo. Again, this requires a measure of strong political will dahil ang babanggain dito ay ang interes ng big business. Laganap ang kartel at monopolyo sa produktong agrikultura at basic commodities na nakalista sa Price Act. Kaya bang i-displease ng Pangulo ang interest group na ito para sa kapakanan ng mas nakararami? Meron bang utang-politikal ang pamahalaan sa big business na kailangang bayaran? Hindi natin sinasabi na kaaway ng bayan ang big business. Actually kailangan natin ang kanilang capital at technology. Pero ang mahalaga ay mabalanse ang interes nila at interes ng mga simpleng mamamayan. Marami tayong nakikitang dahilan upang maging optimistic sa bagong administrasyon. Malinaw na kailangan natin ng reforms as soon as possible at ipinakita niya ang direksyon na gustong puntahan sa kanyang SONA. Pero ang mahalagang bantayan ay kung paano ito lalakarin. Sabi nga, the devil is in the detail. So abangan natin ito na may panalangin na sana’y magtagumpay si Presidente Noy. Dahil ang kanyang tagumpay ay tagumpay ng simpleng Pinoy. |
Most Popular Articles
- Viral infection caused of Baby James hospitalization ( 3,268 views )
- Lovi mum on recent HK trip ( 2,824 views )
- Wilma and Tuesday's dispute finally ends ( 1,926 views )
- P2M surgery to recover Nora’s voice ( 1,879 views )
- Gerald: Kim won’t try suicide ( 1,825 views )






NAPANSIN n’yo ba ang bagong pangalan ng ating kolum? Ang mga pagbabago ay bahagi ng ating patuloy na journey. Mula sa edukasyon, dinala tayo sa kagawaran ng kalakalan at consumerism at ngayon nga sa mas malawak pang larangan sa labas ng pamahalaan kung saan maaari nating paksain ang samut-saring isyung kinakaharap ng ating lipunan.