Gustong magpalit ng apelyido


DEAR Chief Acosta,

Isang mapagpalang-araw, Chief Acosta!

Ang aking mga magulang ay hindi kasal sa isa’t isa. Sa simula pa lamang nung ako ay mag-aral, ang akin pong ginagamit na apelyido ay ang apelyido ng aking ama.  Nang ako po ay kumuha ng kopya ng birth certificate ko sa NSO, ang nakatalang apelyido ko ay ang sa aking ina. Nang kausapin ko ang taga-NSO, ang sabi po nila sa akin ay walang bisa ang late-registration ko dahil sa naunang registration ng aking kapanganakan na kung saan nakasaad na hindi kasal ang aking ina sa aking ama. Dahil po lahat ng records ko ang aking gamit ay ang apelyido ng aking ama, nais ko po sanang magpalit ng apelyido at itulad ito sa aking ama na sumakabilang buhay na. Maaari ko po bang gawin ito?

Sana po ay masagot ninyo ang aking mga katanungan.


Lubos na gumagalang,

Annie


Dear Annie,

Sa kasalukuyan ay mayroon na po tayong batas na nagbibigay karapatan sa mga ilehitimong anak upang magamit ang apelyido ng kanyang ama. Ang batas na ito ay ang R.A. No. 9255 o mas kilala sa tawag na “An Act Allowing Illegitimate Children to Use the Surname of their Father.” Dahil po sa pagpasa ng batas na ito, ang mga ilehitimong anak po ay maaari nang gumamit ng apelyido ng kanilang ama nang walang pananagutan sa batas.

Upang magamit po ninyo ang benepisyo ng batas na ito, kinakailangan po na kayo ay kinilala o kinikilala bilang isang anak ng inyong tunay na ama.  Upang malaman po ninyo kung kayo ay kinilala ng inyong ama, maaari po ninyong tingnan ang kopya ng inyong birth certificate na nagmula sa NSO upang malaman kung nakapirma ang inyong ama sa likod ng naturang dokumento.  Kung ang inyo pong ama ay nakapirma sa likod ng inyong birth certificate (Article 172(1),Family Code of the Philippines), maaari po kayong magtungo sa Office of the Civil Register upang papalitan ang inyong apelyido at itulad ito sa apelyido ng inyong ama ayon po sa probisyon ng R.A. No. 9255. Subalit kung hindi po nakapirma ang inyong ama sa likod ng inyong birth certificate, hindi na po ninyo maaaring mapapalitan ang inyong apelyido at isunod ito sa apelyido ng inyong ama sa kadahilanan na siya po ay sumakabilang buhay na. (Article 175, par. (2), Family Code of the Philippines)

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham at aming interpretasyon dito. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may mga importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham. Mas makabubuting kayo ay personal na sumangguni sa aming tanggapan upang mas malinaw ninyong mailahad ang inyong sitwasyon at kayo ay mapayuhan ng mga hakbang na nararapat ninyong gawin.


Ang inyo pong lingkod-bayan,

PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan


Paunawa: Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury. Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.

Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 5:30 a.m.; “Abogado ng Bayan” sa Radyo Magazine” 1278 khz AM, 6:45 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes at sa “Kakampi Mo ang Batas” sa Radyo Inquirer, 990 khz AM, 7-8 p.m., tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Manood ng “Public Atorni”  tuwing Huwebes ng gabi sa TV5, pagkatapos ng “Aksyon Journalismo.”

Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.



OFW

Electrocuted OFW finally home

Published : Wednesday May 23, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 77
By : Itchie G. Cabayan

ALFREDO Salmos, the overseas Filipino worker (OFW) in Saudi Arabia who was electrocuted in 2010, is finally home.                                                                           Manila International Airport Authority (MIAA) media affairs division head Ma. Connie Bungag said Salmos arrived from Jeddah 12:50 p.m. at the Ninoy Aquino International Airport Terminal 1. Salmos’ family expressed gratitude... Read more

Electrocuted OFW coming home — Binay

Published : Thursday May 17, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 292
By : Jun Pisco

AN overseas Filipino worker in Saudi Arabia who was electrocuted in 2010 is set to come home in the next few weeks. Vice President Jejomar C. Binay said Alfredo Salmos suffered severe injuries and was unable to work since the accident. “I am pleased to announce that our kababayan, Mr.... Read more

OFW na nalapnos sa Saudi makakauwi na!

Published : Sunday May 06, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 547

MAKAKAUWI na rin ng bansa si Alfredo Salmos, 52,  tubong-Nueva Ecija, na mistulang isang buhay na patay ngayon sa Saudi Arabia. Nalapnos ang kanyang katawan at nagdikit ang kanyang baba at leeg matapos makuryente sa isang aksidente habang nagtatrabaho bilang technician sa Jeddah. Puspusan ang tulong ng tanggapan ni Vice President... Read more

55 OFWs from New Guinea sent home

Published : Saturday May 05, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 548

FIFTY-FIVE stranded overseas Filipino workers (OFWs) in Papua  New Guinea have been sent home, the Department of Foreign Affairs (DFA) said yesterday. In a report to the DFA, the Philippine Embassy in Port Moresby said  the stranded OFWs were expected to arrive in Manila yesterday from Manus, Papua New Guinea. Philippine... Read more

OWWA opens Twitter, FB account for OFWs

Published : Thursday May 03, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 462
By : Joel dela Torre

THE Overseas Workers and Welfare Administration has turned on its social networking site to further monitor situations and working status of overseas Filipino workers. OWWA Advocacy and Social Marketing Division head Reynaldo Tayag said that they will open both their Twitter and Facebook accounts to have a better relationship with... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC