’Di naabot ng irigasyon, binaha naman


BINAGYO, binaha at nasalanta ang kabuhayan ng maraming kababayan natin sa hilaga at Central Luzon at pinalala pa ang kalunus-lunos nilang sitwasyon ng mga kriminal na nagpakawala ng tubig sa mga dam nang wrong timing.

Sa halip na ibuhos ang tulong sa mga Pilipinong biktima ng kalamidad, pagkakait pa rin ang itinutugon ng pamahalaan!

Matapos ang pictorial ni P-Noy sa kanyang pagbibisita sa Tarlac, Pampanga at Bulacan, hindi yata umabot ng Aurora at Zambales provinces, naroong mag-agawan na sa relief goods ang ating mga kababayan sa Calumpit at Hagonoy, Bulacan.

Kulang ang tulong ng taga-Malakanyang!

Kalapit ng mga bayang ’yan sa Maynila!

* * * *

WALANG kaabug-abog namang sumaklolo si Manila Mayor Alfredo S. Lim at ang Manila Police District.

Namigay si Mayor Lim ng mga canned goods, bigas at iba pang makakain, mineral water, clothings, at mga kumot sa mga hindi pa naabot ng relief goods.

’Yan ang tulong na mula sa puso!

* * * *

MAY pagkaawa kayang nararamdaman itong mga opisyal ng pamahalaan na matapos nilang nakawin ang mga pondo para bigyan ng irigasyon ang mga magsasaka na ngayo’y lubog sa baha ang kabuhayan?

O baka naman sabi ng mga balasubas na ito, “Gusto n’yo ng irigasyon, ’yan ang sandamukal na tubig galing sa mga dam!”

Sana’y magnilay-nilay man lang ang mga demonyong ito sa mga ahensiya ng Department of Agriculture tulad ng National Irrigation Administration at ang Bureau of Soils and Water Management.

Daan-daang milyong piso ang inilalaan ng gobyerno para sa irigasyon ng maliliit na magsasaka ngunit bulsa lamang ng mga kurap na opisyal sa mga sangay ng Kagawaran ng Agrikultura ang naiirigasyon!

* * * *

COMPLAINTS DESK

NEWS COP, dito sa Bgy. Paciano Riverside malapit sa bahay ni Kapitana, talamak ang bentahan ng shabu. PDEA, paki-aksiyunan nyo naman itong pagtutulak ni Boy Wangbu! Don’t publish my whole number, pls! -- Chuchuwawa, 092088#####

* * * *

DITO po sa lugar ng Malibay, Pasay City, napakamaraming iligal na koneksiyon sa tubig na naka-tap sa main line, walang metro. Sana maaksiyunan, thanks! -- Concerned Citizen, 091286239##.

* * * *

MADAMING iligal na kuryente dito sa Looban St., Bgy. Banalo, Bacoor, Cavite. Gabi-gabi may pumuputok na mga electrical wire. Walang umaaksiyon hanggang magkasunog! --            Concerned Citizen, 094826279##

* * * *

Sir, pakigising naman mga kinauukulan, dito sa Bgy. Maligaya, asar ang mga tao dahil ang mga kalsada na malapit sa talipapa, sira-sira matagal na hindi inaksyunan, boundary po ng Caloocan at Quezon City! -- Concerned Citizen 09484924013

* * * *

SLEEPLESS in Rockwell, kalimutan mo na ang gurl mong swindler. Try mo bading, hindi ka jujutjutan, aalagaan ka pa na para kang nasa convalescent hospital sa California. Try me, get my number from Mr. News Cop! -- Deep Throat, 094757643##

* * * *

HWAG ka mag-alala Mr. Sleepless, yung ex mo huhuthutin din sya ng pulis na jowa nya. Yan ang tinatawag na food chain! -- Greg Cabrera, Marilao, Bulacan

* * * *

WELCOME po kayong magtext ng inyong reaksyon, buwelta o pasabog sa NEWS COP Complaints Desk, 09398858820 (no calls pls.) o kaya’y mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .

OFW

2 OFW naaksidente sa HK!

Published : Sunday January 29, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 341

DALAWANG Pilipino ang naaksidente sa Hong Kong nitong linggo, ayon sa Philippine Consulate  General. Sa isang statement, sinabi ng Consulate General na ang dalawang OFW ay na-involve sa isang vehicular accident sa Central District noong Enero 24. Dinala sila sa Queen Mary Hospital.  Tonight wire monitoring Read more

Pinoy lecturer in UAE gets 5 years for aiding student with drugs

Published : Wednesday January 25, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 421

A FILIPINO lecturer at a university in the United Arab Emirates has been meted with a five-year jail term for giving drugs to a student. The lecturer was identified by an Emirates 24/7 report only as CCT, 27. He will be deported back to the Philippines after serving his jail... Read more

3rd batch of seamen from Concordia arrives

Published : Sunday January 22, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 348

THE third batch of Filipino seamen numbering 111  from MV Costa Concordia arrived in Manila yesterday. Reports from the Philippine Embassy in Rome said that the third batch of Filipino crew members of the MV Costa Concordia left Rome on January 20. Embassy officials led by Ambassador Virgilio A. Reyes ... Read more

68 more Costa Concordia Pinoy seafarers arrive home

Published : Saturday January 21, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 455
By : Willy Balasa

SIXTY-eight more Filipino seafarers returned home yesterday as part of the third batch of cabin crew of the ill-fated Costa Concordia luxury cruise ship that sanks off an island in Italy. About 10:00 a.m., Filipino survivors arrived at the Ninoy Aquino International Airport on Cathay Pacific Airways flight CX 907.... Read more

Pinoy survivors home

Published : Friday January 20, 2012   |  Category : OFW   |  Views : 338

SOME 100 Filipino crewmembers of the ill-fated Costa Concordia luxury cruise ship returned home yesterday on two separate flights of Cathay Pacific Airlines, almost a week after the passenger vessel ran aground off the Giglio Island in Italy. According to Overseas Workers Welfare Administration administrator Carmelita Dimzon, who met the... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Your Ad Here
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC