5,317 guests

Liza, hirap sa role na broken-hearted

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 265

CARMI Martin at 53 is still single. And she is happy daw being one. 

Makailang beses na rin daw siyang umibig  pero pawang kabiguan daw ang kanyang naranasan. 

Still pretty and sexy, Carmi remains in demand for role na akma sa kanyang edad. Heto at bukod sa kanyang sitcom, Pepito Manaloto on GMA 7 with Michael V. playing the title role, nasa cast din siya ng bagong drama cum psychological series ng ABS-CBN na The Better Half kasama sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, Denise Laurel at JC de Vera.
   
Right now, bukod sa kanyang career, nakasentro daw ang kanyang buhay sa pagsisilbi kay Lord.
   
She also has four beautiful dogs to keep her company especially daw when she is home.

* * *

Of The Better Half, guess who is in the cast na tiyak will surprise many televiewers? Mari Kaimo, remember him?
   
Mari, in his time, was a popular newscaster. Balitang nagkasakit siya kaya biglaan siyang nag-retiro.
   
Ewan kung bukod sa desisyon ni Mari to try acting, obviously for a change, may balak siyang muling balikan ang pagiging newscaster na kanyang first love.

* * *

The Ghost Bride at hindi Dear Future Husband, na magsisilbing balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ang first movie ever na gagawin ni Alice Dixson for Star Cinema.
   
Bida sa The Ghost Bride sina Kim Chiu and Matteo Guidicelli na unang beses magkakatrabaho.  Also in the cast is JC Santos.
   
Although wala pa raw ideya si Alice exactly what her role in the movie is, since her decision to resume her showbiz career after staying in Canada for a while, mga tv show lang ang kanyang ginagawa.

* * *

Kaya pala medyo nahirapan si Liza Soberano sa kanyang role bilang Cali sa My Ex and Whys which opens in theaters nationwide starting today, ay dahil she plays a 24-year-old na naranasan na ang mabigo sa pag-ibig.
   
Eh, at 19 nga naman, wala pang label, kumbaga, ang relasyong namamagitan sa kanila ni Enrique Gil, who is 21, and her partner sa My Ex and Whys.
   
Mabuti na lamang daw at si Direk Cathy Garcia-Molina was at her rescue most of the time. At ganundin kay Enrique.
   
My Ex and Whys had it premiere sa Megamall’s Cinema 7 kagabi.
   
Tonight, nasa Cebu sina Liza at Enrique for the movie’s premiere sa isang sinehan doon.