4,411 guests

Milyun-milyong nilustay sa Miss U, babawiin sa turista

  • Written by LITO MAÑAGO
  • Published in Showbiz
  • Read: 493

DAHIL sa tagumpay ng 65th edition ng Miss Universe (MU) sa SM Mall of Asia Area last January 30, bago bumalik ng New York headquarters ang Miss Universe Organization (MUO) chief na si Paula Shugart, kinausap daw nito ang former Ilocos Sur governor-now-Narvacan councilor na si Luis "Chavit" Singson kung interesado itong gawin ang 66th edition ng pageant sa bansa. 

Mukhang interesado pa rin naman daw ang dating provincial leader ng Ilocos Sur, pero may pakiusap ito sa gobyerno na kung puwedeng mag-share ng gastos lalo na't turismo ng Pilipinas ang ibinebenta rito.
   
Ang LCS Group of Companies ni Gov. Singson ang major stakeholder sa katatapos na Miss Universe pageant.
   
Sa mga naririnig namin from different sources at nababasa rin namin sa social media, mahigit $15M (approximately P746M) ang inilabas ng grupo ni Chavit sa buong duration ng Miss U competition.
   
Sa laki ng gastos, duda kami kung mababawi pa ito. Pero para kay Gov. Singson and his partners, malaki ang paniwala nilang mababawi rin nila ito sa pagdami ng turista at paglago ng turismo sa Pilipinas.
   
Anang dating gobernador sa isang TV interview, "I consider it na hindi talo, eh. Parang investment lang. Madali namang mabawi ’yun basta dumami ang turista. Talo lang kami kung walang turista."

* * *

AFTER her stint as Miss Universe judge, former beauty queen Danayara Torres extended her stay in the Philippines for a few more days.
   
She feels home while in the country na naging pansamantalang tahanan niya after her reign in 1994.
   
Mukha ring na-miss nang husto ni Yari ang local spotlight kaya sinulit din niya ang pag-iikot sa mga programa ng ABS-CBN.
   
Isa si Dayanara sa mga original host ng ASAP kaya aapir siya sa programa for a big welcome at bibigyan ng malaking production number tomorrow.
   
Maliban sa musical show ng Kapamilya network, sunud-sunod din ang kanyang guesting sa mga programang Headstart sa ANC with Karen Davila, Tonight with Boy Abunda, It's Showtime, Magandang Buhay at Gandang Gabi Vice.
   
Kung tama ang basa namin sa social media, Dayanara is scheduled to leave the country on Tuesday.
   
Wala rin kaming ideya kung babalik siya sa bansa to continue her showbiz career lalo na’t ang former Miss U from Puerto Rico ay nasa pangangalaga ng Manila Genesis ni Angeli Pangilinan- Valenciano.

* * *

REGAL Entertainment announces the return of Mano Po 7: Chinoy, starring Richard Yap, Jean Garcia, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Jake Cuenca, Kean Cipriano, Marlo Mortel and Janella Salvador, to selected theaters nationwide starting Feb. 8.
   
Ibinabalik ng mag-inang Lily at Roselle Monteverde ang pelikula sa mga sinehan dahil na rin sa demand ng mga manonood.
   
It was originally shown last December 14 pero dahil nga marami pa rin ang gustong mapanood itong family drama ng taon mula sa Regal, pumayag na ang mag-ina.
   
Ang mga nakapanood na ng Mano Po 7: Chinoy agree na isa ito sa pinakamagandang Mano Po franchise dahil sa husay ng mga artistang kasama sa cast, partikular na si Enchong Dee, na gumanap bilang drug-dependent son nina Richard at Jean.
   
Mula ito sa mahusay na direksyon ng award-winning filmmaker na si Joel Lamangan at iskrip ni Senedy Que.