5,468 guests

Sunud-sunod

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 409

Miss U candidates, dedma sa mga gwapong Pinoy

Vic at Poleng, nagdiwang ng anibersaryo sa Africa

ISA-ISA nang naglalayasan sa bansa ang ilang Miss Universe candidates. 

Kinagabihan after ng coronation night, may umalis na ng 12 midnight. Kahapon ng madaling-araw, nagsunuran na ang iba.

Pawang magagandang salita tungkol sa bansa at sa ating mga kababayan ang pabaon ng ilang kandidat. 

May nakadiskubre pa ngang may Filipino blood ang first runner-up na si Miss Haiti, huh!
   
Parang wala kaming nabalitaang kandidata na nabighani sa kagwapuhan ng Pinoy, huh!
   
Lalo tuloy umapaw ang kaligayahan ni Pia Wurtzbach dahil ka-date niya sa after party ang boyfriend na si Marlon Stockinger.

* * *

UNANG anibersaryo ng kasal nina Vic Sotto at Pauleen Luna-Sotto nu’ng Lunes, sabay sa coronation night ng Miss Universe 2016.
   
Ibinahagi ni Poleng sa kanyang Instagram ang photos nilang nilalanggam ni Bossing, huh!
   
“Anniversary treat! We got to see the marvelous Victoria Falls from the Zimbabwe side. God is truly amazing! I never thought such beauty like this exists. #VictoriaFalls #Zimbabwe #Africa #SottoTravels.”
   
Naranasan din ni Poleng na sumakay ng helicopter at nakita ang Victoria Falls sa itaas.
   
Sa ginawa niya, na-conquer niya ang kanyang fear of heights, huh!
   
Sa araw mismo ng anibersaryo, narito ang mensahe ni Mrs. Sotto sa asawa: “Exactly a year ago, I married the love of my life. Life’s never been the same. Cheers to happiness, love and light! Happy anniversary, my love! #mzet280 #sottotravels.”

* * *

KUNTENTO na sa pag-arte si Sophie Albert kahit may nagsasabing beauty queen material din ang ganda at height niya.
   
Rason niya, “Takot akong ma-bash, hahaha! Malaking responsibilidad ’yon.”
   
Freelancer na si Sophie matapos madiskubre ng TV5 sa isang artista search.
   
Ngayon nga ay nasa cast siya ng movie na Moonlight Over Baler kapareha ang ex-boyfriend na si Vin Abrenica.
   
“Actually, before I accepted the movie, nag-decide na akong mag-quit sa pag-aartista. Actually, nang in-offer sa akin ang movie na ito, ang tagal kong nag-commit. Kasi nu’ng time na ’yon, ayoko na talaga.
   
“Then, nu’ng ginawa ko ang movie na ito, parang, ‘Ay gusto ko pa pala ito.’ So, nag-enjoy ako uli. Tapos, nagsakto pa na ang TV5, pumayag akong i-release. Kaya rin siguro nandito pa rin ako,” pahayag ni Sophie bago ang grand presscon ng Gil Portes film.
   
Feeling niya noon, na-burn-out siya.
   
“Inisip ko rin na baka this is not for me. Gusto ko kasi ng laging may ginagawa,” rason niya.
   
Wala raw kinalaman ang dating boyfriend na si Vin kaya tinanggap niya ang pelikula. Alam din niyang si Vin ang makakasama.
   
“Nu’ng time na ’yon, nag-aral ako ng make-up. Gusto ko sanang maging make-up artist,” balita niya.
   
Hiwalay man sila ni Vin, may lumalabas namang tsismis na nagli-live-in na sila.
   
“Hala, hahaha! Papatayin ako ng nanay ko riyan. May bahay po ako at may sariling bahay,” deklara ni Sophie.