4,682 guests

Barbie at Ken, meant to be na maging magka-loveteam?

Ken Chan Ken Chan

KAMAKAILAN, nagdiwang ng kanyang 24th birthday si Ken Chan o mas kilala ngayon bilang si Yuan Lee, isa sa mga leading men ni Barbie Forteza sa hit series na Meant To Be. At siyempre, hindi magpapahuli si Barbie sa kanyang greeting para dito. Sa kanyang post, sinabi ng mahusay na aktres na: “Happy birthday @akosikenchan. Ang matagal na nating biruan na maging magkaloveteam ay nagkatotoo na! Sobrang proud ako sa lahat ng achievements mo. Sana mabigyan ka pa ng maraming projects na susubok sa versatility mo. P.S. 5 years and counting.”

Na-intriga tuloy kami. Game over na ba para sa iba pang leading men ni Barbie sa pinakabagong Kapuso Primetime series na sina Addy Raj, Jake Roberto at Ivan Dorschner ngayong matagal na palang biruan ng dalawa na maging magka-loveteam? Ano kaya ang masasabi nila dito? Magparaya kaya ang tatlo o ituloy pa rin ang laban?

GMA  malaki ang tiwala kay Kris

KNOWING GMA Network, they know the definition of the word quality entertainment. Kaya naman nang malaman namin sa katatapos lang na launch ng GMA Network para sa kanilang shows ngayong 2017 na si Kris Bernal ang bibida sa remake ng Impostora, isang original series ng Kapuso Network noong 2007, hindi na kami makapaghintay na mapanood ito dahil sigurado kami kakaiba rin ang paghahandang ginagawa ni Kris sa kanyang role. Ani nga ng GMA’s Senior Vice President for Entertainment TV na si Ms. Liliybeth G. Rasonable nang tanungin siya kung bakit si Kris ang napili, isang maikli ngunit meaningful message ang kanyang sinabi: “Kris is a very good actress. Feeling namin kaya niya ang Impostora.”

Which runs counter sa mga pahayag ng GMA executives sa namesake ni Kris na you-know-who.

Jennylyn, handa na para sa kanyang sorpresa
   
THIS year, isa sa mga inaabangan sa telebisyon ay ang remake ng GMA Network sa hit Korean series na My Love From The Star kung saan ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado at Gil Cuerva ang bibida. Speaking of Jen, madalas namin makita sa social media ang posts ng kanyang mga fans na sobrang prepared na ang Kapuso actress bilang maging Pinoy Steffi. Excited na raw sila sa kanyang pasabog dahil sigurado pang-award winning na naman ang kanyang hatid.