5,765 guests

Pagsasamang muli nina John Lloyd at Sarah, tuloy na

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 531
Sarah & John Lloyd Sarah & John Lloyd

WALA nang urungan ang balik-tambalan nina John Lloyd Cruz at Pop Princess na si Sarah Geronimo sa kanilang ika-apat na team-up sa bagong rom-com na “Dear Future Husband” na nakatakdang idirek ni Theodore ‘Ted’ Boborol na nagdirek ng hit MMFF entry ng Star Cinema  na “Vince & Kath & James” na pinagbidahan nina Julia Barretto, Joshua Garcia at Ronnie Alonte.

Almost four years din ang binilang bago muling magtambal sina JLC at Sarah na huling nagtambal sa box office hit movie na “It Takes A Man and A Woman” noong March 30, 2013.

Unang nagtambal sina John Lloyd at Sarah noong 2008 sa “A Very Special Love” na naging malaking hit sa takilya.  The following year, 2009 ay muli silang nagkasama sa another box office hit movie na “You Changed My Life”.

Kung excited pareho sina John Lloyd at Sarah sa kanilang balik-tambalan, mas lalong excited ang kanilang fans.

Shooting for “Dear Future Husband” starts this month.
   
Ang tambalan nina John Lloyd at Sarah sa pelikula ay isa sa pinaka-bankable team-up sa bakuran ng Star Cinema at Viva Films.

ANGELINE, ‘NASARAPAN’ SA HALIK NI JAKE

WHEN Star Cinema was just starting, naging very supportive sa kanila ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde sa pagpapahiram ng kanyang contract stars and talents.  Ngayong nabaliktad ang sitwasyon na mas marami na ang contract stars and talents sa bakuran ng ABS-CBN, ang Regal Films naman ang nanghihiram ng talents.
   
Sa initial offering ng Regal Films sa pagpasok ng taong 2017, apat na Kapamilya talents ang muli niyang kinuhang lead stars ng rom-com movie na “Foolish Love,” sina Jake Cuenca, Angeline Quinto, Tommy Esguerra at Miho Nishida na pinamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan.
   
Ang “Foolish Love” ay first team-up bale nina Jake at Angeline at first movie naman ng real sweethearts na sina Tommy at Miho.
   
Natutuwa pareho sina Jake at Angeline dahil sunud-sunod ang paggawa nila ng pelikula sa bakuran ng Regal. Si Jake ay huling napanood sa “Mano Po 7: Chinoy” habang si Angeline ay nag-debut sa bakuran ng Regal sa pamamagitan ng “That Thing Called Tanga Na” na dinirek din ni Joel Lamangan at kung saan nakasama ng singer-actress sina Eric Quizon, Billy Crawford, Martin Escudero at Kean Cipriano.
   
Sa “Foolish Love,” ni-require ni Direk Joel na magkaroon ng torrid kissing scene sina Jake at Angeline bagay na sinunod naman ng dalawa.  Since first time itong gagawin ni Angeline, nag-usap muna silang mabuti ni Jake at in-assure naman siya ng actor na aalalayan siya nito.
   
“Nagawa naman po namin nang maayos,” ani Angeline.  “Masarap pala,” natatawa pa nitong pahayag.
   
Sa nakikita namin kay Angeline, mukhang unti-unti nitong sinusundan ang yapak ng kanyang idol na si Regine Velasquez.

TOMMY AND MIHO, DETERMINADO NA

DETERMINADO ang ex-PPB housemates at magkasintahang Tommy Esguerra at Miho Nishida na i-polish ang pagsasalita nila ng Tagalog at English, respectively.    Since sa Amerika ipinanganak at lumaki si Tom, puwede niyang turuan si Miho ng Ingles at si Miho naman ang magturo ng Tagalog kay Tom. Gayunman, meron silang respective tutors.
   
Nang pumasok sina Tommy at Miho sa PBB house, wala silang iniisip kung ano ang kanilang mararating after PBB.  Ni hindi nila alam na popular celebrities na sila paglabas ng Bahay ni Kuya.  Pero ngayong nabigyan na sila ng pagkakataon na umarte sa harap ng kamera sa telebisyon at pelikula, gusto nila itong pagbutihan kaya tuloy-tuloy ang kanilang pagwu-workshop.
   
Si Miho ay sa Angono, Rizal isinilang ng kanyang single-mom na nagtrabaho bilang isang entertainer sa Japan. Dalawang taong gulang pa lamang noon si Miho nang siya’y dalhin ng kanyang ina sa Japan at mag-isa siyang binuhay doon.  Pero sa halip na mag-aral (sa Japan), pag-inom at pagpa-party ang kanyang natutunan dun.
   
Tulad ng kanyang ina, si Miho ay isa ring single mother.  May isa siyang anak, ang 6-year-old na si Aimi Nishida.
   
Miho hardly understands and speaks English.
   
Tanggap ni Tommy ang pagiging single mom ni Miho at anak nitong si Aimi.
   
Bukod sa kanilang first movie together, ang “Foolish Love,” ang dalawa ay kasama rin sa morning TV series na “Langit Lupa,” their first TV series ever.
   
Nung nakaraang Christmas holidays ay magkahiwalay ang magkasintahan dahil bumalik ng California si Tommy to visit and spend the holidays with his family habang naiwan naman sa Pilipinas si Miho at ang kanyang anak na si Aimi.

A POSSIBLE MOVIE PROJECT FOR BOSSING VIC AND VHONG

ISANG araw habang tinitipa ko ang aking column (sa People’s Journal), biglang pumasok sa aking isipan ang isang project idea para sa isang movie na agad kong itinawag sa isa sa mga producers ng Cineko Productions (producer ng “Mang Kepweng Returns” ni Vhong Navarro) na si Ladylyne De Guzman-Ilao.  I pitched the idea to her na maganda siguro kung pagsasamahin sa isang pelikula sina Vic Sotto at Vhong Navarro at gawin itong “Enteng Meets Mang Kepweng” na agad nagustuhan ng lady producer.  Agad  itong ibinahagi ni Lady sa kanyang mga co-producers (ng Cineko Productions) who  got excited and readily agreed to the idea.  Agad kong pinarating sa OctoArts big boss na si Boss Orly Ilacad at sa girl-Friday ni Bossing (Vic Sotto) na si Ruth ang idea at sit-down meeting na lamang sa magkabilang panig ang kulang.
   
Never pang nagsama sa isang movie sina Bossing at Vhong at mukhang maganda ang kumbinasyon ng dalawa kung ito’y matutuloy.
   
Kung tutuusin, may follow-up project na si Vhong sa Cineko Productions, ang “The Adventures of Mang Kepweng” bilang sequel sa hit movie na “Mang Kepweng Returns,” pero kapag pumayag si Bossing (Vic) sa team-up nila ni Vhong, willing ang Cineko Productions na i-delay ang filming ng “The Adventures of Mang Kepweng” to give-way to a Vic Sotto-Vhong Navarro starrer.
   
Willing din ang Cineko Productions to co-produce the movie with OctoArts Films, M-Zet Productions at APT Entertainment.
   
Matuloy kaya ang proyektong ito na aming brainchild?
   
What do you think, Pareng Eugene (Asis)? (Why not? Anything is possible.—Ed.).