4,208 guests

P300-K sunog tumama sa VMMC

  • Written by Jun I. Legaspi
  • Published in Metro
  • Read: 150

UMABOT sa P300,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog sa engineering department  ng Veterans Memorial Medical Center kahapon ng hapon sa Quezon City.

Mabilis namang naa-pula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Quezon City ang sunog na umabot sa third alarm at idineklarang fire out makalipas ang mahigit 30 minuto.

Ayon kay fire marshal Supt. Manuel Manuel, ng QC, agad niyang itinaas sa ikatlo ang alarma dahil malapit sa gasoline depot ang ng sunog.

Imbakan ng flammable materials tulad ng thinner, pintura at plywood ang katabing gusali ng engineering department kaya mabilis na lumaki ang apoy, ani Manuel.