4,176 guests

PWDs, isa sa prayoridad ninaCong. Yedda at Martin

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 287

INILANTAD na ni Robin Padilla sa Instagram post niya ang hitsura ng anak nila ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella. Nagpapasalamat naman si Binoe sa technology ngayon dahil kahit wala siya sa piling ng mag-ina sa Amerika, nakikita pa rin niya ang panganay kay Mariel.

“Mukha namang natuwa si Maria Isabella sa first family picture namin. Nothing is impossible with the Creator! Thank you my only God for the blessing of technology,” caption ni Robin.
   
Kahit nabigyan na ng absolute pardon ni President Rody Duterte si Binoe, bigo pa rin siyang mabigyan ng US visa ng US Embassy para makabiyahe’t makita nang personal sina Mariel at Isabella.

* * *

PANALO ang dating ng trailer ng unang horror film ni Director Dan Villegas, ang Ilawod, na unang pasabog ng Quantum Films sa January 18, 2017!
   
Sa romantic-comedy films na English Only, Please at #Walang Forever nakilala ang galing ni Dan. Since then, naging mabenta na siya sa paggawa ng movies at TV series.
   
This time, sumabak naman sa horror genre ang director. Pangunahing bida niya si Iza Calzado. Pinasilip ang trailer nito sa preview ng Ang Babae sa Septic Tank 2. Kakaiba ang dating nito sa horror movies na nagawa na.

* * *

BINIGYAN ng Christmas treat ng mag-asawang Martin at Yedda Marie Romualdez last Saturday ang ilang entertainment press pero isinama niya ang ilang PWDs (Persons With Disabilities) sa okasyong ’yon dahil malapit sa puso nilang mag-asawa ang taong may kapansanan.
   
“Ito ang personal advocacy natin to further the interest of Persons With Disabilities. We’re happy and glad to have our law, The Expanded Magna Carta for Persons With Disabilities signed into law and just last month, through all the efforts of those our friends and I would like to make a special mention to the congresswoman of the First District of Leyte, Yedda Marie Romualdez for helping us and the Implementing Rules and Regulations signed.
   
“We have other issue like the actual provisions from the Department of Health refined further. We are working hand in hand with the representative of Mercury Drug to provide better services, better privileges like discounts, the Value Added Tax exemption aligning to this law,” pahayag ni Martin.
   
Nagpasalamat din si Martin sa press sa suportang ibinigay sa kanya ng entertainment press nang kumandidato siya bilang senador nitong nakaraang eleksyon. Nais niyang tumakbo uli sa 2019 hindi lang dahil sa PWDs kungdi sa iba pang marginalized sector ng society.
   
Sa batas na ipinasa ni Romualdez, pasok ang benepisyong VAT exemption, dagdag na 20 additional discount sa specific goods and services at maximum na 32% discount sa piling goods at services.
   
Puwede ring mag-avail ng benefits ang PWDs na rehistrado bilang dual citizens at Filipinos na na-regain ang kanilang Filipino citizenship.
   
Masayang Pasko ang hatid nina Martin at Cong. Yedda sa mga taong may kapansanan. Kapag naayos naman ng Department of Health ang Implementing Rules and Regulations sa mga gamot, agad-agad naman ipatutupad ’yon ng Mercury Drug.