5,850 guests

Chavit, nag-enjoy kasama ang mga Miss U candidates

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 463
Luis Chavit Singson Luis Chavit Singson

TWELVE candidates ng 2016 Miss Universe ang dumating sa bansa over the weekend for a four-day tour sa iba’t ibang tourist spots ng Pilipinas tulad ng Siargao Island sa Surigao del Norte, Cebu, Davao, Vigan, Intramuros at iba pang lugar at natikman din nila ang iba’t ibang pagkaing-Pinoy. Ang DoT Sec. na si Sec. Wanda Teo, ang reigning Miss Universe na si Pia Wurtzbach at si G. Chavit Singson ang sumalubong sa kanila. Pero ang mga ito ay aalis din at babalik sa kani-kanilang bansa sa araw na ito habang ang ibang batch naman ang papalit sa kanila. Simula naman sa January 6, 2017 ay magsisidatingan sa bansa ang halos 100 candidates para naman paghandaan ang nalalapit na Miss Universe competition na ang coronation night ay gaganapin sa MOA Arena on January 30, 2017.

Sa aming phone patch interview last Sunday afternoon sa aming “Inside Showbiz” radio program with Shalala sa DZRJ 810 kay G. Chavit, nasa Siargao Island siya na nagi-enjoy kasama ang mga kandidata.Nangako raw ang mga ito na babalik ng Pilipinas after the pageant para mapasyalan ang iba pang magagandang lugar.

Hindi nahihirapan ang mga kandidata na magtungo sa iba’t ibang lugar dahil bukod sa may dedicated private plane na naka-assign sa kanila, meron pang 30 Miss Universe tourist buses ang nakaantabay for land transportation na lahat pag-aari ni G. Chavit.

Sa palagay namin, dito lamang marahil makaka-experience sa pagiging pampered ang mga kandidata ng Miss Universe compared sa ibang host countries.

ALDUB TV SERIES, TULOY NA

TULOY na tuloy na ang unang TV series ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, ang “Destined to be Yours” na nakatakdang idirek ng “Camp Sawi” director na si Irene Villamor. Magsisimula na silang mag-taping next week at nakatakdang ipalabas sa primetime TV ng GMA early next year.
   
Thrice a week ang taping nila na ang location ay somewhere in Quezon. Would this mean kaya na hindi na sila (Alden at Maine) regular na mapapanood sa “Eat Bulaga”?
   
Nangangahulugan din kayang mawawala na rin ang kanilang “Kalyeserye” segment sa “Eat Bulaga”?

Pakisagot, Malou Choa-Fagar.

JENNYLYN AT BAGONG LEADING MAN, KINILIG SA ISA’T ISA

ANG TV series ng AlDub ang dahilan kung bakit hindi natuloy (maybe for now) ang unang tambalan nina Jennylyn Mercado at Alden Richards. Para sana ito sa local TV adaptation ng Koreanovela na “My Love from the Star.”  Pero marami naman ang nai-excite sa bagong makakapareha ni Jen, isang bagong mukha na na-discover ng GMA, ang modelong si Gil Cuerva.
   
Inaasahang magiging next matinee idol ito ng Kapuso Network.
   
Although taken na si Gil as in may GF na, marami pa rin ang kinikilig sa kanya.
   
Excited dina sina Jennylyn at Gil na magkatrabaho sa unang pagkakataon.
   
Sa sobrang guwapo ni Gil, hindi kaya ma-insecure si Dennis Trillo?
   
Samantala, kasama si Gil sa Kapuso Christmas Special, ang “The Magic of Christmas” na mapapanood  sa GMA on Sunday evening.

CLAUDINE, NAKAPANGHIHINAYANG

IT was in September 2015 nang ipalabas ang pelikulang “Etiquette for Mistresses” na kung saan ay isa sa mga bituin si Claudine Barretto.
   
During the promo ng pelikula ay muling nakapag-guest si Claudine sa iba’t ibang programa ng dating home studio, ang ABS-CBN where she originally reigned as teleserye queen.
   
Pero nagdesisyon si Claudine na lumipat ng Kapuso Network. Unfortunately, hindi nagtuluy-tuloy ang kanyang career doon matapos pasukan ng maraming issues ang kanyang personal na buhay.
   
Isang mahusay na aktres si Claudine at nakakapanghinayang ang kanyang talent kung lagi na lang may ’di magandang nangyayari sa kanya na kadalasang siya rin ang may kagagawan

’DI PAGDALO NI PATRICK SA FIRST COMMUNION NG ANAK, ISYU

ISYU sa ilan ang hindi pagdalo ni Patrick Garcia sa first communion ng kanyang panganay (sa actress na si Jennylyn Mercado) na si Alex Jazz dahil dumalo siya at misis niyang si Nikka Martinez-Garcia sa kasal nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa Cebu.

Ang katwiran ng iba, mas inuna pa umano ni Patrick ang social obligation niya sa kaibigang si Kaye kesa sa panganay na si Alex Jazz.

ARTISTA NG ‘MANO PO 7,’ PINAGKAGULUHAN

PINAGKAHULUHAN sa sariling parade ang mga artista ng pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” na tinatampukan nina Richard Yap, Jean Garcia, Jessy Mendiola, Jake Cuenca, Enchong Dee, Janella Salvador, Marlo Mortel, Kean Cipriano at iba pa, sa Binondo. Naroon din ang mag-inang producers na sina Mother Lily at Roselle Monteverde with matching lion and dragon dance.

Magbubukas sa araw na ito ng Miyerkules ang naturang pelikula sa mga sinehan nationwide.