4,902 guests

Direk Erik, ginawang bida ang mga baguhan sa ‘Seklusyon’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 440
Jay-R, Erik, Johnvic, Dominic  & Ronnie Jay-R, Erik, Johnvic, Dominic & Ronnie

Ang pelikulang Seklusyon ang entry ng Reality Entertainment sa Metro Manila Film Festival ngayong Pasko. Matagal ulit bago nakagawa ng horror movie si Direk Erik Matti at ayon sa kanya, ang Pasiyam ang huling horror film na ginawa niya.

“Natagalan akong gu-mawa ulit kasi ayoko naman na basta horror lang yung gagawin ko. Gusto ko yung kakaiba naman,” simulang kuwento ni Direk Erik sa kanyang pocket presscon.

“We’ve been thinking, actually ilang taon na ito, na parang nag-iisip kami na makagawa talaga ng totoong horror and mahirap maghanap ng horror na idea, eh. Siyempre meron kang kuwentong naisip tungkol sa ghost, kuwentong iba-iba,” patuloy niya.

Pero nu’ng narinig daw niya ang kuwento ng kanilang editor tungkol sa kapatid nitong malapit nang mag-pari, nagkainteres siya sa istorya.

“Sinasabihan kasi siya ng simbahan na huwag nang maglalabas nu’ng malapit na sa day ng ordination. ’Yon daw  kasi ’yun time na  mahihirapan siyang pigilan ang sarili sa pagte-tempt ng demonyo and that stock with us,” sey pa niya kung paano nabuo ang concept ng Seklusyon.
   
Taong 1947 ang setting ng Seklusyon at may paliwanag din ang director kung bakit hindi sa present time niya ito ginawa.
   
“’Pag ngayon kasi parang, may new technology na  ’di ba? Tapos medyo matao na ’yung lugar. We wanted a really strong isolated na feeling, ’yung parang isolated ’yung mga tao na involve sa kuwento. At the same time, we were looking for an event wherein yung kwento ng demonyo lumakas.
   
“So naisip namin, right after ng giyera, everyone even the church is having doubts about sa kanilang faith at ’yung presence ng God kasi nanggaling sila sa napakalaking giyera. So parang the church is also rebuilding itself sa time na ’yon so it leaves  open to questions of ‘has God abandoned us or is God going to be there for us even after the war’? Pero backdrop lang yon ng kuwento,”  sey pa ni Direk Erik.
   
Samantala, sinagot din ng director kung bakit puro baguhang actor ang pinili niyang magbida sa Seklusyon.
   
Sey niya, “Itong project na ito nu’ng naisip naming gawin nag-isip talaga kami if we could gather a group of actors that we could support and launch. Kasi ang hirap din ngayon with everyone owning all the talents, di ba?
   
“Ang hirap maghanap ng time for the talents, ang hirap maghanap ng schedule. So we wanted to find actors that we could maybe use for other films, maybe discover a new talent, discover some new faces for the industry.”
   
Patuloy pa ni Direk Erik, “And  we decided to cast Ronnie Alonte, Johnvic (De Guzman) who came from the sports, si Jay-R na baguhan dito sa Manila na isang model.
   
“Bagay naman sa ka-nila ’yung istorya kasi diya-kono sila na mga batang lalaki,”  katwiran pa ng ma-galing na direktor.