5,691 guests

Tourism secretary, kontra kay Cesar!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 474

Miss U candidates, kakaiba ang Pasko sa ’Pinas

KONTRA si Tourism Secretary Wanda Teo sa pagtatalaga kay Cesar Montano sa Tourism Board. Ito ang pahayag ni Sec. Wanda sa interview sa kanya nu’ng Wednesday sa Commission on Appointments na napanood  namin sa news.

Wala namang sinabing rason ang opisyal. Meron lang daw siyang napupusuan sa posisyong ’yon.
   
Gaya ni Sec. Wanda, appointee rin ni President “Digong” Duterte si Cesar na isa sa showbiz supporters niya.
   
Hindi man kilala ng foreigners, puwede namang magsilbing atraksyon si Cesar sa mga local tourist dahil sikat na, guwapo pa, huh!
   
Siyempre, wala namang magagawa ang sekretarya dahil tanging si P-Digong lang ang puwedeng bumawi sa appointment ni Cesar.

* * *

MAGDADATINGAN na sa bansa ang ilang kandidata sa Miss Universe 2016.        
   
Kahapon, bumalik na rin sa bansa ang reigning Miss U na si Pia Wurtzbach.
   
Nitong darating na weekend, ipapakilala sa press ang ilang kandidatang dumating na sa bansa. Bongga ’yung mai-experience nila ang Pasko sa ’Pinas, huh!
   
May Miss U candidate kaya uling magiging dyowa ng ating kalalakihan? Remember Ogie Alcasid and basketball player Francis Arnaiz?

* * *

HUMAMIG na ng 1M views ang online original shows ng D5Studio. Nagbunga ang malaking sugal ng D5S sa makabagong konsepto ng paghahatid ng makabagong konsepto ng programa.
   
Ang dalawang web shows na Forever Sucks at Bolero Rap Battles ang dalawang programang kinaaaliwang panoorin ng mga millennial fan.
   
February nagsimula ang FS ni Jasmine Curtis-Smith na agad nakabuo ng loyal following.
   
Kahit nawala na sa series si JC Santos, naging maganda pa rin ang feedback sa pagpalit sa kanya ni Felix Rocco bilang lover ni Jasmine nitong second season dahil umabot na ito sa 1M views.
   
Natapos man ang second season, umaasam pa rin ang viewers ng show na magkakaroon ito ng third season dahil walang kamatayan naman ang “buhay” ni Jasmine bilang vampire, huh!
   
Ang isa pang DS5 show na kinagigiliwan ng music fans ay ang Bolero Rap Battles. Hosted ito ng hip-hop superstars na sina Rob Henley at Loonie. Spin off ito ng biggest rap show battle na Fliptop Battles.
   
Ang maganda sa show, ito ay purihan at hindi siraan kung saan walang labanang nag-aaway sa mga rapper. Nagtapos ang show sa labanan nina Apekz at Sherman.
   
Aba, puwedeng isalang sa D5S ang digital shows ni Kris Aquino, huh!
   
Mapapanood sa D5Studio ang original shows nang libre sa www.d5.studio.