4,726 guests

Open dump bawal sa Cavite sa 2017

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 171

PROVINCIAL Capitol, Trece Martires City -- Binigyan ng babala ng pamahalaang panglalawigan ng Cavite ang lahat ng local government units (LGUs) na mapapatawan ng kaukulang parusa kapag hindi nila itinigil ang open dumpsite sa kanilang nasasakupan sa taong 2017.

May ipapataw na administratice charges sa LGU na lalabag o hindi mag-comply sa Solid Waste Management Law of the Philippines, ayon kay Engr. Rolly Pozas, head ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) ng Cavite.
   
Ang mga ahensya ng DILG, DENR, Ombudsman at Commission on Audit ang mga nakatuon sa mga LGU na hindi susunod sa batas.
   
Sa ngayon, ang lalawigan ng Cavite ay walang sariling landfill area at nakikitapon lang sa landfill sa Laguna.
   
“Sa kampanyang ito sa taong 2017, wala na pong open dumpsites sa ating lalawigan na naaayon sa batas,” ayon kay Pozas.
   
Ang pitong syudad at 16 na bayan ng Cavite ay kailangang sumagot sa provision ng RA 9003 sa loob ng 30 days at magbigay ng solid waste management plan.