4,800 guests

Pumayat

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 499
Sunshine Dizon Sunshine Dizon

Ayon kay Sunshine Dizon, wala raw kinalaman ang pagpayat niya sa hiwalayan nila ng estranged husband na si Timothy Tan.

“Actually, maayos na-man po kami ng asawa ko when we closed the deal for Belo endorsement.

“So, nagkataon lang talaga lahat. And you know, I’m not one to explain naman to everyone pa kaya ako pumayat. Because some people are thinking na ‘hindi, kaya ’yan pumayat kasi ininiwan ng asawa or may nangyari sa buhay niya.’ No that’s not it.

“It was a conscious effort and decision to actually you know, it’s really time already to look my best, it’s part of the job, ’di ba? You have to be your best,” say ni Shine.

May bagong teleserye ngayon ang aktres sa GMA-7, ang Ika-6 na Utos na magsisimula na ngayong Lunes, Dec. 5  kung saan ay first time niyang makakapareha si Gabby Concepcion. Nagkatrabaho na raw sila before sa Huwag Kang Humalik sa Dyablo pero siyempre hindi as her leading man.
   
“Pero my God, he has not aged a bit. So talagang grabe naman, sobrang bagets pa rin ni Kuya (Gabby). Gwapong-gwapo pa rin. Heartthrob,” saad pa ni Sunshine.
   
Kumusta namang katrabaho si Gabby?
   
“Si Kuya, sobrang cool sa set, eh. Parang hindi nagwo-work. Saka parati siyang... .he always asks me, basta walang palya ’yan, everytime na magkita kami sa set, ‘o, how are you today? Are you doing good?,’ Ganu’n parati. He’s very sweet,” papuri ni Sunshine sa leading man.
   
Sa ngayon ay okay naman daw siya after the separation dahil ang dalawang anak niya ang nagpapalakas sa kanya plus nandiyan ang mga kaibigan at pamilya niya.
   
“I’m very good. I have a very good support system. Ako naman, as long as my kids are happy and okay, I’m okay.”
   
Wala bang nagpaparamdam na guy sa kanya ngayon?
   
“I will not entertain anything of that sort because technically, I’m still married. ’Yun pa rin po ang pinaglalaban ko, kasal ako.”
   
At ayaw niya rin daw na suwayin ang ika-6 na utos which is huwag makikiapid.
   
“Opo, hayaan na po natin ang iba na gumagawa niyan. Bilang may asawa sila pero nakikiapid sila,” nakangiti at malamang sabi ni Shine.