4,567 guests

2 retokadang aktres, magkamukha na!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 540

Ang feeling ng mga reporter na nakakita sa dalawang aktres, pare-ho sila ng cosmetic surgeon na gumawa sa ka-nilang mukha dahil halos magkamukha na ang dalawa.

Gusto tuloy interbyuhin ng mga reporter ang cosmetic surgeon na gumawa sa mukha ng dalawa para alamin kung peg nito si Sexy Star A sa pag-aayos sa mukha ni Sexy Star B.

Pareho namang open ang dalawa na nagpaayos sila ng mukha, kaya puwede sigurong alamin kung sino ang kanilang cosmetic surgeon. Puwede nang gumanap na magkapatid ang dalawang aktres dahil magkamukha na sila.

* * *

Hindi masyadong narinig ng mga reporter ang sinabi ni Gabby Concepcion sa presscon ng Ika-6 Na Utos  na may hawig ang kapareha niyang si Sunshine Dizon sa ex-wife niyang si Sharon Cuneta. Reunion nila ito ni Sunshine na una niyang nakasama noong bata pa at ngayong magkapareha sila, ang request ni Gabby ay ’wag na siyang tawaging “Kuya Gabby.”

Mamaya, after Eat Bulaga ang pilot ng Ika-6 Na Utos, pang hapon ang time slot na hindi raw bagay sa status ni Gabby na A-lister actor. Pero hindi ito problema sa aktor dahil importante sa kanya ang ganda ng material, makatrabaho sina Sunshine at iba pang cast at muling maidirek ni Laurice Guillen and he’s up for change.
   
Kasama rin sa change na gusto ni Gabby ang magkaroon ng radio show sa gabi para sa hindi makatulog. Gusto niyang format ‘yung magbibigay ng payo sa may mga love problems. Based sa experiences daw niya ang ipapayo niya.

* * *

Kinailangang manawa-gan ni Director Mark Reyes sa fans ng Team Ybrami-hans nina Ruru Madrid at Kylie Padilla at Team Ale-barro nina Ruru at Gabbi Garcia sa Encantadia na ‘wag mag-aaway dahil maraming isyu sa labas ng fantaserye ang dapat pag-tuunan ng pansin.
   
“To both Ybramihans and Alebarro groups. There is enough conflict happening in the world. Let’s not add to the negative energy. Both groups should co-exist competitively but respectful with one another.
   
“Enjoy the show. Don’t let it be a cause of any negativity and ill feelings towards one another. Otherwise, neither group will be happy. And we will be forced to place sanctions that will affect both love teams. Thank you.”
   
Nag-aaway ang two groups ng fans at si Ruru ang sinisisi dahil tinuhog daw ang magkapatid na Alena at Amihan.