5,653 guests

‘Duwag!’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 569

Pamangkin ni Raymart, kakasuhan ni Claudine

Pati isyu nila ni Raymart Santiago, binuhay ni Claudine Barretto dahil sa nangyari sa anak na si Santino na sinaktan umano ng pamangkin ni Raymart na si Raphael, anak ni Randy Santiago. 

Nabanggit ni Raymart na away-bata ang nangyari sa magpinsan, na tinutulan ni Claudine.
   
Namaga raw ang right arm ni Santino, naka-sling ang braso nito, may pasa ng sakal ang leeg at hindi makapasok sa school dahil in pain.
   
“See u in court” ang post ni Claudine, na ididemanda ang pamangkin ni Raymart. Dina-draft na raw ang complaint letter at baka this week, isampa na ang kaso.
   
Ang sakit lang kay Raymart ng hashtag ni Claudine na #walangkwentangama dahil sa pagpanig daw nito sa pamangkin kesa sa anak.
   
Kuwento pa ni Claudine, sa ospital, sabi raw ni Raymart, siya na lang at ang misis ni Randy ang magsu-sorry para kay Raphael.
   
Pero ang hinihingi ni Claudine, mag-sorry sa kanya at kay Santino si Raphael.
   
Dahil sa galit, may post pa si Claudine para kay Raymart na: “Nagtataka talaga ako kung paano? Bakit sa lahat ng lalaki sa mundo dito ako napunta sa lalaking DUWAG!!! Oh, wait, i forgot STUPID.”
   
“Battered wife” rin daw siya at ang “husband doesn’t provide & protect u then balikan mo ako kung buhay ka pa at kinaya mo.”
   
Abangan ang mga susunod na mangyayari sa Instagram (IG) at sa ibang social media accounts dahil tiyak na kakalat ito sa ibang sites.

* * *

Ang aga pala ng start ng taping ng Ika-6 Na Utos  dahil nabasa namin sa post ni Sunshine Dizon na alas-kuwatro ng umaga, nasa set na siya at magsisimula nang mag-taping.
   
Hindi nabanggit ng aktres kung tuwing taping day ay ganu’n sila kaaga nagri-report o that particular day lang.   Pinataba si Sunshine sa soap at para ma-achieve ang “taba look” niya, may fat suit siya at wig para sa karakter niyang si Emma, normal na babae na nagkaasawa ng guwapong piloto at pinagtaksilan.
   
Papayat din naman sa story si Sunshine, ito ’yung hiniwalayan na siya ni Gabby Concepcion at gagantihan na niya ito at si Ryza Cenon.
   
Very true to life nga ang story ng Ika-6 Na Utos pati ang karakter niya, ’di na niya kailangang umarte pa.  Reunion nina Sunshine at Pen Medina ang Afternoon Prime ng GMA-7 na airing na sa December 5.

* * *

Ini-launch ng Regal Films ang second poster ng Mano Po 7: Chinoy  and this time, nasa harap ng mesa na puno ng pagkain ang cast. Mas gusto namin ang second poster na sama-sama ang cast, pero si Jake Cuenca ang nakaakbay kay Jean Garcia at hindi si Richard Yap na gumaganap na asawa ni Jean sa pelikula.
 
Kay Jake rin may kissing scene sa movie si Jean dahil ang dapat kissing scene nila ni Richard ay hindi na kinunan ni director Ian Lore?os. Biniro ng press si Jean na nanghinayang sa hindi natuloy na kissing scene nila ni Richard na pinagnanasaan ng dalawang babaing may special participation sa movie.
 
Nabuking din sa presscon na crush ni Richard si Jean mula pa sa pelikula nitong Impaktita. Pinanood din nito ang The Escort at sabay nilang mapapanood ang Mano Po 7  sa premiere night sa December 9, bago ang regular showing sa Dec. 14.
 
Samantala, “dating” ang status ni Jean ngayon at two years na siyang walang boyfriend. Ayaw na niyang magka-baby at okay na sa kanya ang maging lola ni Mori (anak ni Jennica Garcia at Alwyn Uytingco).

o-O-o

May reaction si FDCP Chair Liza Di?o-Seguerra sa ginawang pag-ihi ni Baron Geisler sa mukha ni Ping Medina. Naka-post sa FB ang reaction ni Liza sa isyu.
 
“Baron Geisler SUMUSOBRA KA NA. INIHIAN mo sa mukha ang co-acot mo sa eksena WITHOUT his consent? You have gone way too far. Masyado ka ng maraming inagrabyado. At ang lakas ng loob mo because you always get away with it.
 
We may not have guilds here who can really protect the walfare of our film workers but I will make sure this will never happen again to any actor. Legal action should be taken against YOU. I will make sure our council sees this through.
 
WALA KANG RESPETO SA SINING. Wala kang puwang sa industriyang ito! Tama si Ping, masahol ka pa sa hayop. Binababoy mo ang integridad ng propesyong nagbibigay ng kabuhayan sa’yo.