5,929 guests

Porter na-hit and run ng taxi, nasagasaan ng trak, patay

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 112

BAGUIO City -- Dead on the spot ang isang porter matapos ma-hit and run at masagasaan ng trak bandang alas-11:15 ng gabi kamakalawa sa Palispis Highway junction sa Crystal Cave, Kitma Village, Baguio City.

Kinilala sa pamamagitan ng barangay certificate na nakuha sa biktimang si Primitivo Ceraon Ellamil Jr., 43, binata, porter, ng Victory Liner Gov. Pack Road.
   
Sa imbestigasyon, bumaba ang biktima lulan ng Toyota Innova wagon taxi (AAU-5490) na minamaneho ng isang Rodolfo Calanno Umaga Jr. nang mahagip ng isa ring wagon taxi ng hindi pa kilalang drayber at plaka nito na mabilis na tumakas tungo sa direksyon ng Atab at Green Valley.
   
Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon and biktima sa kabilang lane ng kalsada at nasagasaan ng isang Isuzu Giga flat bed truck (SKM-593) na nakare-histro sa munisipyo ng Umingan at minamaneho ng isang Danilo Abecilla Minda, 44, may asawa, ng Nancalabasaan, Umingan, Pangasinan.
   
Ang nasabing insidente ay nasaksihan ng isang taxi drayber na nakilala lang na si “Mr. Umaga Jr.” at tatlong menor de edad na pasahero ng nasabing trak na sina Mark Zarate Pimentel, Jesther Pascual de Los Santos at Bryan Patrata Corpuz.
   
Dead on the spot ang biktima sanhi ng tinamong sugat sa ulo at katawan. Dinala ng mga tauhan ng Baguio Memorial Chapel ang bangkay ng biktima sa payo na rin ng mga rumespondeng tauhan ng Baguio City Emergency and Medical Services (BCEMS).
   
Kinumpiska ng mga rumespondeng imbestigador ng traffic ang lisensiya ni Minda at pansamantalang naka-impound ang sasakyan na sangkot sa insidente.