5,659 guests

Jason, kamukha ng ‘drug lord’

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 478

WOW, Ian F., hayan at magkasama nang muli sina Jason Abalos at Patrick Garcia sa bagong series na magsisimula next week on ABS-CBN, ang Langit Lupa. 

Matagal ding nabakante ang dalawa, considering that after Two Wives, the soap which co-starred them with Kaye Abad at Erich Gonzalez, wala pareho silang projects.
   
Kunsabagay, among the four of them, tanging si Erich ang nagkaroon kaa-gad ng assignment as leading lady ni Daniel Matsu-naga who was introduced sa Two Wives, sa magta-tapos nang Be My Lady.
   
Kaye naman became busy with the preparation of her wedding this December kay Paul Jake Castillo, na kasama rin sa Two Wives.
   
Call it coincidence, or whatever, but Langit Lupa will take over the timeslot na iiwanan ng Be My Lady.
   
Langit Lupa, written and scripted by Mel del Rosario, also stars Yam Concepcion, Ellen Adarna and the loveteam nina Miho Nishida and Tommy Es-guerra, plus Jairus Aquino and Sharlene San Pedro.
   
Featured ang child stars na sina Xia Vigor at Yasha Camille.

* * *

Speaking of Jason, don’t you think, Ian F., he would make an ideal choice bilang si Kerwin Espinosa, alleged drug lord, if, in case, isapelikula ang buhay nito?
   
Matindi ang hawig ni Jason sa kasalukuyang talk of the town na controversial personality. Although, obvious din na mas bata si Jason kesa kay Kerwin.
   
But, no doubt, na ideal na subject for a movie ang buhay ni Kerwin.

* * *

From among the producers na dumalo sa katatapos na announcement ng walong pelikulang kasali in this year’s Metro Manila Film Fest, pinakamasaya si Perci Intalan, producer ng Die Beautiful, which topbills Paolo Ballesteros.
   
Directed by Jun Lana, Die Beautiful has already created a stir, when it won for Paolo the best actor trophy in the last Tokyo International Filmfest.
   
Die Beautiful, we heard, will be released by Regal Entertainment, na ang entry na Mano Po 7: Chinoy, sadly, ay hindi kabilang sa napiling Magic 8.

* * *

May something in common pala sina Arci Muñoz at JC Santos, stars of the top series Magpahanggang Wakas and Till I Met You, respectively.
   
They both finished Theater Arts sa University of the Philippines. They are two of the highly regarded talents, too, among the Kapamilya contract stars.
   
Kahit pa ang Till I Met You lang ang project na kasalukuyang ginagawa ni JC, samantalang kasama naman si Arci sa pelikulang Extra Service with Coleen Garcia, Jessy Mendiola and Enzo Pineda.
   
Enzo, formerly a Kapuso Talent and now a Kapamilya, acts bilang fellow gay ni JC sa Till I Met You.
   
In so short a time that they have worked together, they have become good friends, ayon kay Enzo.
   
Of Enzo, may nagkalakas loob pala sa kanya na magtanong kung gay nga siya.
   
Ang sagot niyang natatawa ay hindi raw.
   
Like JC, he reveals, may girlfriend siya. Isang ’di taga-showbiz. In the case of JC, isang theater actress ang babaing minamahal nito.