8,021 guests

Pusher nanlaban sa pulis, patay

  • Written by Itchie Cabayan
  • Published in Metro
  • Read: 190

Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher matapos na tumakbo at manlaban sa mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 habang nagsasagawa ng anti-criminality operation kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Section, ang suspek na si Renato de Leon, 31, na nasawi sa loob ng kanyang barung-barong sa  Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo, Maynila.
    
Nabatid na nagsasagawa umano ng anti-criminality operation ang Delpan Police Community Precinct, sa pangu-nguna ni PO3 Ronald Alvarez, dakong alas-9 ng umaga nang madaanan nila  ang  grupo ng kalalakihan na nagtatransaksiyon ng droga.
 
Nang makita ang mga pulis, nagkanya-kanyang pulasan ang mga lalaki habang tumakbo naman sa kanyang barung-ba-rong si De Leon at kinuha ang kanyang .38 ka-libreng baril at saka pinaputukan ng dalawang beses ang mga humahabol na pulis.
    
Sabi ni Kabigting, gumanti ng putok ang ibang pulis at tinamaan ang suspek na naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center pero idineklarang dead on arrival.