5,360 guests

Nilinaw

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 491

Jessy, ‘banana’ ang stress-reliever

Angelica, ‘nire-renovate’ ang sarili

Nilinaw ni Jessy Mendiola na hindi naman siya nalungkot or na-disappoint na hindi siya ang napiling gumanap na Darna.

“Hindi naman po siya (Darna role) binigay sa akin to begin with, bakit naman ako malulungkot?” nata-tawa niyang sabi.

But let’s face it, isa siya sa nako-consider dati for the role, ’di ba?
   
“I think, lahat naman po ng natanong tungkol doon sa role na ’yun, open naman. I mean, sino ba naman ang may ayaw?” aniya.
   
Matatandaang na-confirm na recently na si Angel Locsin na ulit ang gaganap na Darna na gagawin ng Star Cinema although wala pa namang balita kung kailan  ito uumpisahan.
   
Samantala, pagkatapos ng You’re My Home ay wala pang bagong teleserye ulit si Jessy at sa Banana Sundae and ASAP lang siya naka-concentrate.
   
Sa Banana Sundae ay nagpapatawa siya at aminado ang aktres na talagang nahirapan siya at first.
   
“Pero nu’ng tumagal na, sila (Banana Sundae mainstays) ’yung tipong pamilya na kapag alam nilang nahihirapan ka, tutulungan ka nila.
   
“So, ’yun, nagkaroon na rin ako ng mga projects na nalalapit sa comedy, so dahil din sa Banana family, naging sanay na rin ako pati sa timing and everything.
   
“Ngayon, hindi na siya trabaho ’pag magkakasama kami. Nagiging stress reliever na siya sa aming lahat. Masaya naman,” sabi ni Jessy.

* * *

At 30, nasa marrying age na si Angelica Panganiban at lalo namang nasa wastong edad na siya para maging isang ina. But since sabi nga niya ay hindi pa raw niya natatagpuan ang lalaking sa tingin niya ay makakasama niya for the rest of her life, it follows na hindi pa rin siya magkakaroon ng anak in the near future.
   
Aware naman si Angelica na may certain age na tamang-tama sa pagbubuntis pero kung talagang hindi pa raw niya nakikita si Mr. Right, wala raw siyang magagawa.
   
“Well, kailangan mong tanggapin ’yun, ’di ba, eventually na kung hindi para sa iyo, hindi para sa ’yo. Kung para sa ’yo, ’di salamat. Pero kung hindi, move on tayo at bili ka ng maraming pusa at aso,” natatawa niyang sabi.
   
Dahil ilang beses na nga siyang nagmahal at nasaktan, it doesn’t mean na titigil na siya sa pagmamahal. Pero aniya, sa ngayon, ang gusto niyang maging focus muna ay sa kanyang sarili.
   
“Self-improvement. Kumbaga sa bahay, nire-renovate. Ganyan.”
   
Kailan ba niya masasabing dapat ipaglaban ang pagmamahal?
   
“Hindi ko alam. Hindi naman ako expert pagdating sa pagmamahal, sa relationship. So, hindi ko masasabi kung hanggang kailan ka dapat lumaban. Nasa sa iyo ’yan. Pero sana, huwag lang mawawala sa ’yo ang respeto mo sa sarili mo at sa ibang tao.”
   
Ano naman ang maipapayo niya sa mga babaing nagmahal at nasaktan?
   
“Basta ’pag nagmahal ka at nasaktan, magpaganda ka after. ’Yun naman talaga ang pinakamagandang advice,” nakangiti niyang sey.